Chapter 29

2.1K 58 8
                                    

CHAPTER 29

Gaano kabilis ang buhay ng isang tao? Bakit kailangan tayong dalhin sa sinapupunan ng siyam na buwan para mawala sa mundo ng ganoon kabilis? Sobrang bilis ng buhay ng tao na minsan napapaisip ako kung hanggang kailan na lang ako sa mundong ginagalawan ko?

"What are you gonna do... kung bukas pagkagising mo ay wala na ako, Andrei?" Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap ni Andrei sa'kin, I know him my whole life na pakiramdam ko ay gusto niya akong idiin pa sa kaniya dahil natatakot siyang... pupwede akong mawala na ganoon lang.

Tears pooled in my eyes because of that thought. Why this man loves me so much? What did I do for him to love me like his own sister? Nanikip ang dibdib ko dahil sa takot na nararamdaman.

"No one's gonna take you away that easily, Jewel," madiin na sabi ni Andrei sa'kin.

"Really? Tell me how can you stop Grim Reaper," I chose to ask this lightly dahil ayokong mahatak pa si Andrei sa kadiliman ng pagiisip ko.

Tumingala ako at sinalubong ang mga mata ng matalik kong kaibigan. Pain and anger were in his eyes, sa isang kurap ay napalitan iyon ng lungkot. I held my hand to his face at dahil sa haplos ng kamay ko sa pisngi niya ay napapikit siya.

Nawala ang lamig na nararamdaman ng katawan ko dahil sa init na nanggagaling sa balat niya. I smiled at him kahit na alam kong hindi niya iyon nakikita.

I love Andrei so much. I love him with my whole heart pero kahit kailan ay hindi ko siya minahal romantically. Many people asked me na papaano kung dumating ang panahon at si Andrei ang ibigay sa'kin para pakasalan ko, pero hindi ko iyon makita. Mahal ko siya pero hindi sa ganoong paraan.

Marami sa paligid namin ang nagtatanong kung bakit hindi na lang kaming dalawa, even his parents asked that. Kung bakit kailangan mag-girlfriend ng iba ni Andrei at hindi na lang ako, and we both answered them that it's not possible .

And yes, this kind of relationship can happen. We love each other pero kahit kailan ay hindi kami mangyayari. I wouldn't trade our relationship for the world.

Kaya... sa kaniya ko lang kayang bigkasin ang mga salitang kanina pa tumatakbo sa isipan ko.

"I... killed her, Andrei," I gasped for words nang iminulat niya ang mga mata niya para tignan ako.

Marahan niyang hinawakan ang kamay ko sa pisngi niya at pinagsalikop niya roon ang mga daliri namin.
Doon ko napansin na ang mga daliri ko ay nanginginig sa hindi ko malaman na dahilan. "I killed her."

"You didn't," mariin niyang sagot. "You didn't kill anyone, Jew."

He said it with finality na parang siguradong-sigurado siya doon. How could he say these kung totoong namatay si Jobelle dahil sa armadong lalaking naghahanap sa'kin? Napagkamalan si Jobelle na ako, siya ang pinuntirya dahil magkahawig kaming dalawa, if those things were not enough para maipukpok sa kanila na ako ang dahilan, then I don't know anymore.

Maybe, hindi ako ang bulag. Sila siguro. Hindi nila matanggap ang isang mapait na katotohanan. I may not pull the trigger that killed Jobelle, but it was because of me.

Pinanood kong sumakay ng sasakyan si Andrei sa harapan ng mansyon. Nakita ko kung paano siya magdalawang isip na nagawa niyang lumabas ng kotse at naglakad muli papunta sa pwesto ko. Hinigpitan ko ang jacket na nakayakap sa buong katawan ko habang tinitignan ang matalik na kaibigan. I somehow managed to tell him to go home.

Michie stayed here for long enough, na hindi na dapat manatili pa rito si Andrei. They have their own life at hindi ako papayag na dahil malungkot ako ngayon ay kailangan nilang ihinto ang buhay nila. This is my pain to bear, ako na ang bahala sa sakit na ito. Hindi ba't tinuruan ako ng experiences ko na ganoon naman dapat?

Again Or Never?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon