Chapter 6: Shades

26.6K 1.1K 760
                                    

Cyane

"Do you want coffee, hot milk, or hot choco Miss?" Agad kong alok kay Miss Serrano pagka pasok na pagkapasok namin sa unit ko.

Matapos kasi ang pagkastuck namin sa traffic ay mas lalo pang lumakas ang buhos ng ulan.

I asked Miss Serrano kung gusto niyang dito na magpalipas ng gabi dahil sigurado akong may mga bahang kalsada na siyang madadaanan. Tiyak na hindi kakayanin ng kotse niya.

"Coffee" Tipid na sagot niya bago umupo sa couch dito sa sala.

"You can use the left room, Miss. Kung gusto niyo po magpalit muna kayo ng damit. I have unused pajamas and undies sa room" Turo ko sa direskyon ng dalawang kwarto dito sa unit ko.

Tinanguan niya lang ako pero hindi niya inaalis ang tingin sakin. Agad naman akong nagtungo sa kitchen dahil ayun na naman ang tingin niyang paparalisahin ang buong pagkatao ko.

Mabilis akong kumilos para mag brew ng kape para saming dalawa. I also prepared dinner for the two of us. Buti nalang talaga at sanay akong magluto dahil lagi naman akong naiiwang mag isa sa bahay.

Matapos patayin ang stove ng niluto ko ay bumalik na ako sa sala dala ang dalawang mug ng kape.

Natigil ako ng bahagya ng makita ko si Miss Serrano na nakapagpalit na ng damit at bahagya pang basa ang buhok, nakatayo sa harap ng mga nakadisplay na frame.

She's intently looking at my diploma in Fine Arts.

Tumikhim naman ako ng bahagya para makuha ang atensyon siya bago muling lumakad patungo sa couch. Agad din naman niyang lumakad at umupo sa tabi ko, leaving enough space between us.

Iniabot ko ang isang mug sa kanya na agad din niyang kinuha before uttering a low thanks.

"So, you've already finished a degree" Untag niya matapos sumimsim sa hawak niyang mug. It's more of a factual statement than a question.

Malamang hindi na yan magtatanong kasi nga nakita na yung diploma mo diba, Cyane? Bobo lang girl?

I silently hissed at my thoughts. Hindi na talaga normal ang pagkausap ko sa sarili ko.

"Yes po, together with Reed and Chance" Bahagya pa akong tumango habang sinasabi yon.

"What makes you pursue four year course of Education? You could've just took 18 units of Prof. Ed. subjects" She curiously asked with a slight knot on her brows.

Parang frustrated pa siya sa naging desisyon ko sa buhay.

"I want to major math po" Maikling sagot ko. Yun naman talaga ang isa sa mga rason ko.

"Then why took Fine Arts first if you could have take Education as your first course?" Hindi ko naman alam na may pagka marites pala 'tong si Miss Ma'am. Masyado siyang curious sa buhay ko 'no?

"Fine Arts is my dream course, Miss. Kinuha ko lang po itong kurso ko ngayon because of a promise I made to someone special" Tila nahimigan naman nito ang tono ko na hanggang dun lang ang kaya kong sabihin kaya napatango nalang ito bago muling uminom sa mug niya.

Hindi ko siya ganoong kakilala para ikwento sa kanya ang parteng iyon ng buhay ko.

Ilang minuto din kaming nanahimik habang inuubos ang kape sa mug namin. Nang marindi ako sa katahimikan ay ako na din ang bumasag nito.

"Pwede po bang magtanong?" Agad naman itong nag angat ng paningin sakin. Ayan na naman ang nanghihipnotismo niyang mata. I swear that those orbs are familiar.

"You're already asking" Hindi ko talaga mawari kung paano niya napapanatiling kalmado ang tono ng boses at itsura niya pero may lamig at kakaibang awtoridad ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.

Hues of You (GxG) [Unedited] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon