Chapter 4

3.7K 70 12
                                    


"Who was that?" Tanong ni Michelle sa'kin nang nakabalik ako sa restaurant. Apparently, they saw me kicking that guy's whatever, pero wala silang ginawa para tulungan ako!

"At nandito ka naman pala!" Sigaw ko kay Andrei pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Tinawag kita no'ng nakita kitang naglakad pabalik sa restaurant, 'di mo naman ako narinig," explain niya sa'kin.

"E, I saw him kaya ayon. I asked him kung bakit siya nandito at noong tinignan ka namin ay nakikipag-away ka na," dugtong ni Michelle sa explanation ni Andrei.

Pinagmasdan ko ang itsura ni Andrei na ngayon ay nakangiti sa'kin at hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, lumapit ako sakaniya para yakapin ng mahigpit.

This day is ruined but I don't care. I get to see my two bestfriends and be with them bago ako bumalik sa mansion namin.

"I miss you," nakangiti kong sabi habang yakap-yakap pa rin si Andrei.

He's one of the close friends I have since I was a kid. May bahay sila malapit sa mansion namin na naging dahilan para magkakilala kaming dalawa, bago ko makilala ang anak ng helper namin sa mansion noon. Andrei and I grew up together and minsan kasama ko si Jobelle pero hindi ko gaano nakakausap si Jobelle dahil palagi ako sinasama ni Daddy sa kung saan-saan at ang ending ay mas naging close kami ni Andrei noong mga bata kami.

I don't really remember if Andrei met her once, dahil kinailangan umalis noon ng pamilya nina Andrei, kaya noong malapit na mag-highschool ay si Jobelle ang nakakasama ko. Bumabalik-balik si Andrei noon sa mansion para mabisita ako pero hindi tulad noong mga bata kami na magkasama kami halos araw-araw. Kaya I don't really remember kung nakilala niya ba 'to o naisip niyang isa lang si Jobelle sa maids sa bahay.

"I miss you even more," mas hinigpitan ko ang yakap sakaniya na tinawanan niya lang.

Noong elementary kami ay nakilala ni Andrei si Michelle at sinubukan niya itong ligawan. Ayaw pa noon ni Michelle dahil may crush siyang iba kaya nanghingi ng tulong si Andrei sa'kin, at ang ending ay mas naging close kaming dalawa. He doesn't care tho, ang sabi niya ay kailangan ko na rin naman daw talaga ng kaibigang babae dahil ang lonely raw ng buhay ko. He's happy I have Jobelle pero hindi ko naman daw ito nakakasama sa mga business party at kung saan-saan man, unlike kay Michelle na nasa kilalang pamilya rin na madalas nakakasama ni Daddy sa gatherings.

And then eventually... the two of them clicked. Umiyak sa'kin noon si Michelle at sinabing mahal na nya ata si Andrei pero ayaw niyang maging sila. Uso raw kasi ang fixed marriage sa pamilya namin, natatakot siyang baka hindi pwede maging sila ni Andrei hanggang dulo.

Andrei heard her rants and complaints that night...And the rest is history.

"Stop hugging my Jewel, Drei!" Saway ni Michelle at mabilis akong hinatak palapit sakaniya. Tumawa ako dahil sa ginawa niya kaya umupo na rin ako sa tabi niya at si Andrei naman ay nasa harapan ni Michelle.

"She's my bestfriend first--"

"I don't care," pagputol ni Michelle sakaniya. "She's mine now. And why are you here ba?"

Tumaas ang kilay ni Andrei sa tanong ni Michelle na inismiran lang ng kaibigan ko. I sighed at that dahil nagsisimula nanaman silang dalawa.

"Can't wait for the time na hindi na ako magti-third wheel sainyo," bulong ko pero mukhang narinig ni Michelle dahil bumaling siya sa'kin.

"Magpakilala ka muna ng lalaki, Jewel, then titignan ko na muna. Hindi ka dapat basta-basta nagbo-boyfriend," nanliliit ang mga mata ni Michelle nang sinabi niya iyon sa'kin.

Again Or Never?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon