Chapter 11: Because of a Coat

184 11 0
                                    


Chapter 11
Because of a coat

Bumaba kami sa pinakamalapit na mall dito. Pag-pasok namin sa naturang mall ay pinagtinginan agad kami ng mga tao. Famous ba talaga ito dito? Sabagay. Mukha palang ulam na.

"Kain muna tayo?" Anyaya niya

"Ay, wag na po sir, este, sir." Nahihiya kong sabi

"Ang mysterious mo talaga." Sabi niya saka tumawa ng kaunti.

"Bakit?" Kumunot ang kilay ko.

"Ikaw palang tumanggi sa offer kong kumain muna." Sabi niya

Wow, so madami narin pala siyang na-offeran na kumain. Tapos lahat pumapayag. Easy to get sila.

"What? Iba ako sakanila" sabi ko saka humalukipkip

"Sige na, please?" Pagpupumilit niya. Take note, boss ko yan ha

"Sige na nga po sir." Sabi ko

"Where do you want to eat?" He asked

"Kahit saan, kahit kwek kwek pwede nako." Sabi ko and chuckled

"Saan nga?" Pangungulit niya.

"Kung sasabihin kong sa kwek kwek gusto mo?" I asked. Tignan kolang. Mukhang hindi kumakain ng ganon eh.

"Let's go." Sabi niya saka hinila ako.

What?! Siryoso nga siya?!

"Siryoso ka Sir Jeff?" I asked him habang hawak hawak ang kamay ko. Naramdaman ko tuloy ang malambot niyang kamay.

"Oo naman."

**

Pagdating namin sa mga nakabalandrang street food vendors, nag alisan yung ibang bumibili. Ano bayan, parang dumating ang presidente ng amerika kung maka iwas yung iba. Meron pa akong narinig na nagsabing "Uy, ang gwapo nun." Tapos yung ibang tinderang babae ay nag stick ng tingin sakanya. Nadulok na ang tinda nila, nakatingin parin kay Sir Jeff. Ang gwapo kasi talaga e.

"Anong gusto mo?" Tanong ko sakanya

"Ano yan? Parang bulate?" He asked and I was like (9T-T)9

"Isaw yan." Sabi ko saka tumawa "hindi mo alam yan?" I asked

"Hindi, never pa kasi akong kumain ng ganyan eh, masarap ba yan?" He asked. Ang cute niya habang tinuro-turo yung mga isaw

"Oo naman, you should taste it Sir." Sabi ko saka kumuha ng dalawang baso at sticks

"Oh, heto sa 'yo, tusukin mo lahat ng kakainin mo. Make sure mauubos mo ha sir?" Sabi ko saka nag start ng tumusok

Nakita kong tumusok siya ng dalawang one-day-old at kumuha ng dalawang isaw. Tinusok niya ang isang itlog saka kinain, ng walang sauce. Halata sa kanya na first timer siya. Ang cute niya talaga. Natawa ako sa ginawa niya kaya nagtagpo ang kilay niya.

"What's funny?" He seriously asked

"Eh, Sir, ayan ang sauce" tinuro ko ang sauce " isawsaw mo diyan para mas masarap." Sabi ko sabay demonstrate pa.

"Ah ganun ba." Sabi niya saka ginawa ang sinabi ko.

Iba talaga kapag lumaking mayaman.

Habang kumakain kami ng nakatayo ay may lumapit na grupo ng batang kalye.

"Ale, pahingi po ng pagkain. Nagugutom napo kami" sabi nung isa

Binilang ni Sir Jeff ang mga bata. Ano kayang ginagawa nito?

"Ate? Bigyan mo sila ng makakain. Kahit ano dyan basta yung kakainin nila. I'll pay you." Sabi niya sa tindera saka ngumiti at tinapon na ang baso niya. Tapos na siya. Ako naman, ninanamnam kada isaw na sinusubo ng aking bunganga.

Love Drives Us TogetherWhere stories live. Discover now