Chapter 4: Yellow and White

29K 1.2K 953
                                    

Cyane

Busy ako sa paggawa nang Educ Tech homework ko nang maramdaman kong magvibrate ang phone sa bulsa ko.

Nandito ako sa library dahil kumuha ako ng references sa mga books dito. Vacant kasi kami until 11 am at 9:45 am palang ngayon.

Yung dalawang tukmol naman ay nasa clubs nila dahil may meeting daw.

I fished out my phone from my pocket and saw a message from Klay.

From: Klay
Cyane, meeting later at 4 pm, Pub. Office.

Yun lang ang content ng message.

Ano naman kayang pagmemeetingan?

Buti nalang at 4 pm din ang tapos ng last subject namin ngayong araw. Nagreply nalang ako ng 'okay' kay Klay bago ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Why in the cow this shelve is so high?!" I heard a low hissed coming from my back.

Nandito kasi ako sa pinaka tagong cubicle sa library malapit sa pinakahuling shelve. Napatingin naman ako sa nagrereklamo sa likod ko.

Isang ngiti ang agad na kumawala sa labi ko after seeing her perfect side profile. She's trying to get a book from the highest shelve and she's totally failing.

I heard her mumble words pero hindi ko na naintindihan sa sobrang hina.

Lagi ko nalang siyang nakikita sa ganitong eksena, una doon sa art store pangalawa na ‘to.

Nang akmang aabutin niya na ulit ang libro ay tumayo na ako at nilapitan siya.

“You need help, Miss?” Mula sa pagkaka stretch ng kamay niya ay bigla niya itong naihawak sa dibdib.

“Jesus! What the cake?!” Nanlalaki ang matang sabi niya matapos lumingon sakin. I just gave her a smile that she return with a frown.

Masungit mode siya ngayon kasi wala kami sa loob ng klase. Ang plastic ni Miss.

“What are you doing here, Miss Ferrer?” tanong niya matapos makabawi sa pagkagulat. Ako naman ay nanatili lang nakatingin sa kanya.

“I saw you trying to get something there – “ turo ko sa pinakataas ng shelf “and failed. I’m here to help you” I said before looking at her again.

Ang cute ni Miss. Hindi naman siya maliit pero kung ikukumpara sa height ko ay maliit siya. Hindi naman sa pagyayabang pero 5’9 lang naman ang height ko. Nasa 5’4 or 5’5 siguro si Miss Serrano.

“I don’t ne – “ bago pa niya maituloy ang sasabihin ay mas nilapitan ko pa siya. Ang tapang ko, hindi niya kasi ako masisigawan dito sa library.

“What book, Miss?” Tanong ko. She blankly look at me. Sa loob loob ko ay napapamura na ako dahil sa kabang hatid ng tingin na yon.

Pag nasa klase kung todo ngiti ka samin - sakin tapos pag nasa labas na tayo ng classroom napakasungit mo naman. Yung totoo Ma’am? May sumasapi bang anghel sayo kapag nasa room tayo?

Natigil ang pag lilitanya ko sa isip nang tumalikod siya sakin at humarap sa shelf.

“The blue one” Mahina niyang sabi habang nakatingala sa shelf.

Napalunok naman ako sa narinig.

“Blue po?” ulit ko bago tumingin sa mga libro sa taas.

“Yes, the one entitled Plane and Solid Geometry” Sabi niya ulit nang hindi ako tinitingnan.

Matapos niya yung sabihin ay agad agad ko namang kinuha ang makapal na libro.

Plane and Solid Geometry.

Hues of You (GxG) [Unedited] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon