Chapter 26

16 3 0
                                    

Chapter 26

Naging maayos ang relasyon namin ni Terrence sa nakalipas na buwan. Madalas na rin siya nasa condo niya kaya madalas na rin kami nagkita. Kapag umuuwi na siya - todo asikaso ako sa kanya. Hindi ko makausap din si Terrence kapag galing siya sa trabaho dahil pagod na pagod na siya at dumidiretso siya sa kwarto para matulog na. Bumabawi naman siya sa akin kinabukasan dahil siya ang nag aasikaso ng agahan namin kaya napapangiti na lang ako habang ginagawa niya yon.

Simula din nun di na kami nagkaroon pa ng matinding ayaw. Minsan nang-gugulo si Ross kay Terrence pero agad din naman niyang tinataboy lalo na kapag wala naman silang dapat pag usapan. Sinabi na rin ni Terrence na wala dapat sila pag usapan ni Ross lalo na't wala naman sila sa harap ng camera o sa pamilya ni Ross dahil doon lang sila nagkakasama.

Nakita ko rin ang pagkadismaya ni Ross nang tinaboy siya ni Terrence. Hindi niya siguro inaasahan na ganun ang gagawin sa kanya.

Nung buwan na rin yon ilap pa rin si Erich kay Terrence nang magkita kami. Galing siya sa trabaho nun kaya nagpakita ako sa kanya noon. Habang nasa coffee shop kami naging awkward ang pagitan nila dahil walang gustong magsalita sa kanila.

Hindi ko tuloy ang alam kung ano ang iniisip ni Erich sa oras na yon. Kung hanggang ngayon pa ba nadidismaya pa rin siya kay Terrence?

Na hanggang ngayon hindi pa rin ako bumibitiw sa relasyon namin. Ewan ko.

Pagkatapos rin nun ay hinatid na rin naman pauwi si Erich. Tahimik lang kami sa loob ng kotse at pa minsan minsan ay napapalingon ako kay Erich kung ano ginagawa niya. Napabuntong hininga na lang ako na mapansing ang tingin niya ay nasa labas at mukhang malalim ang iniisip.

Napansin ko rin si Terrence na napapatingin siya sa rearview mirror upang tingnan si Erich. Sa tingin ko nagtataka na rin siya kung bakit sobrang tahimik ni Erich na kilala naman niya bilang pasimuno sa kaingayan.

"Salamat sa paghatid ,"Erich mumbled while she smiled to me.

Nang makababa na kami ay doon lang kumibo si Erich. Ako lang ang tinignan niya -di man lang niya tinapunan ng tingin si Terrence na nasa tabi ko lang naman.

I smiled back ,"Of course."

Niyakap niya muna ako ng mahigpit bago niya napagdesisyonang pumasok na sa kanyang bahay. Until now ,nakatira pa rin siya sa kanyang magulang since wala siyang balak humiwalay kaya nasa poder pa rin siya ng magulang niya.

Nang makita kong pumasok na si Erich saka ko tinignan si Terrence. Nahuli kong nakatingin siya habang kunot ang kanyang noo.

"What's wrong?"I asked curiousity.

"Nothing ,"he answered ,"Nagtataka lang ako sa kinikilos ni Erich."

Sabi ko na nga ba mahahalata niya yung kinikilos ngayon ni Erich.

Hinawakan ko ang kamay ni Terrence kaya napatingin siya doon. Tipid akong ngumiti sa kanya habang tinitignan ko siya.

"Baka...pagod lang si Erich sa trabaho kaya ganun na lang siya ka-tahimik."pampalubag loob na sabi ko na agad naman siya tumango.

Hindi ko din alam kung pagod lang ba siya o talagang iniiwasan niya si Terrence!

Nung araw na rin yon agad na rin kami umalis doon para umuwi at makapagpahinga na.

 The Thousand Of Ways (Reclamation Series #2)Where stories live. Discover now