Gregory Troye Excerpt

33K 1K 209
                                    

Part po ito ng Gregory Troye, so if bet basahin, lipat kayo roon hehe...

TITLE: GREGORY TROYE

STORY LINK: https://www.wattpad.com/story/201754152-gregory-troye

♡♡♡


Para sa isang romantic novel writer, hindi nawawala sa kanya ang paghahalo ng ibang genre sa isinusulat niya, at halos lahat ay for New Adult o Adult fiction at hindi pambata. Unfortunately, kung ano pa ang forte niya, iyon pa ang kinaiinisan ng fiancée niya. At pinaninindigan ni Eunice ang pagiging allergic nito sa erotica at romance kahit na favorite author siya nito. Wala tuloy siyang ibang magagawa kundi bigyan ito ng mabilisang explanation sa mga bagay na kinabi-bitter-an ng babaeng kaharap niya ngayon.

"I really find this shotgun writing workshop amusing, GT," sabi ni Eunice habang nakatingin sa kanya at kinukuyakoy ang paa. Nakaupo kasi ito sa kitchen counter at pinanonood siyang magtimpla ng pineapple juice. "Kaya ka ba nagtitimpla ng pineapple juice, kasi para matamis yung . . . ?"

Napatayo tuloy siya nang deretso at puno ng katanungan ang tingin niya nang salubungin ang nakangising si Eunice. "Babe, nagtitimpla ako ng pineapple juice kasi ito lang ang available sa ref ko ngayon. Kung may apple diyan, apple ang titimplahin ko. And besides, ikaw ang nag-request nito kanina pang umaga, hindi ako."

"Ay, ako ba? Hahaha! Sorry, nakalimutan ko. Ako pala ang iinom niyan, hindi ikaw."

Magmula nang ipakilala niya ang sarili sa mga magulang ni Eunice, kuwestiyunin ang pagiging missing in action niya nang isang buong taon, 'tapos biglang nagbalik siya para mag-propose sa bunso ng mga Riodova, doon lang niya na-realize kung gaano kalakas ang tama ni Eunice kapag naging ka-close na.

Masungit lang sa umpisa, kapag tumagal-tagal, siya na ang nagsusungit dahil sa ugali nito. At tama nga ang sinabi ni Daddy Edgardo niya, "'Nak, magiging sakit ng ulo mo rin 'yan si Eunice. Pakihabaan na lang ang pasensiya."

Nang matapos, iniabot na rin niya ang isang baso kay Eunice at siya naman ang sumandal sa mesa habang nakaharap dito.

"Ang weird ng personal mentoring with Gregory Troye 'tapos may actual demo hahaha!" natatawang sinabi ni Eunice bago humigop nang kaunti sa hawak na juice.

Isang taon mahigit na rin ang lumipas mula noong una silang magkasama sa iisang project, nadagdagan pa lalo ang timbang si Eunice. Hindi mataba pero hindi rin payat. Tama lang para makitang may laman ang katawan. Gawa ng masaya sa buhay sa loob ng isang taon, naalagaan na ang sarili, at napadalas ang eat out kasama ang mga taga-DCE.

Malamang na may kagagawan si Karen dahil isa rin ito sa nadagdagan nang sobra ang timbang. Umabot na rin hanggang baywang ang buhok ni Eunice at kinulayan ng brown at highlights. At alam niyang sponsored iyon ni Carmela dahil ito lang naman ang mahilig kulayan ang buhok na talo pa ang unicorn.

Ang hindi lang nagbago rito ay ang hilig nito sa T-shirt at shorts. Ngayon, ginagawa pang dress ang mga damit na nasa closet niya dahil sa laki ng height difference nilang dalawa.

Nakatitig lang siya kay Eunice. Iniisip na sa itinagal-tagal ng paghabol niya rito, parang isang panaginip lang na papayag itong pakasalan siya. Gaya nga sa favorite song niya: "Parang isang panaginip ang muling napagbigyan."

"GT, wait," sabi ni Eunice na kinukunutan na siya ng noo. "Ngayon ko lang napansin . . . parang familiar ka."

Napaatras tuloy siya dahil doon at napaayos ng suot na salamin na sobrang kapal. "Familiar ka rin, babe. Have we met before? Like . . . last year?" biro niya rito.

The F- BuddiesWhere stories live. Discover now