Chapter 15: Someone Else

131 8 0
                                    


Chapter 15
Someone Else

Naguluhan ako talaga ng bongga. Si Christian na naka-affair ni Jeff ay may picture kasama ni Vanessa na ex ni Martin na crush ko. Mababaliw na ata ako. Walang nag si-sink in na idea sa'kin kung ano ang nangyayari. Anyway, hahayaan ko nalang siguro. Lilitaw din ang katotohanan.

Ni-charge ko na ang phone ko. Hay. Anong gagawin ko? Kailangan ko ng umuwi dahil nagtatampisaw na sa luha ang mama ko kakahanap nyan saakin pero ayaw ko naman agad iwanan si Martin dito.

Siguro aalis nalang ako sa V-Empire. Ayaw konang maging boss si Jeff. May isang option pa naman ako. May kumukuha din kasi sakin na hotel dito sa Manila. Liliit lang ng konti ang sahod. Pwede na siguro yun. Kesa makita kopa pagmumuka non. Sabi siya daw ang bahala sa'kin and ako daw ang kargo niya. Kay Christian lang gumanyan siya.

Tatapusin ko muna ang naiwan kong trabaho saka na ako gagawa ng resignation letter. Pwede nayun. Si Mart kaya? Saan siya kaya nag-tatrabaho?

Pinasadahan ng mata ko ang buong kwarto niya. Maganda talaga at magara. Yung isang picture frame na tancha ko sing laki ng pinto ay nakasabit sa bandang bintana. Picture ni Martin nung sumali siyang Mr. And Miss University. Ang gwapo niya dito grabe. Kukuhanan ko sana ng litrato sa CP ko kaso deadbat talaga.

Pumasok si Mart na topless padin at may dala ng betadine at bulak.

"Halika, gagamutin ko ang sugat mo." Sabi niya

"Hindi kaba nalalamigan sa aircon? Bat hindi ka mag damit?" Sabi ko

"Hindi kaba sanay? Teka lang." Sabi niya sabay bukas sa closet niya.

Nakita ko lahat ng damit niya. Ang sexy ng iba. Shit. Nag green nanaman ang utak ko.

Nagsuot siya ng V-neck na blue shirt. Yan, sumexy lang lalo. Nagulo pa ng kaunti ang buhok niya kaya naglalaway nanaman ako sa itsura niya. Sarap halikan.

"Gagamutin ko na, wag mokong sisipain ah?" He said and chuckled as he knelt infront of me. Kinikilig ako.

"Oo sige."

"Ano ba kasing nangyari sa'yo at para kang pulubi dun sa waiting shed?" Tanong niya.

"Ouch." Singhal ko ng matamaan niya ang sugat ko

"Sorry sorry" sabi niya saka hinipan ang sugat ko. Ang cute nyang naka nguso.

Sasabihin koba? Wag nalang.

"Nag-aabang kasi ako ng taxi, kaso inantok na ako eh" Sabi ko nalang

"Yung boyfriend mo? Si Jeff? Bakit di ka nalang nagpahatid?" Tanong niya

"Ha? Hindi ah! Wala naman namamagitan samin non. Boss ko siya." Sabi ko

"Ah ganun ba." Sabi niya saka hinipan ang sugat ko "San ka pala nag work? Na siya ang boss mo" Tanong niya bigla

"Sa V-Empire." Sagot ko. "Okay na, salamat." Sabi ko sabay stretch sa paa ko

"Osige. Kain muna tayo?" Anyaya niya saka ilinagay ang betadine saka bulak sa table niya.

Bakit ambait ni Mart ngayon? Sabagay, dati pa naman siya ganyan. Kaso iba na ang pakiramdam ko sakanya. Parang naging mas carefull niya. Matagal narin kasi kaming hindi nagkikita eh.

Sinubukan kong tumayo kaso masakit.

"Gusto mo buhatin nalang kita?" Tanong niya. Push ko to.

"Sige" Sabi ko

Agad niya akong binuhat. Ramdam ko ang matitigas nyang abs. Napakainit sa pakiramdam. Iniupo niya ako sa upuan at pinag serve ng pagkain.

"Salamat sa tulong ha." Sabi ko

"Ayos lang Cyn. Basta sa susunod mag ingat ka ha?" Sabi niya

"Mart."

"Mmm?"

"What happened to you and Vanessa?" Tanong ko.

"We broke up since I saw a picture of her na may kasamang lalake. May picture pa silang nag kiss sila kaso nawawala yung picture nayun eh." Sabi niya sabay higop sa noodles.
Jusko Martin, hindi lang basta lalake si Chan. And wait, nag kiss na sina Chan at Vanessa?

"Ah ganun ba, ikaw ba nakipag break?" Tanung ko

"Oo, ako nga." Sabi niya.

Sus, akala mo siya walang nakahalikang ibang babae nung sila pa ni Vanessa. Ladies and Gentleman, ako po yun. ^_^√

"Ikaw may boyfriend kana?" Tanong niya bigla.

"W-wala naman." Sagot ko

"Bakit? Ako lang talaga ang gusto mo?" Tanong niya. Namula bigla ang pisngi ko.

"Ah, h-hindi ah." Sabi ko. Shit. Naninikip ang bituka ko.

"Diba sabi mo you like me?" Ayan nanaman yung cute nyang aura habang nagtatanong.

"Hindi ah! Dati payun" sagot ko.

"Ganun ba." Sabi niya saka sya nag smirk.

Natahimik ang ang Syria sa aming dalawa.

"What if sabihin ko sa'yo na gusto kita?" Muntik na akong mabulunan sa tanong niya

Gusto niya daw, eh nakita ko nga siyang may kahalikan na babae eh.

"Sino yung babaeng kahalikan mo sa sasakyan?" Tuloy tuloy kong tanong ng hindi sinasagot ang tanong niya.

"Ah, wala" sagot niya saka tumayo

"Don't think about that anymore. Wala kaming relasyon ng babae nayon. Nadala lang ako sakanya kaya nakalikan ko siya." Sabi niya sabay bukas sa ref para kumuha ng milk.

So, nadala lang daw. Give him a warm round of applause.

Pagkatapos kong kumain ay naisipan konang umuwi. Kayalang gusto kodin munang maligo kaso wala akong extra damit.

"Mart? May extrang damit kaba na kasya ko?" Tanong ko. Wala eh. No choice nanaman ako

"Teka, may damit atang naiwan si ate dito." Sabi niya saka pumasok sa kwarto tabi ng kwarto niya.

May ate pala siya. Dalawa din ang kwarto dito sa condo niya. Gusto ko tuloy makita ang ate niya. For sure maganda yun.

Ibinigay niya saakin ang naiwang damit ng ate niya. Isang medyo hanging na damit saka isang maliit na shorts. Pwede nato.

Nagpaalam ako sakanya na makikiligo ako. Mabilis pa sa alas kwatro ang pag payag niya.

Papasok na sana ako sa bathroom ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya. Anong nangyari sakanya?
Yinakap niya ako ng mahigpit. Sarap.

"I miss you Cynthia." Sabi niya. Ngayon palang siguro nag move and system niya.

"Namiss din kita Martin." Sabi ko.

Hinawakan niya bigla ang pisngi ko at dahang dahan niyang itinagpi ang labi niya sa labi ko. Naramdaman ko ang mainit niyang halik. Wala akong nagawa kundi sabayan siya sa pag halik. Bititawan ko muna ang dala kong damit.

"Ilang araw kong inisip kung sino ba talaga ang mahal ko. Ilang araw din akong naguluhan. Damn it Cynthia, mas nangingibabaw ka kesa kay Vanessa." Bulong niya sa gita ng halikan namin

Hindi ako nagsasalita.

"Kaya malakas ang loob ko nung nakipag break ako sakanya cause I know in my heart that I love someone else." Sabi niya saka idiniin ang mga halik niya

Love Drives Us TogetherWhere stories live. Discover now