Chapter 40: Brother's Love

25.3K 1K 755
                                    

A/N: Magandang araw! Gusto ko lang ishare na sa lahat ng chapter na sinulat ko, dito ako umiyak ng bongga HAHAHAHAHA! Enjoy!

----

Cyane

"Anong meron? Bakit may pa miting de avance ka, Cyane?" Bungad ni Chance ng makapasok sila ni Reed dito sa condo ko.

Minessage ko kasi sila na kung gusto nila mag inom. Wala naman kasing pasok bukas dahil Friday ngayon.

Nakina Amaya dapat ako ang kaso may family dinner daw sila. Hindi pa naman ako member ng family kaya hindi muna ako kasama. Saka na mga mare.

"Wala lang. Ang tagal na nating hindi nag iinuman. Baka lang namiss niyo na ako" Natatawang saad ko. Pero ang totoo, gusto ko lang makasama ang mga kaibigan ko. Hindi ko din alam basta na feel ko lang na yakagin sila, bakit masama ba? Sige umangal kayo ipapa jombag ko kayo sa Mameh ko!

"Eww! Magkakasama tayo everyday sa school, Sayan. Hindi ka chicks para mamiss ko" May pag irap pang sabi ni Reed na ikinatawa namin ni Chance.

"Nakakahiya naman sayo Reed. Parang hindi ka umiiyak dati kapag hindi mo kasama si Cyane kahit isang minuto lang" Pang aasar ni Chance na ikinapula ng mukha ni Reed. Napatawa tuloy lalo ako.

Noong bata pa kasi kami, araw araw kaming magkakasama nina Chance kasama si Kuya Lan. Since Reed's the youngest and I'm the tallest among us, lagi siyang nakadikit sakin para daw matakot yung mga batang mang aaway sa kanya kasi nga malaki ako.

So basically, ginagawa niya lang akong bodyguard. Tapos kapag hindi niya ako kasama or katabi umiiyak nalang siya bigla. Buti nalang Chance's always there para bigyan siya ng pagkain. Sanggang dikit yang dalawang yan eh.

Ang panget ng logic niya 'no? Di ko din siya gets eh.

"Oh please, wag mo na ipaalala ang kaduwagan ko noong bata pa tayo. Kasalanan ko bang ang lalaki ng mga porenjer?! Hamak na kapiraso lang ako dahil sa ganda bumawi!" Ano daw? Abnormal talaga.

"Sige nalang Reed. Kahit hindi ko makita kung saang banda" Chance sarcastically said that made Reed roll her eyes at her.

"Alam niyo bagay kayong dalawa" Natatawang turan ko na sabay ikinalingon ng dalawa sa akin. Sabay din silang tumingin sa isa't isa at sinuyod ng tingin mula ulo hanggang paa pabalik.

"Yuck!" Sabay nilang reklamo. Halos lumuha na ako sa katatawa dahil sa reaksyon nila. Diring diri sila sa sinabi ko.

Pero may napapansin talaga ako dyan kay Chance eh. Bata palang kami kay Reed lagi yan lumalapit. Ang kaso tinurukan ata ng sandamakmak na anesthesia si Reed at hindi niya napapansin.

Noon ngang sinabi samin ni Reed na may experience na siya, tinawagan pa ako ni Chance pag kauwi namin galing bar para lang magreklamo dahil hindi agad nagsabi si Reed. She even cursed the girl who got Reed's first. Chance niyo halatang halata.

Ang kaso ayaw ni Reed sa mga playgirl. Papalit palit kasi ng babae yang si Chance.

"Nagsasabi lang ako ng totoo" Kibit balikat kong saad bago sila hinila paupo sa sahig. May nakahanda ng mga alak sa table pati na din mga paborito nilang pulutan.

"Ayan na. Hinanda ko na para sa inyo" Saad ko matapos abutan ang dalawa ng alak na binuksan ko.

Ang totoo kaya ko sila pinapunta ay dahil sasabihin ko na ang tungkol kay Kuya. I told you na lahat ng bagay sinasabi ko sa kanila right? We are each other's beck and call. No secrets, none at all. Feelings lang nila sa isa't isa ang tinatago nila.

Hues of You (GxG) [Unedited] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon