Chapter 3: Overnight

305 20 0
                                    


Chapter 3
Overnight

Nagulantang ako nang biglang may nagtext ng 6 am. Velocity din tong phone ko, nakalimutan kong i-silent. Nakita ko na si Gail ang nag-text.

Gail: Cynthia? Pweding favor?

Ako: Ano yun?

Gail: Ok lang ba na mas maaga kang dumating? I need a helper here eh. Marunong ka naman mag luto diba?

Ako: May sahod? Joke.:D sige2 aagahan ko.

Gail: Thanks! :* see yah! :)

Tinago ko na ang phone ko sa ilalim ng aking hello kitty na unan. Baduy. Siguro mga 8 tatayo na ako and I'll be taking a bath at 8:30, siyempre kakain muna. Tapos gora na kina Gail. Isang sakay lang naman mula saamin ang bahay nila. May important meeting kasi si mama kaya wala yung kotse.

I needed a sleep cause late na akong natulog kagabi. Nag kwentuhan pa kasi kami ng mga pinsan ko. Nakakamiss kasi. Nag biling ako at natawa sa nakita. Nag lalaway si Bev. Gosh. Pinsan ko talaga siya. Buti ako paminsan minsan lang. Umimik ako kaya nagising siya sabay punas sa pisngi niya. "Yuck" i said and chuckled. Umirap lang siya and fell asleep again. Aba'y matindi tong isang to.

It's 7:45 at hindi na talaga ako makatulog. Tumayo na ako at kinapkap ang tsinelas ko. Bakit wala? Pumunta ako sa CR at natagpuan ko don. Malamang si Charisse ang nag-iwan dito. Nag aalimpungatan siya marahil nung umihi siya.

Lumabas na ako ng kwarto ko at nanginig. Ang lamig talaga ng hangin ng aircon ko sa kwarto. Hanggang sa labas ramdam kopa ang lamig. Tumalon talon ako para magising ang buong diwa ko. I went downstairs and proceeded to the kitchen. Nag-luto ako ng longganisa at hotdog. Tapos nag toast ako ng gardenia. Sarap.

Binuksan ko ang kwarto este ang pinto ng kwarto at ginising ang mga pinsan ko para kumain na.

Naligo na ako at nag-paalam ng umalis.

"Kayo na bahala jan ha? Kung aalis kayo this day just leave the key dun sa secret case ha? Bye!" Nag paalam na ako kina Bev.

Isang malaking ngiti ang isinagot ng dalawa. Lumabas na ako ng gate at nagpara ng taxi.

"Manong sa Aero Heights po."

Wala mang isang oras narating kona ang subdivision kung saan nakatira si Gail. Of course alam ko ang bahay niya kasi dito kami gumagawa minsan ng Feasibility study namin. Ka group ko kasi eh. Pag tapat namin sa bahay niya ay pinabusina ko si manong. Aba masunuring manong. Applause.

Lumabas si Gail sa gate at nag-yakapan kami. Amoy kama pa siya. Confirmed, hindi pa naliligo ang isang to. Paulanin ng tubig.

Pumasok na kami sa mansyon ni Gail. Malaki ang bahay nila kaya tinawag kong mansyon. It is bigger enough to occupy our whole section. Pero hindi naman kami makukumpleto for sure. Yung iba kasi kj ayaw sumali sa mga kasiyahan namin. Ke may sarili daw sila. Edi pakasaya sila. Haha

"Cynthia maliligo muna ako ha? Mag liwaliw ka muna jan." She said and kumindat pa. Loka talaga tong si Gail. Siya ang pinaka ka-close ko sa mga nakaklase ko. Mabait siya at maganda. Matalino pa pero ubod ng tapang. Siya ang batch magna cum laude. Galing diba? Magaling pa siyang mag pasunod ng mga classmates namin. Siya kasi ang president. Napaka authoritative niyang tao ang that's what I really like to her.

Wala akong magawa. Ekung isayaw ko yung chandelier? Sakto pa naman ang mga gamit dito. Parang dun sa music video. Inupuan ko yung malambot na sofa at nag talon talon. Ang lambot siyet. Naisip ko biglang i-scan ang mga picture frames dito.

Nag start ako sa kanan hanggang natapos kong tignan lahat at lumabas na ng bathroom si Gail. Wow.

"Ang ganda ko diyan no." She said

Love Drives Us TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon