Chapter 21

2.8K 66 13
                                    

Inaayos ko ang tuwalya sa ulo ko nang lumabas ako ng banyo. I forgot to bring my blower with me sa loob ng banyo kaya inilagay ko na lang ang tuwalya sa ulo para hindi ito tumulo nang tumulo. Tulog na ang mga imbitado sa birthday ni Melody, sobrang tagal ko ata sa loob ng banyo?

Kaya laking gulat ko nang nakitang gising pa si Melody. Nakita ko siya na naka-indian seat sa kama niya na nasa kabilang banda ng kama ko. Pinapagitnaan nila ako ni Rhianon, and I liked that. Sila lang kasi ang madalas kong nakakausap sa school kaya nakakatuwang naisipan nilang pagitnaan ako.

Nakakatuwa ang pagiging thoughtful nilang dalawa, iyon talaga ang dahilan kung bakit bigla kong gustong maging kaibigan nila. They were so sweet and kind.

"This came while you're taking a bath," nakangiting sabi ni Melody at inabot sa'kin ang dolphin na unan na sa tingin ko ay naiwan ko kanina sa lamesa sa deck.

"Ohh," namamaos kong sabi bago inabot ang dolphin sa kamay ni Melody. I smiled at her pero ngumuso lang siya at tinagilid ang ulo habang pinagmamasdan ang dolphin na hawak ko.

"Something happened upstairs?" marahan niyang tanong na kinagulat ko. Inilapag ko ang dolphin sa bandang ulunan ng kama at nakita na may dalawang malalaking unan doon. Nilingon ko si Melody at nanatili ang ngiti sa mukha habang sinasagot siya.

"Wala naman," mataman kong sagot. "Bakit mo natanong?"

"Mukhang nagaalala si Marcus kanina nang hinanap ka niya rito sa kwarto, I told him you're having shower kaya 'di ka niya makikita," sagot niya pabalik na nginitian ko lang muli.

Hindi ko sadyang mag-alala si Marcus, hindi ko lang talaga kaya na pag-usapan muli ang tungkol sa nangyari noon habang wala pa akong sagot sa mga tanong ko. How would I talk freely about Jobelle kung hindi ako nakakasigurong ligtas siya at hindi siya napahamak ng gabing iyon?

I know my Daddy. I know what he's capable of when he thought he's protecting someone. Hinihiling ko lang na sana ay hindi niya iyon maisipang gawin sa'kin. I'm her daughter.

"Are you excited?" tanong ko kay Melody para mawala sa isip niya ang tanong na pakiramdam ko ay dumadaan sa isipan niya.

"Oo!" masigla niyang sagot. "As in!"

"Saan mo nalaman ang island na pupuntahan natin?" tanong ko sa kaniya nang umupo ng maayos ako sa kama at pinatuyo ang buhok gamit ang tuwalya na hawak ko.

"Sa google," natatawa niyang sagot. "I've always wanted live on an island kaya mahilig akong mag-research tungkol doon."

"First time mo pumunta doon?" tanong kong muli. "First time ko kasi so I have mixed feelings about this trip."

Kinuha niya ang unan sa likuran niya at inilagay iyon sa hita niya para yakapin bago ako sinagot. "This is my first time going on an island with the whole gang."

Nakita ko ang saya sa ngiti niya na alam kong genuine happiness ang nararamdaman niya. She wanted to do this with her close friends at masaya ako na nagawa na nga niya ito. Hindi man ayos ang samahan nila ni Rhian ay natutuwa akong isipin na inimbitahan niya pa rin ito sa debut party niya. Isang bagay na nagpapatunay na kahit anong mangyari ay importante pa rin sa kaniya si Rhian.

Inubos namin ni Melody ang pagke-kwentuhan hanggang sa parehas kaming hinila ng antok.

I've dreamt so many things, even the night I parted ways with Jobelle. Nakita ko siyang galit sa'kin at umiiyak habang sinisigawan ako. I even saw her body lying on the ground pero ilang sandali ay lumipat ang panaginip ko sa dagat. Ang kaninang mabigat na nararamdaman ko ay parang nawala. I saw someone sitting on the sand while smiling at me. Her hair swayed at the rhythm of the wind, the hem of her white flowy dress swayed with her hair. Hindi ko makita ang buong mukha nito, pero sa ngiting binibigay niya sa'kin ay alam ko na kung sino ang nasa harapan ko. I ran towards her to give her a tight hug. A hug that I wasn't able to give her for years. I've missed her.

Again Or Never?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon