Chapter 10: New Boss

167 13 0
                                    


Chapter 10
New Boss

First day ko ngayon sa trabaho. Of course maaga akong gigising ngayon. Hinalukip ko ang aking cellphone at tinignan ito. Oh mahabaging buda, oras na pala. Tumayo na ako at bumaba na para kumain.

Bigla kong naalala, kailan kaya mag-eenroll ang kapatid ko? Baka mahuli payun.

"Kirt?" I called him

"Ate?" Lumabas siya sa CR

"Nag-enrol kanaba? And, san college ka pala mag-aaral?" I asked him

"Hindi pa ate, hinihintay kolang yung barkada ko, wala pa kasi siyang pera eh." Umupo siya sa upuan sa tabi ko "Sa St. Nicolas College te, lam mu yon?" Tanong niya

"Ah, yung sa intersection?" Tanong ko

"Yes ate, ayaw ko kasi sa school mo, at mas maganda sa SNC dahil mataas ang kalidad ng pag-aaral and mura pa." Tumayo siya saka kinaha yung gardenia "and para di na kayo mahirapan ni mama sa tuition ko."

"Sabagay, sabi din ni Gail maganda sa St. Nicolas college." Kinagat ko ang gardenia ko

"Kapag may pera na si Addison mag-eenrol din ako." Sabi niya

"Ah ganun ba" sabi ko saka hinigop ang kape ko, with sounds.

"Sayang nga di ko nahabol yung 20% discount for early enrollees. Pero ayus lang." Sabi niya saka ngumiti. Ang cute at gwapo talaga ng kapatid kong ito. For sure bebenta ang kagwapuhan nito sa school nayun.

Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako. After bathing, gumora na ako.

At sa kabutihang talampakan, iniwan ni mama ang sasakyan. Yohhoooo. Sumakay na ako at pinaandar ang Altis. Ilang saglit pa ay nakarating na ako sa building. Ipinark ko ang kotse sa parking area saka lumabas na. Ewan ko, parang may gustong sumira ng ganda ko ngayong umaga. Nakita kong naglalakad papunta sakin ang tatlong hinayupak na wonder pets.

Hindi ko sila pinansin kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Kaso hindi paman ako nakakalayo ay hinila ng isa sa kanila ang coat ko. Aba'y tarantado din 'tung isang to ah.

"Akala moba palalampasin namin ang ginawa mo last time?!" Utas nung pinakamaganda sa kanila pero mas maganda ako. Yung hamtaro to.

"Asan na ang coat ko, may trabaho pa ako." Mahinahon kong sagot para wala nang gulo.

"Ito ba?" Nakataas na kilay na sinabi nung makapal ang lipstick. Si joker

Itinaas niya ang coat kong pagkaganda-ganda ng pagkaplantsa saka binitawan. Ng mahulog na ito ay ibinuhos ni hamtaro ang dala niyang chocolate drink sa coat ko. Uminit bigla ang tainga ko. Sinusubukan talaga ako ng mga haliparot na punyetang mga 'to ah.

"What the hell!" Singhal ko

Nagtawanan sila saka umalis. Pinulot ko ang basa kong coat saka tinawag sila. Tikman niyo ang galit ni Zeus.

Humarap sila ng nakatawa pa at ako naman ay lumapit sa mga pesteng 'to.

"Alam niyo? Ang swerte niyo. Hindi ako nakapam-PE kaya hindi flexible ang mga galaw ko." Hinawakan ko ng mabuti ang coat ko tapos nag-ipon ako ng lakas at hinampas ng buong-buo sa kanila ang basa kong coat.

Nalaglagan sila ng panga.

"Oh my gosh! My dress!" Pag-iinarte ni hamtaro

Lalapit sana sila para sabunutan at lapain ako kaso agad kong nakuha ang nail cutter ko sa bag sa tinutok sa kanila yung blade.

"Sige! Subukan nyo 'kong hawakan, ipatitikim ko ang lasa ng blade na 'to na ilang beses ng dumaan sa singit ng kuko ko!" Sabi ko saka tinusok-tusok sa hangin ang blade. Parang tanga lang.

Nagsigawan sila saka tumakbo. Since naka heels yung isa ay nadapa pa saka nagmadaling tumayo at tumakbo. Mga bwisit na kayo.

Dinala ko ang coat ko sa aking paglalakad. Pano na nyan? Baka mag-mukha akong informal nito. Dapat naka coat. Tanginers naman.

