Chapter 16

22 4 0
                                    

"Honestly ,I don't like you for my son."

Inaasahan ko na ito ang bubungad sa pag uusap namin ni Tita Rhea. Alam ko na makikipagkita siya sa akin ngayon dahil  ineexpect ko na itong sasabihin niya. Hinanda ko na ang sarili ko kung sakaling magkikita kami.

Malinaw na sa akin ang lahat na nagpakitang tao lang si Tita Rhea para maniwala akong nagugustuhan niya ako para sa anak ko.

"Masyado kang bata para sa anak ko Aifha ,"seryosong saad niya habang nakatingin siya sa akin ng diretso ,"At sa tingin ko di ka nababagay sa mundo ni Terrence. Masyadong mataas ang kinasanayan ng anak ko samantalang ikaw napaka simple mong nilalang. You're a probinsyana girl and my son....oh my god galing siya sa mayamang pamilya di katulad mong na laking syudad ka lang at di pa gaano kilala ang pamilya mo."

Minamaliit na naman ba ako?

"Magkaiba po kami ng kinasanayan ni Terrence ,Tita Rhea. Magkaiba po kami ng pamumuhay. Laking manila siya samantala ako ay laking probinsya. Di naman po siguro masama kung...magmamahal ang anak niyo ng isang normal na tao lang."pagsisimula ko kaya nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo ,"Si Terrence lang naman ang nagmamahal sa akin at di ko alam kung bakit...pinapakielaman niyo ang buhay ng anak niyo na parang gusto niyong kayo lang ang masusunod."

Ang hirap pakisamahan ang mga mayayaman dahil parang ang taas ng tingin sa sarili nila na parang sila ang makapangyarihan sa mundong ginagalawan. Na parang habit talaga nila na manliit ng kanilang kapwa kapag mas nakakataas sila lalo na sa mga mahihirap.

"Dahil di nga kita gusto sa anak ko!"she gritted her teeth while holding her breath ,"Tanging si Ross lang ang tatanggapin ko sa buhay ni Terrence. Nagawa lang naman kita pakisamahan ng maayos dahil nakiusap lang si Eros sa akin!"

Di na ako kumibo sa mga sinabi niya. Wala naman ako magagawa kung ayaw niya talaga sa akin. Nakipagkita lang ako sa kanya para alamin kung talagang nagsasabi sa akin ng totoo si Terrence tungkol kay Tita Rhea.

"At ayokong maging bait-baitan sayo dahil wala sa ugali ko ang makisama sa hindi ko naman talaga gusto. Kaya sana pag isipan mo ng mabuti ang pakikipagrelasyon mo sa anak ko dahil sigurado ako kapag pinagpatuloy mo pa rin ang ugnayan mo sa anak ko —masasaktan ka lang."sabi niya at tumayo na siya sa kanyang kinauupuan. Bago siya umalis ay tinapunan niya ako ng masamang tingin.

Doon lang ako nakahinga ng maluwag nang mawala na sa paningin ko si Tita Rhea. Sobrang bigat na bigat ang nararamdaman ko habang kaharap ko si Tita Rhea dahil ibang iba siya nung una ko siyang makilala sa mansyon.

Sobrang seryoso at di mo kaya makipagtitigan sa kanya ng matagal.

Tinapos ko na lang ang kinakain ko dito bago ko mapagdesisyonan na umalis sa coffee shop. Bumalik ulit ako sa Dream high dahil tapos na rin naman ang vacant time ko at sigurado akong kanina pa ako hinahanap ni Erich.

"Huy Bruha ,saan ka ba galing? Kanina pa kaya kita hinahanap!"bungad agad sa akin ni Erich nang makita niya ako ,"Tinawagan kita di ka naman sumasagot kaya akala ko may nangyayari na sayong hinding maganda!"

Tipid akong ngumiti sa kanya ,"May kinita  lang akong tao."

Kumunot ang noo niya ,"At sino naman yon?"

"Sa akin na lang yon."sabi ko kaya napasimangot lalo si Erich sa akin ,"Ano palang pinagkakaabalahan mo?"

"Tinitignan ko lang yung plates na nagawa ko kung ayos lang. Mukha kasing...hindi ako satisfied sa gawa ko ngayon..."sabi niya sa akin saka niya ipinakita yung plates na gawa na malapit na rin matapos kaya tinignan ko yun ng maiigi at mukhang maayos naman yung plates niya ,"Ano sa tingin mo pwede na kaya ito ipasa kaya Prof?"

 The Thousand Of Ways (Reclamation Series #2)Where stories live. Discover now