Chapter 26: Marketing Plan

86 2 0
                                    


Chapter 26
Marketing Plan

Lumapit siya sa akin ng malapit na malapit. Nanginig ang buong katawan ko. Ang unang pumasok sa isip ko ay kung saan ako hahanap ng trabaho pagkatapos nito.

"Are you new here?" She asked

"Yes po." I retorted

"Pwes ngayon alam mo na. Kung gusto mong magtagal sa hotel ko, kailangan mo akong pakisamahan ng maayos. All I ask must be accomplished immediately. I don't entertain defaults and delays. You have to do what I'm going to tell and ask you, and! Kung ngayon palang ay alam mi na sa sarili mo na hindi mo kaya sa poder ko, then you must leave too, or gusto mo ipahatid pa kita sa bahay niyo para libre kana sa pamasahe? " Salaysay ni Ma'am Georgina sa akin

"Sure po Ma'am, I'll do everything para magtagal po ako dito. " sabi ko. Ewan ko kung tama ang sinabi ko sakanya

"Good. Now, See this mess? Help her to clean this up and go back to work." She commanded and left

Pinagpawisan ako ng sobra doon. Akala ko matatanggal na ako sa trabaho. Tinulungan ko si Chona sa pagliligpit sa mga papel.

"Paano niyan ang mga 'to? Sayang sila." Tanong ko kay Chona na para bang hindi na siya takot kay ma'am Georgina

"Uulitin nila 'tong lahat. Ganyan dito. Mayaman sa papel at printer. Kahit isang page lang ang mali lahat pinapaulit ni Ma'am." Sabi ni Chona

"Ganon ba." Sabi ko nalang habang inaayos ang mga papel

"Sana hindi mo pagsisihan ang paspasok mo dito. Survivor of the fittest ang labanan dito. Lahat ng mahihina nagtatagal lang sila ng isa hanggang dalawang araw. Kaya nangunguna ang Grand White Hotel dahil disiplinado ang lahat at ni isang gusot walang mikikita dito. Ma'am Georgina always makes sure na lahat ay organized at maayos. Walang mali, walang delay." Sabi niya

"Walang mali maliban nalang kay Ma'am." Bulong ko sa sarili ko

"Hindi pa iyon ang kayang gawin ni Ma'am Georgina. Mag-ingat ka at galingan mo ang trabaho mo. Osiya." Sabi ni Chona and umalis na siya

Tama ba itong pinasok ko? Sana maging maayos ang buhay ko dito. Kaya ko ito. Madami ng pagsubok sa trabaho ang naranasan ko, hindi na ako susuko ngayon.

Pumunta na ako sa Marketing Department kung saan ako naka duty. Marketing ang major ko kaya dito ako mag-eexcel kumpara sa ibang departments.

Pagpasok ko sa Marketing Department ay nadatnan ko na nagkakagulo ang mga empleyado. Hindi pa marahil tapos ang Marketing Plan na ipinagawa ni Ma'am Georgina sa kanila. Lumapit ako at nagpakilala. May mga bumati sa akin at may mga hindi pumansin sa akin dahil sa stress na sila.

Sinubukan kong silipin ang Plan na ginagawa nila. Since na forte ko ang Marketing, nag insist na ako na tutulong ako. Kinausap ko yung Department Head at sinabi ko na okay ako sa paggawa ng Plan. Agad niya akong sinabak sa gitna nilang lahat.

Agad kong tinignan ang papel kung saan nakasulat ang plan. Agad na akong nakakita ng mali kaya agad kong nirevise.

"The overview should not be too long. It should be clear and simple. Dapat lahat lang ng importante ang ilalagay dito." Sabi ko sa kanila

"And the overview must not be looked like a generalization. Para hindi agad mabulgar sa mga nagbabasa ang real importance and relevance ng plan na ginagawa niyo. It is to make the reader exciting on what she/he is reading." Pagpapatuloy ko

Nahagip ng mga mata ko na nakangiting nakatingin sa akin yung Department Head namin na si Ms. Calderon. Napansin ko din na may nakasimangot at nakahalukipkip. Napano naman sila?

Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy sa pag-aayos ng Marketing Plan. Tinulungan na ako ng ibang experts sa department hanggang natapos natin ito after two hours.

Ipinass na ito kay Ma'am Georgina. Nakahinga lahat kami ng maluwag. Matapos makahinga ang iba ay duon palang nila ako binati. Pero merong isa na ang sama ng tingin sa akin.

Habang nakaupo ako sa chair ko, biglang nag whale ang phone ko.

Martin's calling.....

Love Drives Us TogetherWhere stories live. Discover now