Chapter 22

16 4 0
                                    

Chapter 22

Naging abala ako nung sumunod na araw dahil nagkaroon ako ng mga plates na sobrang nahihirapan kong tapusin. Ilang araw na rin ako puyat dahil sa mga pending na hindi ko pa natatapos.

Busy rin si Terrence sa studies niya kaya text and call lang ang nagagawa namin sa isa't isa. Minsan dumadalaw din siya sa kapag nakakauwi na siya sa condo niya pero sandali lang din yon dahil abala ako sa plates na natatapos ko.

Kapag sumasapit naman ang weekends ay saglit ko lang nakakasama si Terrence dahil tinatawagan siya ni Tita Rhea para dumalaw sa kanilang mansyon. Kahit gusto namin makasama ang isa't isa ay di namin magawa dahil parating nang iistorbo si Tita Rhea.

"I'm sorry babe."he said and sighed heavily while still holding my hand.

"Ayos lang ,"pinilit kong ngumiti na alam ko hindi umabot sa aking mata ,"Puntahan mo na si Tita Rhea. Baka inaantay ka niya sa mansyon niyo."

Kita ko sa mga mata ni Terrence na ayaw niya pa umalis sa tabi ko dahil magkasama kaming dalawa para sa anniversary namin ngayon. Naghanda siya ng siya ng dinner date para mapaghanda namin ang 1st anniversary namin. Di ko rin inaasahan na mag eeffort siya para dito dahil akala ko nakalimutan na niya yung espesyal na araw samin dahil sa pagiging busy niya.

"Sumama ka na lang sakin-"I cut him off.

"Wag mo na akong isama Terrence."putol ko sa kanya na kinatigil niya sa pagsasalita ,"Alam mo namang ayaw sa akin ni Tita Rhea at baka mapahiya lang ako kung isasama mo ako."

Yumuko ako ng mariin pagkatapos kong sabihin yon. Aware naman ako na hindi ako gusto ni Tita Rhea para sa kanya at buong puso kong tinatanggap yon dahil sa huling pag uusap namin ay kita ko ang galit sa mga mata niya habang kinakausap niya ako.

Na hindi siya masaya na minahal ako ni Terrence.

"But still you're my girlfriend Aifha ,"rason niya na mas lalong kinalungkot ng kanyang mukha ,"Sa mata ni Daddy ikaw ang totoong mahal ko kaya wala ka dapat ikabahala kay Mommy! Wala naman magagawa yun kung isasama kita doon!"

"Wag mo ng pilitin Terrence.."pagdadahilan ko sa kanya habang nakatitig sa kanyang gwapong mukha ,"Di ko pa kayang makaharap ang Mommy mo kaya patawad kung di ako sasama sayo."

Napaawang ang labi niya nang sabihin ko sa kanya yon. Di ko lang talaga kayang pakisamahan si Tita Rhea ng harap harapan lalo na't alam kong ayaw naman niya ako maka close talaga. Kung noon ,gusto ko siya mas maging close dahil mommy siya ng mahal ko ngayon hindi ko na kaya dahil ayokong makatanggap ulit ng pang iinsulto na galing sa kanya.

"Ano bang sinabi sayo ni Mommy kung bakit ayaw mong sumama sa akin?"seryosong saad niya na kinalunok ko ng laway ,"May sinabi ba siyang masama sayo?"

Agad akong umiling ,"Wala. Wala siyang sinabi sa akin na masama. Hayaan mo na lang ako pwede ba?"

Tumingin siya sa akin ng matagal bago siya malalim na bumuntong hininga. Hinaplos na niya bahagya ang pisngi ko at nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi.

"Okay...di na kita pipilitin kung ayaw mong sumama ,"ngumiti siya sa akin ng mariin ,"Ihatid na muna kita pauwi bago ako pumunta sa mansyon. Pwede ba yon?"

Natawa ako ng mahina dahil sa sinabi niya. Tumango ako at mariin niya akong niyakap ng mahigpit. Mabuti at nakapagsimula na kami ng dinner kaya hindi sayang yung mga pagkain na pinahanda ni Terrence sa mga staff.

Hinatid na nga ako pauwi ni Terrence sa building ng condo at pinatakan niya pa ako ng halik bago siya tuluyan magpaalam sa akin. Hinintay ko muna mawala sa paningin ko ang sasakyan niya bago ako pumasok sa building. Pagkapasok ko pa lang sa condo ko ay agad na ako nagbihis na pambahay para maging kumportable ako sa pagtulog ko.

 The Thousand Of Ways (Reclamation Series #2)Where stories live. Discover now