Chapter 10

19 4 0
                                    

Chapter 10

"Nakapagreview ka na ba Aifha?"napatigil ako kinakain ko na bigla akong tanungin ni Erich.

"Hindi pa ,balak ko pa sa sabado."tipid na sagot ko. Next week na kasi ang prelim exam namin kaya ako naman ay sa sabado ang balak kong magreview para di gaano sagabal sa schedule ko.

"Ganon? Ako di ko alam kung may balak ako magreview ,"nagkibit balikat siya kaya marahan akong natawa ,"But anyway ,kailan ko ba ulit makikita si Terrence slash manliligaw mo?"

Napag alaman na rin ni Erich na si Terrence nga yung nanliligaw sa akin. Nung una ,nagtatampo siya sa akin dahil di ko daw sinasabi sa kanya na yung palaging naghahatid sundo sa akin ay manliligaw ko na pala yon at di na neighborhood.

"Di ko alam ,busy masyado siya sa study niya kaya ilang araw na rin niya ako nakakaligtaan maghatid sundo sa akin ,"saad ko sa kanya ,"Tsaka ,bakit ka bang curious sa kanya? At gusto mo pa siyang kilalanin ng maayos?"

She rolled my eyes ,"Siyempre ,kaibigan kaya kita! Kaya gusto ko kilalanin yang Terrence Allejo na yan kung deserve ba talaga siya para sagutin mo!"

Napaisip ako. Kailangan ba talagang ipakilala mo sa ibang tao ang manliligaw mo parang masabi kung deserved ba siya para sagutin?

"Alam mo kasi Aifha ,maraming lalaki kasi diyan na sa una lang magaling ,"sabi niya habang nagpapatuloy na kami maglakad ,"Kapag pinakilala nila ang sarili sa mga babaeng nagugustuhan nila ay mabuti pag uugali ang pinapakilala nila ,mag effort sila sa una hangga't mapasagot nila yung nagugustuhan nilang babae. Pero kapag tumagal na doon lumalabas ang tunay na ugali nila kumbaga doon mo malalaman kung redflag ba ang lalaki o hindi."

Sa haba ng mga sinabi ni Erich ay napanganga ako. Wow ,halatang may galit siya sa mga lalaki ah?

"Ilang beses na ako nakaranas ng ganyan naku ,mga nagiging boyfriend ko talaga Aifha sa una lang magaling ,sa una lang maeffort ,sa una lang mabait pero in the end mga redflag naman ang lahat at ang mas malala pa mga cheater pa ang walang hiya!"gigil na sabi ni Erich kaya di ko napigilan na tumawa dahil talagang dinadamdam niya talaga yung mga sinasabi niya.

"Maayos namang maniligaw si Terrence ,"I assured her ,"Base sa kinukwento niya sa akin ay wala siyang history ng pagiging cheater. In fact ,nagkaroon siya ng long time girlfriend-parang college days pa lang niya naging girlfriend na niya yon. Kaso nga lang naghiwalay sila dahil nagcheat yung girlfriend niya."

"Oh really? Ang saklap naman nun!"

I nodded my head ,"Yeah ,nung pumasok siya ng med school doon na siya di nagkaroon ng oras talaga sa ex girlfriend niya."

"Grabe naman pala yung nangyari sa past relationship niya noh? Akala ko palaging perfect ang relationship kapag nagtatagal."

Akala ko din. Pero doon ako nagkakamali dahil kahit gaano pa kayo katagal kung isa sa inyo ay magsasawa talagang bibitiw talaga sa isang relasyon.

Di ko alam kung bakit may mga cheater pa rin na ang lakas ng loob para humingi ng tawad na parang di nila sinasadya na nagloko sila sa taong mahal nila. Ewan ko ba.

"Basta Aifha susuportahan kita sa kung ano man ang maging desisyon mo ,"humarap siya sa akin at hinawakan niya ang palad ko ,"I know that Terrence is a good man. Kaya nagtitiwala ako sa manliligaw mo na di ka n'ya hahayang masaktan kahit anong mangyari ,kahit di ko pa gaano siya nakikilala ng lubusan alam ko naman na mabait siyang tao."

I smiled to her. Makikilala mo rin si Terrence at masasabi ko sayong di niyo siya mabibigo kapag nakilala niyo ng lubusan.

Natapos ang kwentuhan namin na tungkol kay Terrence kaya dumiretso na kami sa classes namin. Nang maglast period na nga ay halos inaantok na ako dahil inabot na kami ng alas otso ng gabi dito kaya nung nagdismiss na ang klase ay di ko na nagawang magpaalam kay Erich dahil parang pagod na pagod ako buong araw.

 The Thousand Of Ways (Reclamation Series #2)Where stories live. Discover now