Chapter 1

3.9K 251 63
                                    

The Sultan and I
Chapter 1

What is the meaning of life? What does it mean to live?

"Elena!" bigla akong napapitlag mula sa paglalaba sa maliit na sapa nang marinig ko ang galit na sigaw ng aking ina. "Nandyan ka lang pala, ikaw na bata ka?!"

Umuulan ng nyebe at halos hindi ko na maramdaman ang namamanhid kong mga kamay dala ng sobrang lamig ng tubig na nasa sapa.

Pero hindi na ako nakapag-protesta pa nang bigla niyang hilain ang buhok ko at marahas akong hinila papasok ng maliit namin na tahanan.

"Mama, tama na po!" umiiyak na pagmamakaawa ko. "Tama na po!"

Please, I beg of you. No more pain.

Ngunit nanatiling nagbibingi-bingihan ang aking ina mula sa aking mga pag-iyak. Itinulak niya ako dahilan para mapahandusay ako sa malamig na sahig. Nanginginig naman ako sa takot na napataas ng tingin at ang basag na vase ang una kong nakita.

And when I saw that vase, my heart dropped.

She will kill me.

"Napakatanga mo!" dinuro niya ang noo ko habang galit na galit niya akong sinisigawan. "Ni ultimong paglilinis ng bahay ay hindi mo pa magawa ng maayos! Nabasag mo pa ang mamahaling vase na ibinigay ng isang mangangalakal sa akin mula sa karatig na bayan?! Napakatanga mo! Wala kang kwenta!"

Sinimulan na niyang pagsasampalin ang magkabilang kong mga pisngi habang napasigaw naman ako sa sobrang sakit. Wala akong ibang nagawa kundi ang mapaiyak habang iniinda ang bawat pananakit na ginagawa niya sa akin.

Puno na ng pasa ang buong katawan ko at ang tanging nagtatakip lang nito ay ang gula-gulanit kong damit.

It's okay. I tried to comfort myself. I've learned that silence will only speed up the punishment. Maybe, who knows? She will give me a small meal after this as a reward for keeping silent. I'm so hungry that my vision is starting to get blurry.

At nang mapagod na siyang bugbugin ako ay marahas niyang hinila ulit ang buhok ko papasok sa maliit na selda na inihanda niya para sa akin.

Ngunit nang makita ko ang selda ay mas napaiyak ako.

"Mama, please, huwag po!" I begged my heart out. "Mama!"

The cell is my hell.

Alam ko na sa oras na ipinasok niya ako doon ay hindi na naman ako makakalabas ng ilang araw.

Pero wala na akong nagawa kundi ang mapaiyak nalang nang marahas na niya akong ipasok sa maliit na selda na gawa sa bakal.

"Mama, tama na po!" pagmamakaawa ko. "Mama!"

She did not listen to me.

Itinali niya ang mga kamay ko sa isang bakal gamit ang isang makapal na lubid para hindi ako makawala habang patuloy lang ako sa pagmamakaawa.

At nang matapos na niya akong itali doon ay tumayo siya sa harapan ko at namaywang.

"Ayan! Para magtanda ka!" sigaw niya.

Matapos iyon ay mabilis na siyang tumalikod at naglakad palabas ng maliit na kwarto. Pabagsak niya pang isinara ang pintuan at wala akong ibang magawa kundi ang mapaiyak nalang.

Nanginginig din ako sa sobrang lamig at wala akong suot na makapal na damit para labanan ang klima.

My teary eyes looked up at the light that was coming inside from the small window of the room. And I can't stop myself from crying from this ill fate that I have.

The Sultan and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon