P R O L O G U E

18K 204 41
                                    

"Wait here, okay?" Hinawakan niya ang pisngi ko at marahang iniharap sa kaniya. Nilingon ko siya at nakita kong may pagmamahal sa mga mata niya habang marahang hinahaplos ang buhok ko.

"We're gonna talk to Yuki. Stay here," binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti bago tumayo at nagsimulang maglakad palabas ng kwarto. Nagawa pa niya akong sulyapan bago isinara ang pinto ng kwarto na ibinigay nila sa'kin.

Ilang segundo ko tinitigan ang pinto bago ako nagpasiyang tumayo at pihitin ang seradura nito. Magagaan at marahan ang mga yabag na ginawa ko sa sahig, natatakot na baka marinig ako ni Daddy, natatakot na baka kapag nalaman niya ang pwesto ko ay hatakin na niya agad ako pabalik sa bahay.

I... don't want to go home, yet.. I can't go back to that cage..

Dahan-dahan akong lumapit sa hagdanan na tipid ang mga hakbang hanggang sa nagawa kong bumaba sa sala. Nilingon ko ang pwesto kung saan ko narinig ang boses ni Papa Kevin. Mabuti na lamang at hindi agad makikita sa living room kung sino ang nasa hagdanan kaya nagawa ko pang maglakad papunta roon na nagtatago sa likod ng divider nila Papa.

"Don't you trust me?" parang kulog ang boses ni Papa Kevin nang narinig ko iyon. Halos pumikit pa ako dahil sa galit sa tinig niya.

"Kung wala kang tiwala sa anak mo," kinagat ko ang labi ko at huminga ng malalim, natatakot na may lumabas na hikbi sa bibig ko. "Magtiwala ka sa'kin, Saiyuki!"

"I have to get her, Kevin. She's my daughter!" naramdaman kong nanikip ang dibdib ko nang narinig ko ang sakit sa boses ni Daddy.

Come on, Jewel. Daddy's here to pick you up. Not your bodyguards, not your maids, not Mr. Sia... it's your dad. He came here to get you because he knew you're hurt.

Sumilip ako sa divider at nakita ang sakit sa mga mata ni Daddy habang kausap si Papa Kevin na panay ang iling sa kaniya. Bumalik ako sa pwesto ko at pumikit dahil pakiramdam ko ay bibigay ako at sasama na kay Daddy pabalik sa mansion, kahit na sa tingin ko ay mamamatay na ako kung ikukulong ako muli doon... mariin kong ipinikit ang mga mata ko nang naisip ang pagkulong sa'kin ni Daddy kamina. Pakiramdam ko hindi ako makahinga sa tuwing bumabalik sa'kin iyon. Pakiramdam ko, nauubusan ako ng hangin at gusto ko na lang maglupasay.

Nakatayo siya sa bukana ng pintuan habang si Papa at Tita Katherine ay nasa harapan niya para hindi siya tuluyang makapasok sa bahay. Para hindi niya ako tuluyang mahatak pabalik doon.

"She doesn't want to see you, Yuki. Now, get out of my house," galit ngunit mahina ang boses ni Papa nang sinabi iyon.

"You can't stop me from getting her, Kevin! She's my child!"

"Your child who you chose to caged, ha?!" Sigaw muli ni Papa. Umiling na ako at umiyak ng tahimik sa sakit na nararamdaman.

I don't want them to be like this. I don't want them to fight because of me. I just want to be free... if my freedom will get them fight like this.. then it's okay. I'm fine at giving up my freedom. It's fine. Natiis ko na naman ng ilang taon, titiisin ko muli. Ayoko na ganito sila. Hindi ko kaya.

Humakbang ako ng isa palabas ngunit halos maipako ako sa sahig dahil narinig ko ang mahinhing boses ni Tita Katherine, na sa tingin ko ay gusto ring patigilin ang away ng dalawa.

"Let her breathe for tonight, Yuki. Kahit ngayong gabi lang. Kung bukas pagkagising niya ay ayaw niya pa ring umuwi sa inyo, sasabihan agad kita or better yet I'll let you two talk."

"Kath--" agad na pinutol ni Tita ang gustong sabihin ni Daddy.

"She's my niece, Yuki. I won't let anything bad happen to her. I promise. Just let her breathe. Pagpahingahin muna natin ang damdamin ng bata."

Again Or Never?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon