Chapter 3

37 4 0
                                    

Chapter 3

Kinabukasan ay pumunta ako ng National Bookstore para makabili ng mga kakailanganin kong gamit sa school. Bukas na kasi ang pasok ko sa Dream high. Kakaunti lang naman mga binili kong gamit dahil pinagkasya ko lang sa budget na binigay sa akin ni Tita Lilian bago siya umalis ng manila.

Nang makabili na ako ay napagdesisyonan ko na makauwi na dahil mag-aalauna at kailangan niya pang magluto para sa pananghalian niya.

Di naman ako natraffic sa pagcommute ko kaya maaga rin ako nakarating sa condo ko. Nang nasa tapat ako ng condo ko ay kukunin ko na sana ang card ko pero may napansin akong maliit na paper bag na nakatapat sa pinto ko kaya sa sobrang kuryoso ko ay napatigil ako sa paghahanap.

Ano 'to?

Kaya wala na akong nagawa kundi kunin yun dahil nakatapat naman yun sa condo ko. Hinanap ko ang card ko sa maliit na bag ko na agad ko naman nakuha kaya tinapat ko na yun sa pinto at bumukas na yun. Pumasok na ako sa condo ko at tumungo ako sa dining area para ilagay yung paper bag na nakita ko sa labas.

"Sino naman kaya naglagay nito sa condo ko?"bulong ko sa sarili ko. Ilang minuto ako nakatingin sa paper bag na yun bago ko buksan yun.

Nanlaki ang mata ko na malaman ang nakalagay dun. Isang amoy ng ulam na nakalagay pa sa isang plastic container at kanin na nakalagay din sa isang plastic container. Kaya marahan ko kinuha yun at mapaawang ang labi ko na may sticky note pa na nakalagay 'don kaya agad ko binasa yun.

Hello miss , I'm sorry sa ginawa ko mang abala sayo kagabi. I hope magustuhan mo ang binigay ko sayo bilang bawi man lang sa pagiging maingay ko kahapon. I hope you like it , pinaghirapan ko yan lutuin para sayo.

-Terrence Dylan♡

What the hell? yung sinita ko kagabi , siya ang nagbigay nito?

Di ko na napigilan ang pag-ngiti ko dahil sa ginawa niya. He's such a sweet guy ah?

Nang nakaramdam ako ng gutom ay agad ko na yun kinain dahil pagkain na rin yun at nagugutom na ako. Masasabi kong masarap ang luto niya! Dahil sa dinala niya sa akin na pagkain ay naubos ko ang buong plastic container dahil sobrang nasarapan ako sa luto niya!

After kong kumain ay nilagay ko ulit ang dalawang plastic container sa isang maliit na paper bag. Balak ko na sana ito isoli sa unit niya kaya lang nung nakailang doorbell na ako ay walang bumungad na poging lalaki sa harapan ko kaya napagdesisyonan ko na bumalik na lang ako sa unit ko.

Mamayang gabi ko na lang isoli dahil sigurado akong uuwi yun mamaya. Gusto ko personal na magpasalamat sa lunch na binigay niya sa akin!

Habang nanonood ako ng tv ay may biglang nagdoorbell sa labas kaya sandali akong napalingon don. Sino naman kayang tao ang nasa labas?

Inilapag ko muna sa sofa yung chips na kinakain ko. Tumayo na ako at diretso ang tungo ko sa pintuan para pagbuksan kung sino man ang nasa labas.

Pagbukas ko ng pinto ko ay natulala na lang ako kung sino ang nasa harapan ko. His smiled made my heartbeat fast dahil sa kagwapuhan niyang taglay.

"Hi...."

"T-terrence? yung nasa kabilang unit?"my eyebrow furrowed.

"Uh-uh finally you remembered my face."he smiled to me.

Matatandaan ko talaga dahil ang gwapo mo!

"Uh... anyway , why are you here pala?"I blinked my eyes twice ,seriously.

 The Thousand Of Ways (Reclamation Series #2)Where stories live. Discover now