Chapter 17

2.8K 74 8
                                    

Inalis ko ang earphones ko sa magkabilang tainga para bumuntong hininga at pumangalumbaba dahil wala naman akong maintindihan sa binabasa ko. Sumilip ako sa bintana at tinignan mula doon ang quadrangle.

Nasa third floor ako ng library, kung saan kakaunti lang ang mga estudyante. Malaki at malawak ang bawat palagad ng library na napansin ko kanina no'ng pumasok ako. Nasa ikalimang palapag ng main building ang library, kaya when I say third floor of the library ay ibig sabihin nasa eight floor ako ng main building. Inookupa ng library ang last three floors ng building kaya sobrang lawak nito.

Nasa first floor ang kwarto para sa mga computers, some of the computers can be used by the students. Bahala silang gamitin ang oras nila doon to browse the internet, at may ilang computers naman na ginagamit para sa archives, where in you can search the title of the books you're needed kung mayroon ba sa library na 'to. Once na nandoon ay lalabas sa screen kung nasaang shelf ito.

The second and third floor of the library ay ginagamit naman madalas para sa mga estudyante na gustong magbasa ng tahimik. May mga bookshelf na matataas. Pakiramdam ko tuloy ay kumpleto ang mga kailangan ng mga estudyante dito. Hindi na kailangan lumabas pa ng school kung sakaling may thesis na gagawin. Ang alam ko pa ay mga estudyante galing sa ibang iskwelahan ang pumupunta rito dahil sa dami ng libro at research na nandito.

May mahahabang lamesa kung saan pupwedeng pumwesto ang grupo ng mga estudyante kung sakaling may meeting sila. Mayroon ding mga lamesa na pupwedeng pwestuhan ng isang estudyante kung walang kasama, and that's where I'm at. Kaharap ng glass window ang pupwesto ko kaya malaya kong napagmamasdan ang labas.

I tapped the book in front of me while looking at the quadrangle. Naiisip kung anong nangyari kanina. I ran like hell. I ran away from Marcus nang tumagal ang titig niya sa mga mata ko. Tumakbo ako dahil hindi ko kinaya ang intesidad ng bigat ng tingin niya, pakiramdam ko ay tumalon na ang puso ko papunta sa lalamunan ko, kaya hindi ako makahinga ng maayos.

Tinignan ko ang cellphone kong naka-silent na nakapatong sa lamesa. That's been ringing non-stop. An unknown caller is calling me na hindi ko sinasagot, inalis ko na rin ang vibration ng cellphone ko kapag naka-silent dahil parang nayayanig ang lamesa sa tuwing tumatawag iyon.

Kinagat ko ang ibabang labi nang naramdaman kong nag-init nanaman ang pisngi ko sa naisip. I think I'm gonna stay here hangga't wala pa ang klase ko dahil hindi ko talaga kayang tignan si Marcus ngayon.

Nang nakita kong lumabas ang pangalan ni Michie sa cellphone ko ay mabillis ko itong sinagot. I've been dying to tell her what happened at alam kong ngayon niya lang nabasa ang mga message ko sa kaniya.

"What is it? Anong chikka, mahal na prinsesa?" panunuya ni Michie na inirapan ko kahit na hindi niya rinig.

"Michie," tawag ko sa kaniya. I think I have to tell her dahil pakiramdam ko talaga sasabog na ang dibdib ko. "I'm crushing on someone!"

At mukhang mas kinilig pa si Michie kaysa sa'kin dahil tumili siya ng sobrang lakas that I have to take my phone away from my ears! Ilang segundo kong inilayo ang cellphone ko at sa tagal noon ay patuloy pa rin ang tili niya that I laughed so hard!

"Kumalma ka nga," natatawa kong sabi sa kaibigan. "It's just a crush, Michie! Kung maka-react ka parang boyfriend naman ang pinakilala ko!"

"Because, Jewelicious! This is the first time someone caught your picky eyes!" maarte niyang sabi na para bang dapat ay aware ako kung bakit siya nagwawala. "Like finally! You have a crush! Hindi ka pusong bato!"

"Of course not!" sabi ko naman sa kaniya na tinawanan niya ng malakas.

"So, who is it? Ah wait! Describe mo!" napanguso ako at hindi makapagsalita dahil... hindi ko alam kung sino ang ide-describe ko. Shit!

Again Or Never?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon