Chapter 29: To Save A Life

1 2 0
                                    


Chapter 29
To Save a Life

After ko makausap si mama sa good news ko, agad na ako nag-isip ng way para makalabas ng taxi. Hindi na talaga ako mapalagay, hindi ko gusto yung tingin ni manong driver.

"Hija, ikaw lang ba mag-isa niyan sa dorm mo?" Biglang tanong niya.

"Y-yes po." Naku, mali yata na nasabi ko yun. Patay tayo neto.

"Wala naman akong gagawin mamaya, kung gusto mo samahan na kita sa dorm mo." Ngumisi siya. O please wag po.

"Ahm, para na ho ako dito." Sabi ko.

"Akala ko ba sa Whins Dorm ka?" Biglang tanong niya. Nakakatakot yung boses niya.

"Ahm, may dadaanan pa po pala ako dito, pasensiya na." Sabi ko sabay abot ng bayad.

"Pasensiya kana miss, ihahatid kita sa patutunguhan mo." Sabi niya sabay harurot ng sasakyan.

Natakot na ako dahil baka anong gawin niya sakin. Ang weird naman niya bigla nalang siyang magsusungit sakin ng ganun.

"Manong paki-baba na ho ako kundi mag-tatawag ako ng pulis." Pag-babanta ko sakanya hoping na maging effective.

"Edi tumawag ka ng pulis. Hindi ako natatakot sakanila." Sabi niya sakin.

Bigla kong ni-dial ang number ni Martin. Siya ang unang lumabas sa call list ko kaya wala na akong choice kundi tawagan siya. Kahit na matagal na kaming di nag-uusap at alam ko na boyfriend ko siya. So dapat kasama ko siya sa mga oras na umuuwi ako ng late na ng gabi. Sobra na akong kinakabahan. Iba na yung dinadaanan ni manong driver!

"Saan niyo ako dadalhin?! Ibaba niyo na ako please!" Pilit ko sakanya. Grabe na 'to. May kapalit ang kasiyahan ko kanina.

Bakit di sumasagot si Martin? Cannot be reached ang phone niya. Galit ba siya sakin? Napano kaya siya? Hindi kona alam ang gagawin ko.

Triny ko ulit at bigla siyang sumagot.

Una kong naisip is kausapin siya, pero baka mahalata  ni driver na humihingi ako ng tulong. So may iba akong naisip. Nag-salita ako pero hindi si Martin ang kausap ko.

"Manong ibaba niyo na po ako, nag-mamakaawa po ako sainyo." Wika ko.

"Kung ano man po ang binabalak niyong masama wag niyo na hong ituloy. May nanay at kapatid ako na nasa malayong lugar at ako lang ang inaasahan nila. Parang awa niyo na ho." Nilakasan kopa.

Sana maisip ni Martin na emergency ito at i-track niya ako using GPS.

Gabing gabi na, hindi kona alam kung nasaan kami, nakakalayo na yata kami. Palowbat na paman din ang cellphone ko. Si manong di nag-patinag sa mga sinabi ko, nag-patuloy lang siya sa kanyang pagmamaneho.

Maya't-maya pa at nakareceive ako ng text.

Martin: I got it. I was able to track where you are. Please stay calm. I am with the cops, we'll get you.

Thank you Lord. Napahinga ako ng malalim dahil sa natanggap ko na text. Salamat sa nakaisip sa GPS na yan at masesave ang buhay ko dito sa damuho na driver na'to. Pero hindi ako dapat pakampante dahil hindi padin ako safe. Nakakalayo na kami at sana yung phone ko abutin pa siya.

Nag-text ulit siya.

Martin: Please keep your data and GPS opened so we'll  be able to continue tracking you, okay? You're gonna be safe. Trust me.

Sa tinagal-tagal ng panahon na gusto ko siya nakakausap, sa ngayong pag-kakataon pa. Kailangan talaga may mangyare munang masama sakin bago ko siya makausap? Ganun na ba talaga ako ka-swerte sakanya?

Biglang nag-stop si manong sa isang kanto. Napansin ko na walang gaanong bahay, nasaan ka kami? Shit. Wag naman sana mangyare yung masamang naiisip ko. Akala ko masaya na ang buong araw ko kase na-promote ako tapos biglang may ganitong eksena. Kailangan kona talaga ng sarili kong sasakyan. Dapat kase ang boyfriend ko na si Martin ang nag-susundo sakin. Ngayon ko na-feel yung galit sakanya. Kung kailan din siya pa ang tutulong sakin ngayon sumasama ang loob ko sakanya.

Natatakot na ako at naiiyak. I have never experienced this kind of thing. Wag naman sana ako i-rape or worst, patayin. Madame pa ang mission ko sa buhay. Wag muna sana ngayon.

Napasigaw nalang ako ng biglang may ini-spray sa mukha ko si manong. Sobra akong nahilo. Nakakahimatay yung amoy. Teka, is that pepper spray? Nahilo na ako ng tuluyan.

Love Drives Us TogetherWhere stories live. Discover now