Chapter 25

2.6K 68 9
                                    

Naabutan ko sina Melody at Rhianon sa loob ng kwarto na nagaayos pa rin hanggang ngayon. Almost all of the girl were done kaya ang iba ay nagsisimulang lumabas ng kwarto na nagpanguso sa'kin. Kanina pa ako sa labas at kausap si Marcus pero ni isa sa kanila ay walang lumabas? Ngayong kakapasok ko lang ay lumalabas na sila?

Some of them were wearing long dresses habang ang iba naman ay maiiksi. They have their own version of Yacht Party, pero lahat sila ay pasok sa tema ng party ni Melody. They all look beautiful na nagpangiti sa'kin.

"That's Richard's hoodie," pinalobo ko ang pisngi ko nang narinig ko ang bulong ng isang babae pero hindi ko siya tinignan. Baka mamaya ay tanungin nila ako kung bakit ko suot ito.

"Have you watched Marcus' performance kanina? He's so good at singing!" pakiramdam ko nag-init ang pisngi ko nang tinanong iyon ng classmate namin.

"Y-yeah," marahan kong sagot.

"Girl, pakiramdam ko kung siya ang magpe-perform buong gabi ay ayos lang! Wala pa ring kupas ang gwapong boses!" ngumiti ako sa sinabi ng isa pa.

"Melody, did you ask Richard to perform, too?" tanong ng isang babae pa na nakalimutan ko ang pangalan. Ano nga ulit 'yon? Ang alam ko ay nagsisimula iyon sa letter 'Y'. Hala! Nakalimutan ko nga!

Tumingin din ako kay Melody dahil sa tanong na iyon. She stopped putting on a lipstick bago bumaling sa pwesto namin. Pinasadahan niya ng tamad na tingin ang mga babaeng nasa harapan kong walang hinto sa paguusap tungkol kay Marcus at Richard. So... Richard can sing, too?

"If he wanted to," simple niyang sagot. "Si Marcus lang naman ang may sabing gusto niyang mag-perform dahil magpapakitang gilas siya sa taong nililigawan niya."

Sumulyap ng mabilis sa pwesto ko si Melody na nagpakaba sa'kin, bago niya ibinalik ang ginagawa niyang paglalagay ng make-up. Halos ngumuso ako para hindi maisip ng mga nakakita nang ginawa ni Melody na ako ang tinutukoy niya. Why did they know? .

Mukhang silang engrossed sa paguusap tungkol kay Marcus at sa paraan nang paguusap nila ay masasabi kong lahat sila ay may crush kay Marcus. Mabuti na lang at hindi sila 'yong agresibong mga babae na magagalit kapag nalaman na may gustong iba ang pinagkakagustuhan nila. Pasimple akong umatras at pumunta sa pwesto ko para hindi na nila ako matanong pa. Wala naman akong alam sa mga pinaguusapan nila.

Weh, Jewel? Wala ka ba talagang alam?

Nahagip ng paningin ko si Ciara na ngayon ay may inilalagay na accessory sa buhok niya bago tumayo at nilingon ako. She looked at me from head to toe na tinaasan ko ng kilay pero nagkibit balikat lang siya na para bang ayaw niya akong kausapin. Bumuntong hininga ako at kumuha ng gamit para makapag-shower muna bago mag-ayos.

I don't plan on putting make up kaya malakas ang loob kong hindi maaga mag-ayos. Sinabi ko na rin naman kay Mr. Sia kanina na sa oras na pumasok ako sa kwarto ay ipakuha na niya ang dress kong nasa yate namin. Panigurado ay kinukuha na iyon ni Mr. Sia sa ngayon.

"I heard Marcus likes you but you're wearing Richard's hoodie?" natigil ako sa pagaayos ng gamit dahil sa sinabi ni Ciara. Pasimple kong tinignan ang buong kwarto at nakita ko roon na apat na lang kaming nandito sa loob ng kwarto.

Papaano niya nalaman na gusto ako ni Marcus? Ah, malamang nalaman niya dahil sinabi ni Marcus. So, they're still in touch? But that's not the case here! Bakit niya ako inaaway dahil sa suot ko ang hoodie ni Richard?

"Ciara, ano na naman ba 'yan?" pagod na tanong ni Melody mula sa pwesto niya.

"Leave it, Ciara," saway naman ni Rhianon kay Ciara.

Tumayo ako ng maayos nang nakuha ko na ang undergarments na susuotin ko.

"I don't want to hear your voice, Rhianon kaya 'wag kang makisali—"

Again Or Never?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon