Chapter 27: Yours

26K 1.2K 831
                                    

A/N: Ilapag ko na 'to dito. Maaga pa para sa adventure. Kalma muna kayo mga bb 😂

----

Cyane

"Hey baby, talk to me" Kanina ko pa kinakalabit ang katabi ko dahil kanina pa niya ako hindi pinapansin. Nahiya ata dahil hindi ako nagpadala sa invitation niya for an adventure.

Hindi sa ayaw ko ah? Hindi lang talaga sakto ang timing. Wala pa nga kaming kalahating araw eh tapos ganun agad. No, I respect her. Kahit na siya nag initiate, I want to do it with her when the moment is right. Not now. Dahil baka nadadala lang siya sa bilis ng pangyayari. Kontento na ako na mahal niya na din ako.

"Don't talk to me, Ferrer. For freaking sake! I'm embarrassed! Gosh!" Bulong bulong niya habang nakatalikod padin. Natatawa nalang ako na niyakap siya at ipinatong ang baba ko sa balikat niya.

Nandito padin kami sa studio at mukhang walang balak umalis si Amaya. Nasa parents niya daw si Oceane dahil umuwi na ulit ang mga ito from the States.

"Love, don't be shy. I'm sorry. It's my fault" Mahinang bulong ko. Itinagilid ko pa ang mukha ko para makasubsob ako sa may leeg niya.

Damn, she smells so good.

"Tss. I can't believe you really declined, Ferrer. I'll never say those words again. Ever" Nagngingit-ngit padin na saad niya. I just chuckled against her neck.

"Siomai ka! Wag ka nga tumawa dyan" Tinulak niya ang mukha ko palayo sa leeg niya pero mas lalo pa akong nagtago doon.

"Isa! Caelum lumayas ka dyan, I'm gonna punch you. I swear!" Banta niya dahil hindi niya talaga ako mahaltak papaalis doon. Ako naman ay pinipigilang mapatawa ng malakas dahil ang sarap niya asarin.

"Cyane Caelum Ferrer. This is my last warning" She utter in a low tone that made me detached myself to her. Awtomatiko akong napaupo ng ayos dahil talagang natakot ako sa tono ng boses niya.

Pusa! Bakit ganto magreact ang katawan ko sa banta niya?

"There. Marunong ka naman pala makinig" Nakataas ang kilay na sambit niya matapos humarap sa akin. Wala na ata ang hiya na nararamdaman niya kanina.

"Ayaw kong masuntok, Irog. Sayang ang face pag nasugatan" Nakangiti kong saad. Tiningnan niya lang ako na para bang ang laking joke ng sinabi ko.

Wow ah!

"As if I can really hurt you. Ako muna ang masasaktan bago ikaw, Ferrer" seryosong saad niya na nakapag paawang ng labi ko.

Nakikipag biruan lang naman ako sa kanya, bat siya biglang bumabanat!

"Amaya.." Tanging nasambit ko na nakapag pa ngiti sa kanya. Gagi tong babaeng 'to, alam niya atang malakas epekto niya sakin eh.

"Come here, hug me again. Baka naman pati hug tanggihan mo pa?" Nakataas ang kilay na sabi niya na nakapag patawa sakin ng bahagya. Sa halip na yakapin agad ay binuhat ko ulit siya sa may bewang at iniupo patagilid sa lap ko.

Muli na naman siyang napasigaw at nakatanggap na naman ako ng hampas sa balikat. Pero pagkatapos ay kusa na niyang iniyakap ang isang braso sa leeg ko at sumandal sa dibdib ko. Ako naman ay niyakap siya sa bewang.

"If this is a dream, ayoko nang magising pa" Sambit ko matapos ang ilang segundong pagdaan ng katahimikan sa aming dalawa. Ramdam ko ang mga daliri niyang maingat na minamasahe ang batok ko.

"This is reality, Cae. You're not dreaming" Bulong niyang sagot. I gave her head a kiss after she said those words.

This is not a dream. This is reality.

Hues of You (GxG) [Unedited] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon