Chapter 6

3.4K 80 15
                                    

"What?!" narindi naman ako sa sigaw ni Michelle mula sa kabilang linya ng tawag, halos ilayo ko pa ang cellphone mula sa tainga ko na naging dahilan para lingunin ako ni Mark. Inirapan ko siya habang nakataas ang kilay niya sa'kin at mas pinagtuonan ng pansin si Michie na nagwawala sa phonecall.

Natapos na ang tatlong klase ko kanina na may tigta-tatlong oras, and here I am at my last subject for the day. Napapagod ako dahil siguro sa adjustment ko sa language at patakaran. Tatlong taon din ako sa Japan na wala namang nakakausap na mga Pilipino maliban kay Mr. Sia, kaya halos mabaliw ako roon, and now that I'm here at the Philippines ay naga-adjust nanaman ako.

I almost stood up kanina nang pumasok ang Professor sa loob ng classroom to greet her, pero naalala kong hindi pala gano'n dito sa Pilipinas. Just a simple greeting would be fine—hindi kailangan tumayo at sabay-sabay na bumati. May kanya-kanya pang buhay sa ibang professor, some of my classmates would greet the professor kahit hindi pa nakakaupo.

"Anong what?" mahina kong sagot sa kaniya dahil ayokong marinig nina Mark o ni Mr. Sia ang pinaguusapan naming dalawa. Nasa likuran ko si Mr. Sia habang nakatambay ako sa tapat ng classroom at nakahilig sa barikada, habang si Mark naman ay nakasandal sa pader malapit sa pinto at tinataasan ako ng kilay. 'Di ko alam kung anong trip niya at bakit hindi niya ako nilulubayan, hindi ko naman siya isusumbong kay Tito Seb kung sakali man na hindi siya tumupad sa usapan.

"Ano nanamang pinaplano mo, Jewel?" punung-puno ng panghuhusga ang tanong na iyon ni Michelle.

I just told her what I really want to do this weekend at mukhang hindi siya papayag sa gusto ko. "Let me remind you, Jewel Anne Sato, na minsan ka nang napahamak dahil diyan sa Hero Complex mo!"

Nanlaki ang mga mata ko at nagawa pang itakip ang kaliwang palad sa bibig para mapigilan ang sarili sa pag-singhap ngunit huli na ang lahat—kumunot ang noo ni Mark sa'kin habang si Mr. Sia ay mabilis na pumunta sa tapat ko. Ano nanaman ba? Suminghap lang naman ako? Bawal na ba iyon?

Inikutan ko sila ng mga mata at pinagpatuloy ang pakikipag-usap kay Michelle na parang nababaliw nanaman. That was three years ago! Bakit nanaman ba niya binubuksan ang topic na iyon?

"That's all in the past, Michie! And I don't have that kind of complex!" sagot ko sa kaniya na hula ko ay inirapan niya lang. I can imagine how she dramatically rolls her eyes dahil narinig ko ang ugh expression niya sa kabilang linya. This maldita is such a maldita! Maldita sa lahat ng maldita!

"I won't support you in this, Jewelicious!" I almost cringed on what she just called me!

Ibinigay niya ang nickname na 'yan no'ng highschool kami. Hindi ko alam kung pinagsamang Jewel at Delicious ba 'yan o maniniwala ako sa sinabi niyang Jewel o Precious, and I think it's the former! Mas katunog kasi!

"Please?" Pilit ko sa kaniya. "Ngayon na lang tayo nagkasama ulit sa mga ganito—"

"Exactly my point, Jewel Anne!" sagot niya. "That's exactly my point! Remember the last time we did something like this? Hindi ba't naging dahilan pa 'yon para maipatapon ka sa Japan?"

"We were so young back then," hininaan ko ang boses ko dahil ang dalawang lalaki sa harapan ko. They're looking at me like I'm their prey! "Naiintindihan ko naman ang gusto mong sabihin, but please."

"Then why would you expect me to help you in this madness?" malamig niyang tanong sa'kin na nagpa-buntong hininga lang sa'kin. "Three years ago, you helped your childhood friend that almost got you killed."

Kinagat ko ang ibabang labi ko dahi sa tono ng boses ni Michelle. She's with me through and through. Sinamahan niya ako sa lahat ng ka-pritso ko—pero sa tingin ko simula nang sinabi ni Andrei na hindi pa nahuhuli ang lahat ng may atraso ay natakot na si Michie. At talagang kapag naidikit na sa usapan ang nangyari dati ay hindi na siya matitibag pa. She said what she said, there's no turning back.

Again Or Never?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon