Chapter 27

1.3K 75 11
                                    

The Sultan and I
Chapter 27


I thought that I would never be able to smile again after my Omer died.

But while looking at those little beautiful brown eyes, my heart was filled with joy and I couldn't stop smiling.

"Our Osman..." I cooed him gently in my arms while I was standing inside of the Sultan's chamber.

Matapos malaman ng lahat ang pagkamatay nina Halime at Eda sa loob ng kwarto niya ay kaagad na nagkagulo sa loob ng palasyo.

Ngunit habang nagkakagulo sila ay wala akong inaksayang oras na kaagad kinuha si Osman mula sa duyan nito.

I walked past the dead bodies and immediately took Osman into my arms. Matapos iyon ay nagmamadali ko siyang itinakbo pabalik ng kwarto namin ng Sultan. At ngayon ay natagpuan ko ang sarili ko na buhat ang prinsipe sa dibdib ko habang idinuduyan siya sa mga braso ko.

Osman let out a small laugh while looking at me, and my cold heart immediately warmed up.

"I'm your new mother, Osman." Nakangiti ko pang wika habang nakatitig sa kanya. "From now on, you're my son."

Nasa gan'on akong posisyon nang biglang bumukas ang pintuan at nakita kong pumasok si Zahir.

At nang makita niya kami ay kaagad na bumaha ng pagkagulat sa gwapo niyang mukha.

"Mihrisah..." His words are soft while looking at me. Disbelief is in his eyes. "Why are you carrying Osman?"

Maybe seeing me with the son of Omer's murderer has brought a shock to him.

Nilingon ko naman siya at binigyan ng isang matamis na ngiti. At nang makita niya ang ngiti na nasa labi ko ay kaagad siyang natigilan mula sa kinatatayuan.

After our Omer died, I never smiled genuinely again. Maybe seeing how happy I am with my Osman stunned him.

"Look at him, Zahir." Masaya ko pang wika habang ipinapakita sa kanya ang mukha ni Osman. "From now on, he will become our son."

Ngunit matapos kong sabihin iyon ay nasaksihan ko nalang ang pagkagulat na namutawi sa gwapo niyang mukha. Pero kaagad parin siyang nakabawi at nagtatakang napatingin sa akin.

"Our son?" He asked, and he looked like he could not believe what he had just heard.

Nagtaas naman ako ng mukha at naglakad palapit sa kanya. At ngayong magkaharap na kami ay binigyan ko siya ng isang nagsusumamong tingin.

"Sehzade Osman's mother died, so he needs a new mother, your majesty." My voice is soft and almost begging at him. "P-please, allow me to care for him. Allow me to have him as my son."

Ngunit matapos kong sabihin iyon ay nasaksihan ko nalang unti-unting pagiging seryoso ng mga mata niya bago siya matigas na nagsalita.

"No, my flower." His voice is hard, but I can sense him trying his best not to upset me. "He needs to be taken back to his family, and they will be the ones to take care of him."

I looked at him with great disbelief and pain in my eyes.

At nang makita niya ang matinding sakit na bumaha sa mukha ko ay kaagad na lumambot ang mukha niya.

Matapos iyon ay marahan niya akong hinawakan sa magkabilang pisngi at ipinaharap sa kanya.

"He's not our son." He whispered gently, like he was trying to make sense to me. "We must give him back to his family where he truly belongs, and I will give you another son."

The Sultan and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon