Chapter 27

7 4 0
                                    

Chapter 27

Pagkarating namin agad sa ospital ay dali dali kami tumungo ni Terrence sa nurse station para tanungin kung nasaan ang si Tita Rhea. Agad naman sinabi ng nurse na nakaassign kung nasaan si Tita Rhea kaya dali dali kami umalis doon. Nasa fourth floor pa ang kwarto ni Tita Rhea kaya nandito kami ngayong dalawa ni Terrence sa loob ng elevator.

Lumingon ako sa kanya at bakas sa mukha niya ang pag alala dahil halos di siya mapakali at hindi alam ang gagawin. Magkahawak kami ng kamay at ramdam ko rin na namamawis na ang kamay niya pero hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko.

Dahil sa reaksyon ni Terrence hindi ko rin maiwasan na mag alala kay Tita Rhea. Kahit ganun ang pagtrato niya sa akin - nag aalala pa rin ako sa kung anong naging kalagayan niya.

Is she okay?

Nang mabuksan na ang elevator hindi na nagsayang pa ng panahon si Terrence ay dali dali na kaming lumabas sa elevator. Nagawa na nga namin tumakbo para mapuntahan na si Terrence. Napatigil lang kami sa pagtatakbo na makita namin si Ross na nakaupo sa bench at bakas sa mukha niya ang pag alala.

Nang aksidente mapatingin si Ross banda kay Terrence ay napatayo siya sa kanyang kinauupuan. Nabigla ako na bumitiw na si Terrence sa pagkakahawak niya at agad siyang tumakbo papalapit kay Ross. Napaawang ang labi ko na makitang niyakap ni Terrence si Ross ng umiiyak.

Napatulala na lang ako sa aking nakita.

"Where's my mom?"umalis sa pagkakayakap si Terrence at nakita ko pinunasan ni Ross ang kanyang luha sa kanyang pisngi ,"Is she okay?"

"H-hindi pa lumalabas ang doktor..."nangangatal ang boses ni Ross habang nakatingin siya kay Terrence. Aksidente napatingin si Ross sa akin at nakita ko ang gulat sa kanyang mata. Nagulat na lang ako sa ginawa niya na yumakap siya ng mahigpit kay Terrence ,"I'm afraid Terrence......h-hindi ko alam gagawin ko nung makita ang nangyari kay Tita...."

Nananatili lang ako nakatayo habang magkayakap ang dalawa. Wala akong lakas ng loob para lumapit sa kanya. Hindi ko alam ang aking gagawin sa oras na 'to dahil kahit mismong paa ko kusa na lang hindi gumagalaw.

"Hush Ross ,my mom is fine okay? Don't worry.."Terrence hugged Ross even more who was still crying in his chest. Because of that, I was able to move my foot back to get away from the two of them.

Hindi ko kayang makita ang ganitong sitwasyon....

Umatras ako ng umatras papalayo sa kanila hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha sa pisngi ko. Hindi na ako nagsayang pa ng panahon kundi tumakas sa kanila.

Hanggang sa nakapasok na ako sa elevator at sumisikip ang dibdib ko sa nakikita ko. Sana di na lang ako nagpumilit na sumama pa kung ito lang masasaksihan ko.

Umalis na ako sa ospital at nagtaxi na lang ako pauwi. Nagchat na ako sa Terrence na nauna na ako-dinahilan ko na lang na biglang sumama ang pakiramdam ko kaya umalis ako. Na totoo hindi ko kayang makitang magkasama silang dalawa.

Kinabukasan ,pumunta sa condo ko si Terrence at bakas sa kanyang mukha ang pagod dahil sa mapupungay niyang mga mata. Pinagpahinga ko muna sa kwarto ko si Terrence dahil sigurado akong hindi pa yon nakakatulog simula na tumungo siya sa ospital.

Saka ko na itanong kung ano ang kalagayan ni Tita Rhea kapag nagising na siya.

Pagkagising niya ay saktong naghahanda ako ng hapunan. Yumakap siya sa aking likuran habang hinihintay na maluto ang naisipan kong dinner. Nararamdaman ko ang hininga na tumatama sa aking leeg.

Lumingon ako sa kanya at napangiti ako na gulo gulo ang kanyang buhok. Talagang kakagising niya talaga dahil ganitong ganito itsura niya kapag nagigising siya.

 The Thousand Of Ways (Reclamation Series #2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin