Chapter 26: Lipstick Stain

25.7K 1.1K 979
                                    

Cyane

"Ayan na naman ang kaibigan mo, Reed. Parang naka drugs. Lagot ka kay Tatay Digs!" Kaysa mainis ay lalo ko pang nilakihan ang ngiti ko at nilapit pa ang mukha kay Chance.

Bakit ba? Masama ba maging masaya?

Kasi naman! I slept at Miss Amaya's house last night. Pero sa guestroom. Pero okay lang dahil nag kiss kami madami bago matulog. BWAHAHAHA.

Nagulat pa nga si Oceane kaninang breakfast dahil pagbaba niya ay nandon din ako.

Dahil sa naalala ay mas lalong lumaki ang ngisi ko. Ang ko sarap siguro gumising araw-araw na sila ang kasama ko 'no?

Label muna bago future.

Bahagyang nawala ang ngiti ko dahil sa hayop kong konsensya! Lagi nalang kumokontra!

"Gago! Ayan sumimangot na! Creepy" Dagdag ni Reed na tinuturo pa ang mukha ko. Busy kasi ako makipag away sa sarili ko.

"Nabagok na naman ba ulo mo Cyane?" Kita pa ang pekeng pag-aalala sa mukha ni Chance pero inirapan ko nalang silang dalawa. Mga pashnea!

"Hindi ba pwedeng maging masaya? May bayad ba?" Nakataas ang kilay na saad ko. Ang dalawa namn ay nagtinginan at sabay na nagkibit-balikat.

"Wala, pero alam mo naman diba? Kapag sobrang saya mo, mamaya malungkot kana" Nakangising saad ni Reed. I just gave her a roll eye dahil napaka negative niya mag isip.

"Whatever. Dyan na nga kayo, pupunta pa ako sa irog ko" Paismid na saad ko. Sila naman ay umakto pang parang nasusuka kaya natawa nalang ako.

"Irog ampotchi!" Nakangiwing sambit ni Chance.

"Corny ang gagi!" Dagdag ni Reed.

I just stucked my tongue out at them bago nag paalam at iniwan na silang dalawa na nagsusubuan na naman ng chips.

Malapit ko na silang i-ship!

~

Papasok na sana ako sa office ni Amaya pero pag pihit ko ng doorknob ay nakakandado 'yon.

Nagtatakang inulit ko ang pagpihit pero nakalock talaga.

At kelan pa natutong maglock si Amaya?

Kakatok na sana ako ng may kamay na pumigil sakin.

"Chain' s inside, don't disturb them. They might be doing something.... fun" Dali dali kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak ni Miss Yvy. Naalala ko padin nag ginawa niya kahapon.

"Ano po?" Maang na tanong ko. Gusto ko lang siguraduhin na tama ang narinig ko.

"Nasa loob si Chain kasama ni Prof Yvaine. Kanina pa sila dyan, mga mag iisang oras na" Nakangising saad niya. Ako naman ay biglang natigilan.

Different scenarios of what they might be doing inside invaded my mind. Fvcks, kala ko ba okay na kami kagabi?

But Amaya told me to trust her, right? I should trust her.

"Ano naman po kung nasa loob si Sir? Si Miss naman po ang sadya ko at hindi siya" I decided to trust Amaya. Kahit kasi malaking parte ng pagkatao ko ang sumisigaw na baka may kung ano na talagang namamagitan sa kanila ay nananatiling naniniwala ang puso ko sa kanya.

"Okay" Kibit balikat niyang saad bago kumatok ng malakas sa pinto.

"Chain! Get out of there, samahan mo akong maglunch!" Malakas na saad niya habang patuloy na kumakatok.

Ako naman ay nakatayo lang at nanunuod sa kanya.

Ilang sandali pa ay rinig ko ang tunog ng pagkakaalis ng lock ng pinto.

Hues of You (GxG) [Unedited] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon