Chapter 10: Chocolate

24.1K 1.1K 922
                                    

Cyane

"Nag review kana, Reed?" Pagkalapag ng tray sa mesa ay yun agad ang tanong ni Chance sa papakagat palang na si Reed. Lunch namin ngayon at nandito kami sa cafeteriang tatlo.

Isang linggo na din nakakalipas mula noong umattend ako ng workshop at bumalik lang sa normal ang mga pangyayari. Prelim week na namin, buti nalang Wednesday - Friday ang sched ng exams namin at Monday palang ngayon kaya may time pa para magreview.

What I mean sa "normal" is kasali don ang pagiging mailap ni Miss Serrano sa mga studyante sa labas ng classroom. Nabawasan na din ng kaunti ang pagiging palangiti niya habang nagtuturo.

Hindi ko naman na siya nilalapitan dahil baka sabihin niya feeling close kami.

Pakiramdam ko nga para lang kantang Isang Lingong Pag-ibig ang naging kabaitan niya sakin. Literal na isang lingo lang tinagal at balik pagiging snob na ulit siya.

Halos hindi naman din kami nagkikita sa club dahil bihira lang ako pumunta doon, kung pupunta man wala naman siya don.

"Nah, who needs review when we have Cyane" Kibit balikat na sabi ni Reed bago kumagat sa chicken na hawak hawak niya.

Napasimangot nalang ako sa sinabi nila. Ang hilig talaga nila mangopya. Alam naman nilang nahuli na sila ni Miss Serrano noon pero sige padin sa pagkopya.

"Sabagay" Sang ayon naman ng baliw na si Chance. Magkasundo talaga sila sa katamadan.

"Hey, just make sure na sa subject ni Miss Serrano hindi kayo mangongopya. Baka mahuli na naman kayo, sing talas pa naman ng mata ng agila ang mata non" Paalala ko sa kanila na agad naman nilang tinanguhan.

Loloko-loko lang yang dalawang yan pero matatalino din naman. Grumaduate na naman daw sila kaya passing grades nalang ang habol nila sa course na to.

"Masyado ka naman magpa goodshot kay Miss, Cyane" Tila nang aasar na tiningnan ako ni Chance matapos sumubo sa pagkain niya. Ako naman ay naudlot ang pag inom sa mogu-mogu ko.

"Crush ko kasi yon" Natatawang sabi ko pa na ikinalaki nang mga mata nila. Sabay pa talaga silamg napamulagat sa harap ko kaya naman hindi ko napigilang mapatawa ng medyo malakas.

"Hoy! Hindi nga?" Paniniguradong tanony ni Reed habang nanlalaki padin ang mata. Ganun na ba kagulat gulat ang sinabi ko?

"Oo nga, crush lang naman eh" Sabi ko habang tumatango tango pa. Si Chance naman ay nasamid pa dahil umiinom siya sa baso niya para alisin ang pagkagulat.

"T*ngna mo Cyane! Akala ko ba bawal muna? Nakakagulat ka naman eh!" Chance half yelled after composing her self. Ako naman ay amuse itong tiningnan, not minding the shock written on her face.

"Crush lang naman Chance. Chill ka lang okay?" Sabi ko at binigyan pa ng tapik ang balikat niya.

"Pero nakakabigla kasi. First time mong magka gusto after that happened" Reed utter na biglang nagpatahimik sa amin.

"Hey, crush lang mga kapatid hindi gusto ok? ang OA niyo ah" Pilit na natatawang sabi ko. Kasi naman tong dalawang 'to parang hindi normal ang turing sakin. Nagkakacrush naman ako dati ah, hindi ko nga lang sinasabi.

"But I'm happy. Sana matuloy na yan Cyane" Biglang sambit ni Chance na may kasama pang nanunuksong tingin. Sinamaan ko lang siya ng tingin na ikinatawa nilang dalawa.

These two crazy idiots knows everything about me kaya naisipan ko na din ishare sa kanila. Baka kasi mawala na din agad pagka crush ko kay Miss dahil isa siyang dakilang redflag. Para siyang ding dong snack, hilig niya sa mixed signal. Feeling niya ata halo-halo siya eh. Maka comfort siya tapos biglang nadah! walang pansinan. Hindi ko din siya papansinin kasi Gold ako! Tanso lang siya!

Hues of You (GxG) [Unedited] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon