Chapter 12: Coffee

22.4K 1.1K 880
                                    

Cyane

"Cae?!" Alanganing ngumiti nalang ako at napahawak sa batok sa reaksyon ni Miss Amaya. Ganun na ba kagulat gulat ang itsura ko? Maayos naman itsura ako ah.

"Miss.." Mahinang sambit ko ng hindi padin siya maawat sa pagtingin sakin. Si Oceane naman ay busy lantakan yung stick-o, paubos na nga eh. Wala siyang pakealam sa gulatan moment namin ng tita niya.

Kaya siguro pamilyar si Oceane, may hawig sila eh. Parehong maganda.

"She asked me to let her join me tita mommy. She's lost kasi po" Sabay kaming napatingin kay Oceane na ngayon ay may hawak hawak na stick-o sa tig isang kamay. Mukha na din siyang maamos dahil sa bahid ng tsokolate sa gilid ng labi at pisnge niya.

Nangingiti nalang ako sa kakyutan niya. Sarap kagatin!

"What?" Tila hindi makapaniwalang tanong ni Miss na lumingon ulit sakin. Grabe siya, nakakagulat na ba maligaw?

"She's saying the truth po.." Alanganing sabi ko ".. mahina po kasi akong makatanda Miss. Nakita ko si Oceane dito so tinanong ko baka naliligaw din. She said na iniintay niya daw tita niya kasi nabili foods so I asked her kung pwede sumama mag intay. Hindi po kasi ako makalabas" Yung tingin ni Miss sakin parang nanghuhusga. Grabe siya!

"Really?" Naniniguradong tanong niya na sinagot ko ng tango. Kinuha ko naman ang panyo sa bulsa ko ng makita ang pagtulo ng chuckie sa gilid ng labi ni Oceane matapos niyang sumipsip sa straw. Ngiting ngiti pa siya sakin habang pinupunasan ko siya kaya napangiti nadin ako.

She's really adorable. Ang sarap niya yakapin hanggang mapisa. Joke!

"Still, it's not safe to eat the foods that a stranger gave you, O. What if it's a bad person? You understand?" Balik na naman ang atensyon niya kay Oceane na ngayon ay napayuko nalang bago tumango. Naaawang tiningnan ko naman ang bata.

"Bakit niyo po kasi iniwan mag isa" Sabi ko naman, para kasing tuta si Oceane na nakayukyok pero patuloy padin ang pagkagat sa hawak na stick-o.

"I did not leave her. She run away from me while I'm buying hotdogs. Fortunately, she's wearing her bracelet or else I wouldn't know where to find her." Nakakunot noong saad niya. Ako naman ay agad na napalingon kay Oceane na ngayon ay nakangiwi habang nakatingin sakin. 'Tong bubwit na to!

"Hey, you lied to me. I'm hurt!" Napapangusong sabi ko pa na agad niyang tinawanan ng bahagya. Aba' t!

"You look like a duck, ate" Bumubungisngis na sabi niya. Sa halip tuloy lalong magalit ay napangiti nalang ako sa tawa niya. Ang sarap kasi pakinggan.

"Next time don't run away from your tita okay? O kahit kaninong kasama mo. Pano kung bad pala yung lalapit sayo, edi napahamak ka pa. Buti nalang ako nakakita sayo. Promise ate okay?" Malumanay na paliwanag ko sa kanya na agad namang nagpayuko sa ulo niya. I gently lift her head using my free hand to make her look at me. Kitang kita ang regret sa inosente niyang mukha kaya naman nginitian ko siya.

"Just promise ate okay? Pag ginawa mo yon, I'll give you tons of this" Turo ko sa grapon ng stick-o na paubos na ang laman. Siya lang halos lumantak niyan.

Agad namang nagliwanag ang mukha niya bago tumango ng paulit ulit. I ruffled her hair bago ko pa mapisil ang pisnge niya.

"Ahem.." Sabay kaming napalingon ni Oceane kay Miss na nakatayo padin pala sa harap namin. Nakalimutan na namin siya.

"Sorry tita mommy, di na po uulit" Tila maamong tutang sabi ni Oceane na bahagya pang yumakap sa binti ni Miss. Kitang kita naman ang pag lambot ng itsura ni Miss Amaya bago hawakan ang ulo ng bata.

"Forgiven. Just don't do it again, okay?" Isang tango ang sinagot nito bago kumawala sa yakap.

"Can we take ate out of here na po ba? Baka po kasi magcry na siya kasi kanina pa siya lost eh" Kung kanina ang cute niya, ngayon naman ang sarap niya tirisin. Promise, kanina pa ako nilalaglag ng batang to.

Hues of You (GxG) [Unedited] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon