Chapter 25

6 4 0
                                    

Chapter 25

Akala ko doon  na matatapos ang pagkakaroon ko ng sama ng loob kay Terrence. Kahit sa pag uwi niya sa pilipinas ,mas dumagdag lang ang sama ng loob ko sa kanya. Hindi man lang niya ako binisita kahit saglit man lang dito. Naghintay ako ng ilang araw para bisitahin ako pero naghintay lang ako sa wala.

Di na ako nag-atubiling i-message man lang siya dahil alam ko naman na ilang araw pa bago niya mabasa ang message ko sa kanya.

Inabala ko na lang ang aking sarili sa paglilinis ng condo ko para mabawasan man lang ang bigat na nararamdaman ko. Pero siguro kahit anong gawin ko para abalahin ang sarili ko ,mabigat pa rin ang nararamdaman ko.

Hindi na nga niya tinupad ang pangako niya sa akin ,pati ba naman sa bisita ipagdadamot niya pa rin sa akin?

"Aifha I'm here—"

Hindi na natuloy ang sasabihin ni Terrence na bigla ko siyang sinampal ng malakas. Halos lumipad ang hawak niyang bulaklak dahil nawalan siya ng balanse dahil sa biglang pagsampal sa kanya.

Walang emosyon ko s' yang tinignan mula ulo hanggang paa. Ang kapal kapal niya pa magpakita na parang wala siyang ginawang kasalanan sa akin huh?

It's been two weeks since he came home but he's just now showing me when I'm burning with anger huh?

"Buti naisipan mo pang magpakita?"I said coldly as I stared his eyes.

Tumingin siya sa akin habang nakakunot ang kanyang noo ,"Aifha...."

"Sana hindi ka na nagpakita pa Terrence. Ang kapal kapal mo pa magpakita sa akin na parang wala kang ginawa sa akin huh!"halos manlaki ang mga mata ni Terrence sa bigla kong pagsigaw ng malakas ,"Dalawang linggo simula ng umuwi ka ng pilipinas pero sa dalawang linggo na yon di mo man lang ako nagawang bisitahin! Kahit message wala akong matanggap sayo!"

I was filled with anger, frustration with all that Terrence had done to me. I have never been able to yell at him this loud, but now I was able to yell at him because of the anger I feel.

"Aifha ,I was busy—"

"Busy na naman huh? Fucking bullshit Terrence!"I scream with filled of anger ,"Sobrang busy mo ba kaya halos dalawang linggo kahit pagtawag o pagtext di mo magawa huh?"

Ilang beses napakurap si Terrence dahil sa sinabi ko. Nakatingin lang siya na parang hindi nagsisink-in sa kanya ang nangyayari. Hindi siya nagsasalita bagkus nakatingin lang at naghahanap na pwede niyang sabihin.

"I'm sorry Aifha ,My mom needs me."

Napatulala na lang ako dahil sa binanggit niya. So si Tita Rhea na naman?

Kailangan din kita Terrence..

"Hindi ba kita kailangan huh?"now my voice cracked for a moment ,"Simple lang ang hinihingi ko ,mag update ka lang. Yon lang ang gusto ko ,pero hindi mo pa ginawa para sa akin."

Bigla nagsibagsakan ang mga luha ko dahil hindi ko na nakayanan ang sama ng loob na inipon ko sa dalawang linggo na dumaan.

"Naghintay lang ako sa wala Terrence! nagmukha lang ako tanga na nakatitig sa cellphone ko na nagbabakasaling may matanggap akong mensahe mula sayo!"

Pero ni isa wala akong natanggap! Pinamukha ko lang tanga ang sarili ko!

"I'm sorry..."he bowed his head while still holding his flower that he was supposed to give to me.

Walang emosyon ko pa rin siyang tinignan kahit sincere ang paghingi ng kanyang tawad. Hindi ko pa kayang tanggapin na lang agad ang sorry niya dahil sobrang sakit pa rin ang ginawa niya.

 The Thousand Of Ways (Reclamation Series #2)Where stories live. Discover now