Chapter 18

24 4 0
                                    

Chapter 18

"I'm tired na!"napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit na ng ulo ko. Di ko na kayang tapusin yung plates na ginagawa ko kaya dumiretso na ako sa kama ko para magpahinga ako.

It's almost 1AM in the morning at hanggang ngayon ay di pa rin ako natutulog dahil ginagawa kong plates. Balak ko pa naman sana tapusin pero talagang masakit na ang ulo ko kaya baka bukas ko na lang ipagpatuloy.

Ako lang ang mag isa dito sa condo ko dahil isang araw nang di natutulog si Terrence dito. Masyado siyang busy ngayon dahil sa internship kaya kahit makipagkita siya sa akin ng sandali ay di na niya magawa.

Naiintindihan ko naman dahil last year na niya to at sa susunod na taon ay ga-graduate na siya kaya tiisin ko na lang ang pagiging busy niya.

Unti unti na ako inaantok kaya di ko na nilabanan dahil gusto ko na rin matulog dahil pagod na rin ako sa araw na 'to.

"Bakit ganyan ang itsura mo?"napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Erich kaya nilingon ko siya. Kita ko sa mukha niya ang pagtataka ,"Wala ka bang tulog? Mukhang puyat na puyat ka?"

"Halata ba sa mukha ko?"tanong ko sa kanya kaya tumabi siya sa akin. Hinawakan niya ang mukha ko na parang sinusuri niya ,"Ano ba ginagawa mo?"

"Chinecheck ka lang! Para kasing...kailangan mo magpahinga..."she mumbled ,"Ano ba nangyayari sayo?"

I sighed before answering her ,"Wala lang 'to. Kulang pa kasi tulog kaya ganito. Tsaka magdamag ko din kasi iniisip si Terrence di pa kasi siya nagpapakita sa akin!"

"Alam mo sisigla ka lang kapag nakita mo na si Terrence!"sambit niya na may halong paninigurado ,"Tanging si Terrence lang ang cause of strength mo!"

Di ko mapigilan na mapairap sa kanya. Ang lakas ng tama!

"Manahimik ka nga! Mabuti pa ibili mo na lang muna ako ng tubig para may magawa ka naman sa akin..."peke akong ngumiti kaya napangiwi siya dahil doon.

"Inutusan mo pa ako—"sasagot pa sana siya na bigla ko na lang siya tinulak ng mahina para ibili na niya ako ng tubig. Ngumiti ako sa kanya kaya nakita ko ang pag irap niya ,"Fine ,fine! Wag kang aalis diyan. Hintayin mo ako!"

I nodded my head before she walk out. Nandito ako sa soccer field dahil gusto ko muna tumambay dito. Tinignan ko ang cellphone ko umaasa na baka may message na sa akin si Terrence but still wala pa rin.

Papatayin ko na sana ang cellphone ko na biglang tumunog naman kaya agad ko tinignan at halos mapangiti ako na makita ang pangalan ng taong hinihintay ko.

My love called me!

I immediately answer his call. I put my phone to my ear so I could hear his voice.

"Hello..."I couldn't help but smile when I heard his voice that I wanted to hear

"Hi love..."I said ,smiling.

"How are you?"he asked then I heard his sighed heavily ,"Ayos ka lang ba habang wala ako?"

I bit my lower lip ,"Ayos lang. How about you? Maayos lang ba ang tulog mo?"

Di siya nakasagot sa sinabi ko kaya nakaramdam ako ng pag alala na baka pinapabayaan niya ang sarili niya habang di ko siya nakakasama!

"Hey ,are you alright?"I asked.

"Yeah ,yeah I'm okay ,"he chuckled ,"Di maayos ang tulog ko dahil dami kong ginawa. But don't worry ayos lang ako wala ka dapat ikabahala."

"Okay ,"I sighed ,"But anyway ,I missed you so much.. Kailan ka ba uuwi? Sobrang miss na miss kita at gusto kong makasama na kita."

 The Thousand Of Ways (Reclamation Series #2)Where stories live. Discover now