Chapter 30

2.2K 63 11
                                    


"You can stay for the night," ilang beses na itong sinabi ni Papa Kevin sa'kin ngayong gabi, pero tanging ngiti lang ang iginawad ko sa kaniya.

Sa daming nangyari kanina nang dumating si Daddy at nag-away sila ni Papa Kevin ay hindi ko na alam ang dapat pang maramdaman. I wanted to cry. I wanted to just laugh it off. I wanted to... I don't know. Be a bubble and leave this world?

"You can take your time off with your father, Jewel. Nasa tamang edad ka na—"

"Kevin, honey," halos may init na humaplos sa dibdib ko nang nakita ko kung paano hawakan ni Tita Kath ang mga braso ni Papa Kevin. I smiled at them kahit na sobrang bigat na ng nararamdaman ko.

I wanted to be free, pero mukhang hindi ko iyon makukuha sa ngayon.

Hinawi ko ang buhok ko at kinapa ang dulo ng kwintas na suot-suot ko, ramdam ko ang tingin nilang tatlo sa'kin sa ginagawa ko, pero hinayaan ko lang sila. Nang nagawa ko na ang gusto ko ay inilagay ko sa palad ang kwintas na dapat ay hindi ako nagsusuot.

"Jewel..." marahang tawag ni Papa Kevin sa'kin. Inabot ko ang isang kamay niya at ipinatong doon ang kwintas ni Mama Hazelle. Kung mayroon man sa mundo na ito ang may karapatan doon, iyon ay si Papa Kevin.

He was Papa Johnny's brother and Mama Hazelle's bestfriend. Siya ang mas nakakaintindi sa lahat ng pupwedeng pinagdadaanan ng taong nawalan. Siya... ang higit na nakakaalam... kaya laking gulat ko kanina noong nakita ko ang galit sa kaniya.

"I'm happy that you heard my silent pleas, Pa," tumulo muli ang luha na akala ko ay ubos na, pero ngayon ay hindi ko sinubukang punasan. I'm tired hiding my pain na gusto ko na lang isigaw sa buong mundo. And the only thing na pupwede kong sabihin sa universe ay keep it coming.

I don't think nothing's gonna hurt me anymore. I am so hurt and broken.

"Kyou would love to give you this," lumuhod si Papa sa harapan ko at hinawakan ng mahigpit ang dalawang palad ko pero umiling lang ako sa harapan niya.

"I don't think I can wear her necklace right now, Papa," nanghihina kong sabi. "Because... wearing this surname is already a burden."

Naramdaman kong niyakap ako ng mahigpit ni Tita Katherine dahil sa sinabi ko at wala akong lakas para alisin iyon. "I can't. Not right now."

Tumango si Papa ng ilang beses bago pinunasan ang pisngi kong basang-basa sa mga luha. "I'm going to keep this necklace for now."

Sinalubong ko ang seryosong tingin ni Papa Kevin sa'kin, at alam kong sa ginawa niyang pagtitig sa mga mata ko ay nakuha niya ang sagot sa mga tanong niya. The answers like... I'm tired with all of these shits. I'm tired with all of the pain. I'm tired of the lonely nights.

Iniangat ko ang tingin ko at nakita ko si Marcus doon na nakatingin sa'kin. I smiled at him pero hindi nagbago ang tingin niya hanggang sa naglakad sya palapit sa'kin at hinaplos ang buhok ko. Hindi ko alam kung papaano nangyari na nagawa niyang lumuhod sa harapan ko, ni hindi ko namalayan na tumayo na pala si Papa Kevin mula sa pwesto niya kanina.

Bumaba ang tingin ko sa mga kamay na mahigpit na hinahawakan ni Marcus... sa sobrang higpit nito ay nagsimula na lang muli tumulo ang mga luha ko at paulit-ulit na sinasabi sa isipan ang mga salitang... I want to heal. I want to be happy.

•••🌙•••

Umuwi rin ako sa gabing iyon at dumiretso sa kwarto na walang kinakausap kahit na sino sa mga magulang ko. Sinubukan pumasok ni Mommy sa kwarto ko pero nang nakita niyang nakahiga ako at hindi siya nilingon ay hindi siya nagtagal. She just said how sorry she was and that she'll do her best to make things right, pero parang wala akong narinig nang gabing iyon. I don't want to believe in them anymore.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Again Or Never?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon