Chapter 2

4.9K 93 11
                                    



Mas lumalim na ang gabi at mas dumami pa ang mga tao para sa party na inihanda para sa'kin ng buong pamilya ko. Sa muli ay ngumiti ako at nakipag-kamayan sa isang matanda lalaki na pinakilala ni Daddy sa'kin. Isa siya sa mga shareholders ng isa naming kompanya kaya obligasyon kong maging mabait sakaniya.

"How's Japan, hija? The last time I saw you was..." ngumiti lang ako at hinintay ang susunod niyang sasabihin dahil kahit ako ay hindi siya matandaan. I've met too many businessmen since I was a child. Palagi ako sinasama ni Mommy at Daddy sa mga party na hino-host ng mga businessman, I think that's one of the main reasons why I stopped appreciating this kind of party anymore.

"I think that was three years ago, hon. Princess Jewel stayed there for three years, right?" Ngiti ng asawa nito sa'kin. Ngumiti rin ako pabalik sakaniya because I don't know how to answer that.

"I hope you're enjoying this party," magalang ko namang sabi sa isa pang pares na kilala rin ang pamilya. Gusto ko na maupo at magpahinga.

This party is taking too much of my energy. Masakit ang ulo ko dahil galing pa ako sa flight ko, I want to rest. May jetlag pa ata ako.

"You're so ugly," inirapan ko ang kapatid ko nang sinabi niya sa'kin iyon.

"Jacob," saway sakaniya nang Yaya niya. Binalingan ko iyon dahil ito ang unang pagkakatao na narinig kong tinawag ang kapatid ko sa pangalan niya. Sa makataong pangalan niya, at hindi Prince Jacob.

Agad na yumuko ang Yaya ni Jacob dahil sa tingin ko. I wonder why, tho.

"P-prince Jacob, you shouldn't talk to your ate that way," mahina niyang sabi pero hindi siya pinansin ng kapatid ko.

He's five years old. Kaya ang sungay ng batang ito ay abot hanggang langit.

"You're uglier," bawi ko sakaniya kahit na hindi totoo. Kamukhang-kamukha niya si Daddy na may touch ng foreign features ni Mommy. Hindi maipagkakailang magkapatid kami, pero mapapansin agad ang pinagkaiba naming dalawa. Halatang-halata sa'kin na may lahi akong Hapon, samantalang ang kapatid ko ay pinaghalong Hapon at ang banyagang dugo na nanggaling sa mga magulang namin, and to be honest, he really does look like a prince charming.

Nag-make face siya na naabutan nila Mommy. Ngumiti ako nang pasimple siyang pinagsabihan ni Mommy at kinarga na.

"You are really stubborn, Jacob. I told you to just stay with me. And what did you just do? Nag-make face ka sa ate mo?" Saway ni Mommy sakaniya pero ang kapatid ko ay seryoso lang na nakatingin sakaniya. Nang tinaas ni Mommy ang kanyang kilay ay agad na yumakap sakaniya ang kapatid ko. Ang maliliit niyang braso ay yumakap sa batok ni Mommy at itinago ang gwapo niyang mukha sa leeg nito.

"I think he's tired, Mom," marahan kong sabi kay Mommy na tinanguan niya. Nilingon niya ako at hinawakan ang kamay ko.

"You look tired, too, Jewel," malambing niyang sabi.

"Can I go back to my room, now?" Tanong ko sakaniya pero hinawakan niya lang ang pisngi ko ng marahan.

"This is your party. You have to stay," mahinahon niyang sabi na may lungkot sa mga mata. Hinarap niya ang Yaya ni Jacob at sinabing ayusin ang kwarto ng kapatid ko dahil kailangan na niyang magpahinga. It's getting late and he should really sleep.

Sana magkasing edad na lang kami ni Jacob, or sana siya na lang ang first born, he's the real heir tho. At ang ginagawa ko rito ay hindi ko rin maintindihan. Ipapasa sa'kin nila Daddy ang kompanya the reason why I have to take their trust, at sa oras na tumuntong sa tamang edad si Jacob o kapag nakapagtapos nang pagaaral ay ipapasa ko na sakaniya ang lahat ng ito. I don't mind. Hindi ko rin naman gusto ito.

Again Or Never?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon