Chapter 13

26 4 0
                                    

Chapter 13

Ilang araw na ang nakalipas simula na makaharap ko si Ross at di na ulit siya nagpakita samin ni Terrence pagkatapos na mangyari yon. Kaya napanatag ang loob ko dahil wala pa siyang balak para manggulo saming dalawa.

Di man naging maganda ang timpla ko nung araw na yon nagawa ko pa ring hindi ipakita kay Terrence na naapektuhan ako sa mga pinagsasabi ni Ross sa akin.

Ayoko na mag alala pa siya sa akin dahil sa pagsasalita sa akin ng masama ni Ross sa akin. After all ,he defended me from his ex girlfriend so I can say that he didn't let me down because that's when I realized that he treated Ross differently.

"Sorry love kung ngayon lang ako ulit nakadalaw sa condo mo ,"he apologized to me before he kissed me on the forehead.

I smiled a bit. Mukhang kakauwi niya lang ngayon dahil kagabi di siya nakauwi sa condo niya dahil nagpalipas siya ng gabi sa bahay nila.

"Okay lang ,"I smiled ,"Kumain ka na ba? Nagluto ako ng tanghalian. Tara na sa dining area."hinawakan ko na ang kamay niya para tumungo na kami sa dining area.

May dala pa siyang bag kaya nilagay niya muna yon sa sofa saka ulit kami dumiretso sa dining area para makakain na. Buti nga lang nagtext siya sa akin bago ako nagluto ng tanghalian.

"Kumusta ang luto ko? Ayos lang ba?"tanong ko sa kanya habang tinititigan ko siyang kumain.

Hinihintay ko siya para magsalita dahil gusto ko malaman sa kanya kung ayos lang ba yung niluluto ko. Di ko pa masyado gamay ang sinigang kaya gusto ko itanong sa kanya. Although ,natikman ko naman at parang sakto naman yung nagawa ko pero mas gusto ko kasi Terrence ang humusga ng luto ko dahil siya lang ang kilala kong magaling magluto sa larangan ng pagkain.

"It's good ,"he commented then show his thumb up sign ,"Di ko inaakalang sinigang ang lulutuin mo ngayon. As for as I know ,di mo pa ito gaano gamay lutuin."

I chuckled ,"Well ,I guess nag iimprove na ako sa pagluluto?"

Madalas kasi ako nagpapaturo na magluto lalo na't kapag specialty niya. Gusto ko kasi matuto para hindi puro siya ang nagluluto samin - gusto kong paglutuan siya ng ibang putahe na alam kong magugustuhan niya rin.

He smiled ,"Yes love ,kapag may free time ako tuturuan pa kita ng ibang putahe na alam ko para maging familiar ka sa ibang filipino dish. Madali ka naman matuto kaya di madali ka lang turuan."

"Gusto ko sanang yung mahirap ha para ma-challenge ako!"sabi ko sa kanya kaya mahina siyang natawa. Damn ,kahit sa pagtawa niya ang pogi niya pa rin.

"Well okay..."he grinned to me before continued eating.

Natapos din naman kami kumain kaya tinulungan ako ni Terrence para iligpit ang pinagkainan naming dalawa. Siya na rin ang nag-prisintang maghugas ng pinggan dahil alam niyang pagod na ako sa ginagawa ko dito dahil ako ang nagluto ng tanghalian. Di na ako nakipagtalo sa kanya dahil di uso kay Terrence na makipagtalo sa akin.

Tinignan ko na lang siya na maghugas ng pinggan. Nakasuot siya ng apron kaya wala sa lugar na napangiti ako dahil di ko ineexpect na bibigay ng tadhana sa akin ang ganitong klaseng lalaki. He's a husband material for real! And sa tingin ko maraming babae ang magugustuhan siya dahil sa katangian na pinapakita niya.

Siguro sa mga kaklase niya pa lang baka marami nagkakagusto sa kanya dahil sa lakas din ng appeal niya. Sabi rin sa akin ni Claude na marami talagang may gusto kay Terrence sa ka-block nila dahil sa pagiging gentleman niya sa mga babae. Di rin daw siya mahilig makipag away dahil wala daw yun sa ugali ni Terrence. Palagi din daw siya puring-puri ng mga professor nila dahil sa pagiging mataas na marka kaya di ko maiwasan na purihin siya dahil sa mga pinakita niyang katangian.

 The Thousand Of Ways (Reclamation Series #2)Where stories live. Discover now