Chapter 11: Ocean Blue

23.1K 1.1K 801
                                    

Cyane

"Sa wakas! Tapos na ang exam!!" Nakataas pa ang dalawang kamay na saad ni Reed pagka labas na pagkalabas namin ng classroom. Last day ng exam namin at kakatapos lang namin sa last subject namin.

"Hey! Let's go to Haven's later. Celebrate natin pag survive natin sa prelims" Tinapik tapik pa ni Chance ang balikat ni Reed na nakataas padin ang kamay. Parang baliw, alam na nasa hallway kami. Ang dami tuloy nakatingin.

Haven's is the bar na lagi naming pinupuntahan. Doon di  yung lugar kung saan ko nakita si Miss Silver.

Speaking of Miss Silver, hanggang ngayon iniisip ko padin kung sino siya. Medyo may tama na kasi ako noon kaya mas lalong humina ang memorya ko ng gabing yon. Pero tanda ko padin ang amoy niya, parang si Miss Amaya.

Imposible! Di mo ba naaalala? Puro mura yung sinabi sayo ni Silver while you never heard Miss Amaya cursed, even once. Kung galit siya or naiinis ay puro pagkain ang sinasabi niya instead of mura.

Kastigo ng sarili ko. Tama naman, baka magkapareho lang sila ng perfume.

"Cyane! " Nabalik lang ako sa reyalidad ng maramdaman ko ang paghampas ni Reed sa balikat ko. Agad ko siyang sinamaan ng tingin na ikinatawa niya naman.

"Nakatulala ka kasi dyan. Grabe ka naman Cyane, masyado mong iniisip si Miss Crushie" Pang aasar na bira ni Chance na sinang ayunan pa ng baliw na si Reed. I gave just them a blank look para naman tumigil na sila.

We're walking straight to Miss Serrano's office to put Amaya's Guardian Angel's Gift. Kung nagtataka kayo kung bakit kasama ko ang dalawa, nahuli kasi nila ako last Tuesday nang magdala ulit ako ng iba't ibang chocolate snacks kay Miss.

Katakot takot na pang aasar ang inabot ko sa dalawang ugok pero kinabukasan at hanggang ngayon ay sinasamahan na nila ako. Sila daw ang lookout sa labas ng pinto para hindi ako mahuli. Diba? medyo supportive sila.

Hindi ko din naman gets kung bakit nag eenjoy akong patagong magbigay ng kung ano ano kay Miss. Idagdag pa na madalas kong makitang bitbit niya ang mga bigay ko pauwi. Alam na din nina Chance na sinasadya kong mag paiwan sa parking lot para makasabay si Miss Serrano.

"Do your thing, Ms. Hopeless Romantic. We'll stay here to guard the door" Isang tango lang ang binigay ko sa kanila bago nagmamadaling pumasok sa office ni Miss.

Gaya ng nakasanayan, naglabas ako ng sticky note at nagsulat ng message para sa kanya. Not gonna lie, I'm enjoying giving her something she enjoys in secret. Ganto pala feeling ng mga secret admirers.

I double checked my message to make sure na tama naman mga piangsusulat ko. Dapat I'll sound smart pag binasa niya 'to. Dagdag charming points.

Stargazing is my favorite. Especially when I'm looking in your eyes.

More sweets for my favorite person! Smile :)

-z.z.

Inayos ko pang muling ang paperbag sa ibabaw ng lamesa niya bago lumabas.

Papaliko na sana ulit kami palabas ng building namin nang makasalubong namin ang taong dahilan ng kung bakit kami nandito.

"M-miss.." Utal na saad ko ng tingnan niya kaming tatlo isa isa. Ang daming lugar kung saan pwede namin siyang makasalubong, dito pa talaga sa likuan papuntang offices ng mga prof.

"What are you doing here?" Malumanay na tanong niya pero halata ang pagtatanong sa mata niya. Nasa likod niya si Miss Khyrz, yung prof na kasama niya din sa cafeteria last time. Kahapon lang namin siya nakilala dahil naging proctor namin siya sa isang exam.

Hues of You (GxG) [Unedited] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon