Chapter 2

34 6 0
                                    

Chapter 2

"Salamat po ng marami ," yumuko pa ako sa registrar bago ako tumalikod.

Pumunta kasi ako sa school kung saan dito naisipan ni Tita Lilian na mag aral ako sa college. Kinuha ko ang ID ko dahil sa lunes ay magsisimula na ang klase dito.

Pagkatapos kong kunin ang ID ko ay sumakay na ako ng taxi para makauwi na ako sa condo. Di rin nagtagal , nakarating na ako sa condo ko. Pagkapasok ko sa condo ko ay napaupo ako sa sofa dahil sa sobrang pagod ko.

Ipipikit ko sana ang mata ko na biglang nagvibrate ang cellphone ko kaya tinignan ko muna yun kung sino nagtext. Napangiti ako kung sino ang nagtext sa akin.

Vinzent:

Hello Aifha ,how are you?

Me:

Okay naman ,Vinz.

Vinzent:

Condelence pala sa'yo ah?ngayon ko lang kasi nalaman ang about sa pagkamatay ng parents mo.

Me:

Thanks ,kahit papa'no nakakapag adjust naman kahit wala akong kasamang guardian.

Vinz:

Nga pala ,nakausap ko si Tita Lilian. Nasa manila ka na daw ngayon?

Me:

Oo.

Vinz:
Good! Then ,san ka mag aaral sa manila? malay mo parehas tayo ng university na papasukan!

Me:

Dream High University.

Vinz:

Sakto! parehas tayo ng pinapasukan. Pag pasukan hintayin kita ah?

Nalaman ko rin na kinuha niyang course sa college ay may connect sa business dahil siya ang magmamana sa company ng Daddy niya.

Kinabukasan ay bigla na lang ako napabangon na bigla kong nakita ang text sa'kin ni Tita Lilian na nandito na siya sa labas ng condo ko at ilang beses na daw siya nagdodoorbell. Kaya sa sobrang pagmamadali ko ay hindi na ako makatingin sa salamin kung ano na ba ang itsura ko pagkagising ko ,dahil ang iniisip ko na nandito na si Tita Lilian.

Nung binuksan ko na ang pintuan ay nakita ko si Tita Lilian na nakatayo sa tapat ng condo ko. Napakagat ako ng labi dahil baka kanina pa siya naghihintay sa'kin.

"Tita Lilian ,nandiyan ka na pala?"pilit akong ngumiti sa kanya.

"Yeah....mahigit 20 minutes na rin."she said softly.

Napakurap ang mata ko na napagtanto na bakit pa naghihintay sa labas si Tita Lilian ,gayong alam naman niya password ng condo unit ko?

"Tita Lilian ,bakit pa kayo naghihintay ng 20 minutes diyan ,kung alam niyo naman po ang password ng condo ko?"maingat na tanong ko sa kanya.

She sighed deeply ,"Well , gusto ko ikaw ang magbukas ng pintuan dahil baka pag ako nagbukas ay baka paggising mo ay pagkamalan mo pa akong magnanakaw."she chuckled softly.

Napakamot na lang ako ng ulo dahil sa sinabi niya. Well ,totoo yun! dahil one time na nakatira pa ako sa Romblon ay may bigla na lang may pumasok sa kwarto ko sa sobrang pagkagulat ko ay pinaghahampas ko yung lalaking pumasok sa kwarto ko. Natigil lang yung paghahampas ko na inawat ako ni daddy na hindi magnanakaw yung pumasok sa kwarto ko kundi staff ng resort na kapapasok lang dahil may nakalimutan daw na gamit si Daddy sa kwarto ko at siya lang ang napag utusan.

 The Thousand Of Ways (Reclamation Series #2)Where stories live. Discover now