Chapter 17

19 4 0
                                    

Chapter 17

A lot has happened in the past month, but even so, I remain strong despite all the things I went through, especially in my studies. I have cried a lot and I can only think about whether I should continue what I have started because I am having a hard time. But I just lost everything in my mind that my 3rd year college has ended and now that I'm in my 4th year I like it even more because of my determination to study.

Dalawang taon na lang ang titiisin ko sa college at kapag nakapagtapos na ako ng pag aaral ako siguro ang pinakamasayang tao.

"Nakakasakit ang ulo ng mga bago nating subject!"bulalas agad ni Erich nang makalabas na kami ng room ,"Kapag nakikita ko talaga yung subject natin ngayon sa 4th year ewan ko ba biglang nahihilo ako ng wala sa oras!"

Natawa ako ng mahina. Ngayon kasi ang first day at kahit orientation pa lang ang ginagawa ay parang sobrang hirap na ang itatake naming subject ngayong fourth year. Na parang kapag nagsimula na ang klase ay wala ka ng oras na maglibang para sa sarili mo dahil puro pag aaral na lang ang aatupagin mo.

"Beh pag nagsimula na ang klase di ko alam kung magagawa ko pa bang kitain si Claude gayong nakakamatay na ang mga subject natin!"naiiyak na saad niya. Nalaman ko din kasi na nagdadate na pala sila ni Claude na di ko namamalayan. Kung di ko pa nahuling ngumingiti sa cellphone niya ay hindi ko pa malalaman.

Masyadong malihim din ang isang to kaya ilang buwan bago ko pa nalaman na may namamagitan na sila ng kaibigan ni Terrence!

"Ano ka ba wag ka nga diyan umiyak! Para namang di mo kakayanin yung fourth year? Na-survived mo nga ang third year na puro reklamo lang ginagawa mo pero diba nakapasa ka naman!"sabi ko sa kanya saka ko siya inirapan ,"And beside ,maiintindihan naman ni Claude yan kung wala kang oras para kitain siya! Busy din ang isang yon dahil fourth year na siya it means....internship na niya sa ospital!"

Internship na ni Terrence ngayon kaya siguro magiging mas busy siya ngayong fourth year na niya. Maiintindihan ko naman dahil nahahandle ko ng maayos ang time management naming dalawa.

"Oo nga noh ,internship na pala nila!"ngayon niya pa lang inisip yon ,"Pasensya na Aifha ,masyado kasi akong malandi simula na nakilala ko si Claude kaya nakalimutan kong parehas pala sila ni Terrence na tatahakin na career."

And then ,I rolled my eyes again. Sa sobrang kalandian niya nakalimutan niya pa ang bagay na yon.

"Oo. Kaya pwede ba wag ka na diyang umiyak! Sure ako na kakayanin mo ang fourth year-I mean kakayanin natin ang fourth year...."ngumiti ako kaya nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa mga labi.

Malaki ang pasasalamat ko talaga kay Erich. Siya din kasi ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nandito pa rin ako at di sumusuko sa course na napili ko.

Para mabawasan ang bigat na nararamdaman ni Erich sa subject namin ay ako muna ang sasagot ng kakainin namin. Nagstarbuck kami after orientation class kaya tuwang tuwa siya dahil nalibre ko ulit siya at namiss niya daw yon. Nililibre ko kasi siya kapag sobra yung binibigay na allowance sa akin ni Tita Lilian.

Minsan lang naman ako manlibre kapag trip ko lang. Nagtitipid din ako dahil para sa mga luho na gusto ko din bilhin.

"Nga pala Aifha ,kumusta pala yung mommy ni Terrence at yung....ex niyang papansin?"napatigil ako sa kinakain ko na cheescake na magtaong si Erich tungkol sa nabanggit niya ,"Ginugulo ka pa rin ba nila?"

Nasabi ko kasi kay Erich ang tungkol sa mommy ni Terrence at di niya inaasahan na ganun ang mangyayari. Na di ako magugustuhan ni Tita Rhea. Tapos nung binanggit ko sa kanya si Ross bigla na lang kumulo ang dugo niya na sabihin ko sa kanya na siya ang dahilan kung bakit kami nag aaway ni Terrence dahil sa pagiging papansin niya.

 The Thousand Of Ways (Reclamation Series #2)Where stories live. Discover now