Ipapa laundry ko nalang siguro. May uutusan naman. Sumakay na ako sa elevator, buti nalang walang ibang tao, nangangamoy chocolate kasi ang coat ko. Kapag nakita ko ulit ang mga 'yon, ipapalapa ko talaga sila sa aso ko.

Pumasok na ako sa office ko, diba meron agad. Tumambad saakin ang malaking salamin so office. Tumingin muna ako. Shit, ang ganda naman pala ng mga balikat ko, pero kailangan may coat talaga. Jusko, 'wag muna sanang pumasok si Ms. Jane dito, baka kainin ako nun.

Inutusan ko ang secretary ng boss ko na ipa laundry ang coat ko sa pinaka malapit na laundry shop. Wala pa naman ang boss ko so pwede pa siya.

15 minutes na ang nakalipas, wala parin ang secretary. Inatupag ko muna ang mga paper works ko.

Natigil ang pag-dadalubhasa ko sa mga paper works ng biglang may pumasok. Si Sir Jeff Marcon! Anong ginagawa ng taga accounting department dito? Shit, ang gwapo niya. Kinikilig ang puwet ko.

"Good morning sir." Bungad ko saka tumayo.

Tinignan niya ako ng mariin. Ang sexy niyang tumitig. Oh lord.

"Your boss?" Tanong niya

"W-wala pa po sir." Sabi ko

"Just kidding" nag smile siya "nandoon na siya sa accounting department, mas mataas ang understanding niya don since he's a CPA." Umupo siya sa table ng boss ko "I'm the new boss here" sabi niya saka nag smile. Naihi ata ako sa panty ko. Ang gwapo nya.

"May bonus na agad ako." Accidentally kong nasabi

"What?" Tanong niya

"Ah w-wala po sir" sabi ko saka nag pa cute smile

"Bakit hindi ka naka coat? Medyo informal yan dito sa company." Sabi niya saka binuksan niya ang mga papel sa table niya

"S-sorry po sir, nadumihan ho kasi ng chocolate yung coat ko, pina laundry kolang po kay secretary." Sabi ko saka umupo sa swivel chair ko

"Umagang umaga nag chocolate ka?" Tanong niya ng naka kunot ang noo. Oh my, lalong gumwapo

"Ah, yung chocolate drinks po sir, na pusit kopo kasi sa coat ko." I lied. Mga asungot kasi sina joker eh. Napapagalitan pa ako.

"Huwag monang hintayin yung coat mo, nautusan din kasi yung secretary kay Ms. Jane so matatagalan pa yun." Sabi niya saka tumayo

"Eh pano niyang sir wala akong coat?" Tanong ko sa poging boss ko.

"Fix yourself, let's go." Anyaya niya

"Pero sir, san po tayo pupunta?" I asked. Uminit ang pisngi ko. 'Wag naman sana sa motel lord.

"Sa mall, ibibili kita ng coat." Sabi niya saka naglakad papunta sa door.

Really? Ang bagi kong boss na ubod ng gwapo ay ililibri ako? Damn it. Ang swerte ko.

"Sir nakakahiya po, hintayin ko nalang po yung sakin." Sabi ko. Siyempre dapat medyo pa-hard to get.

"No worries, maalaga talaga ako sa mga hinahawakan ko." Sabi niya saka nag cute smile, yung walang ipin. Shit gwapo.

"And! Would you please stop saying "po" to me? Nakakadistract. Kahit boss mo ako, mag kasing idad lang tayo siguro. Sir nalang." Sabi niya saka tumawa ng konti.

"Sige sir Jeff." Sabi ko saka naglakad na

Sumama ako sakanya hanggang sa SUV niya sa parking area. Pinag titinginan kami ng ibang empleyado. Hala, baka akalain nila jowa ko si sir at isumbong nila kay Ms. Grendel. Naku. Dumistansya ako ng konti.

Pinagbuksan niya ako ng pinto. Ako namang filingera sumakay. Umikot na siya saka pumasok sa driver's seat saka nag drive na. Hindi ako kumikibo dahil nahihiya ako sakanya. Boss ko siya tapos ibibili niya ako ng coat. Sinulyapan ko siya ang konti. Nag drool ang bituka ko sa sobrang kilig. Ang gwapo niya talaga. Ngayon na naka white polo shirt lang siya, lalong na emphasized yung chest niya. Shet.

Love Drives Us TogetherWhere stories live. Discover now