Chapter 16

2.9K 75 8
                                    

Mabilis na tumayo si Marcus papunta sa cashier nang tinawag ang pangalan niya, because our order is already out. Tumayo na rin ako at inayos ang ballcap sa ulo bago naglakad palapit sa kaniya. Kinuha ko ang iilang paper bags na may laman na ilang boxes ng pandesal.

"I'll pay," sabi ko kay Mark na inilingan niya. Hindi ako hinahayaang magbayad pero mabilis akong pumunta sa harapan niya at inabot ang card ko sa staff. "Please use this card."

Ngumiti ang staff sa'kin at kinuha ang card na inabot ko bago nilingon si Mark na nakasimangot sa'kin. Tinawanan ko siya at siniko sa tagiliran para hindi na siya ma-offend. I can see that he's a gentleman and men like him wouldn't let us girls pay.

I adore that attitude, pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay hahayaan kong mangyari 'yon. My parents are working to give me money kaya ayokong gawin iyon kay Marcus. I have money and I'm willing to spend them on my whims.

Ibinalik ng staff ang card ko sa'kin na namimilog ang mga mata, siguro marahil ay nalaman niya kung sino ako pero isang ngiti lang ang ibinigay ko sa kaniya. Pinitmahan ko ang maliit na papel na kailangan kong pirmahan at inabot sa kaniya iyon.

"Thank you, Princess," masaya niyang sabi sa'kin.

"Thank you rin po. Good luck on your business," sabi ko sa kaniya na marahan niyang tinanguan.

"My friend owns this shop, sasabihin ko po sa kaniyang dumaan ka rito. Tiyak matutuwa iyon!" tumawa ako ng marahan at yumuko sa kaniya sandali bago inayos ang card sa wallet at ipinasok sa bag.

Binitbit ko ang paper bags at hinarap si Mark na busy sa pagkuha ng ibang paper bags na naglalaman ng mga inorder ko.

"Give me that, hold the coffees for me," kinuha pabalik ni Mark ang mga paper bags na binuhat ko at inabot sa'kin ang mga kape na dadalhin ko. They're suprisingly light compared to what he's holding kaya I insisted on holding one or two paper bags. Anim na paper bags kasi ang hawak ni Marcus.

"Masiyado atang marami, akin na ang iba para hindi ka mahirapan," alok ko kay Mark because I'm feeling guilty! I bought that many pandesal pero siya ang magbubuhat?

"I'm fine," ngumiti siya sa'kin to assure me bago naglakad papunta sa pintuan at siya pa ang nagbukas noon para makalabas ako. "Mainit ang mga kape kaya magiingat ka."

"Thank you," malambing kong sabi at lumabas na ng shop, pero bago pa ako makalabas ay sinandal ko ang sarili sa pinto, para hindi ito magsara kaagad at makalabas si Mark na hindi naiipit.

Nilingon niya ako nang ginawa ko 'yon at sumilay nanaman ang magandang ngiti sa mukha niya. Nang nakalabas siya ay umalis na ako sa harapan ng pinto para tuluyan na 'tong magsara. Mabilis na lumapit si Mr. Sia sa aming dalawa ni Mark para tulungan kami sa mga dala-dala.

Inabot ko kay Mr. Sia ang mga kapeng hawak ko, kinuha ko rin ang ibang paper bags kay Marcus at inabot iyon kay Mr. Sia. "Give these to other bodyguards."

Nanlaki ang mga mata ni Mr. Sia sa sinabi ko at yumuko ng ninety degrees sa harapan ko habang hawak-hawak ang mga ibinigay ko.

"Hindi n'yo na po dapat ginawa ito, Hime. Tapos na po kaming kumain," tinapik ko ang balikat ni Mr. Sia bago kinuha ang dalawang baso ng kape at ibinigay kay Marcus ang isa.

"Bigay mo sa kanila 'yan, Mr. Sia. Hindi ba kayo napapagod na nakatayo lang sa tabi-tabi at nagmamasid for my well-being?" tumayo ng tuwid si Mr. Sia habang pinagmamasdan ako. He did that for five seconds bago yumukong muli like a trained bodyguard.

Umikot ang mga mata ko roon dahil ayoko talagang yumuyuko sila sa tuwing kinakausap ako, but who am I to stop them? They're trained that way, I have to respect that.

Again Or Never?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon