Chapter 7

3.2K 75 8
                                    

Nahinto ang pagaaway nina Melody at Ciara nang pumasok si Kimuel sa classroom at mabilis na gumitna para protektahan si Melody mula kay Ciara. Tumaas ang kilay ko kung paano hawakan ni Kimuel ang magkabilang braso ni Melody, habang tinatanggap ng katawan niya ang panghahampas at pagwawala ni Ciara mula sa likruan nito.

"Why is she that mad at me?" wala sa sarili kong tanong dahil halos pumutok na sa pamumula ang mukha ni Ciara. Lalo na nang lumingon ito sa'kin at halos sugurin ako sa kinakatayuan ko kung hindi lang siya hinatak ni Melody muli.

"Umupo ka na sa upuan mo," marahang sabi ni Mark sa'kin bago niya ako inalalayan paatras pabalik sa upuan. Nilingon ko ang gawi noon at nakita si Rhianon na nakangiwi sa nangyayari, pero wala siyang sinabi kahit na halata sa kaniya ang pangangasiwa sa pinapanood.

"Ano ba kayong dalawa?" naiinis na tanong ni Kimuel kay Ciara at Melody. Nilingon ko pa ang nangyayari habang iginigiya ako ni Mark pabalik sa upuan ko at halos matawa ako—dahil nanatiling namumula ang pisngi ni Ciara at alam kong sa ibang dahilan iyon.

She's blushing dahil hinatak siya ni Kimuel pabalik sa pwesto niya kahit na nakadikit pa rin ang katawan ni Kimuel kay Melody. He's still trying to protect her. Aww. Poor, Ciara. Gano'n ba kabulag si Kimuel na 'di niya nakikita ang epekto niya kay Ciara?

"H'wag ka na manood ng away. Mas lalo mong iniinis si Ciara," saway sa'kin ni Mark. Pinaupo niya ako sa upuan at hinarangan pa ang paningin ko para 'di ko na sila makita pa.

"Umalis ka nga diyan," mataray kong utos kay Mark na tinaasan niya lang ng kilay. "Alis sabi!"

"Tch," inis niyang sabi bago yumuko sa harapan ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko para sa kaniya ako tumingin.

"Alis nga," sabi kong mukhang 'di niya naintinidihan dahil pinanggigilan niya ang pisngi ko! Like my cheeks are fucking marshmallow or cotton na halos lamutakin niya! Ano ba naman 'yan!

May mga kaklase kaming halos nagpigil ng tili kaya sinubukan kong tumingin sa paligid. Anong nangyayari bakit sila tumili? Anong mayroon?

Tinapik ko ang magkabilang kamay niya dahil sa ginagawa niya pero tumawa lang siya at umatras palayo. Umupo siya sa upuang nasa harapan ko dahil si Rhianon na ang nasa tabi ko. "Ang sakit!"

Hinawakan ko ang mga pisngi kong nilamutak nitong Marcus na ito! Kaso si Rhianon na nasa gilid ko ay tumawa ng mahina, nakasimangot ko siyang nilingon dahil pakiramdam ko namurder ang mga pisngi ko.

"Bakit?" tanong ko kay Rhianon na pasimple niya lang nginuso ang mga kaklase. Tumingin ako sa itinuro niya at nakita kong nasa amin pala ang atensyon nila.

"Bakit sila ganiyan makatingin?" naiilang kong tanong kay Rhianon.

"Hindi po ako sigurado, Princess," nanatili ang pagkasimangot ko nang nilingon ko muli siya. Sabing 'wag Princess ang itawag, e! "Pero ang pagkakaalam ko po kasi, tahimik si Mark."

Ano raw? Tahimik? Ang lalaking iyon ay tahimik? Hindi naman ata totoo 'yon.

"At ngayong nakikita nilang nakikipagkulitan sa inyo ay nagtataka sila," mahinahong sagot niya.

"Bakit mo alam iyan?" tanong ko dahil wala naman kami sa highschool. Matagal na ba silang magkakilala? Even Mark asked Melody about Rhianon kaya pakiramdam ko talaga... matagal na silang magkakakilala.

"We were schoolmates," mahinahon niyang sagot. Ang boses ni Rhianon ay sobrang lambot na parang gusto ko na lang higaan kung visible lang iyon sa harapan ko.

"Kayo ni Mark?" tanong ko sa kaniya.

"Sina Melody, Kimuel, Richard, Mark..." pinigilan ko ang sarili kong mapanguso dahil nakita ko kung paano siya lumunok bago bigkasin ang isa pang pangalan. "At Roy."

Again Or Never?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon