20. #DatingTheIcePrincess lol

31K 1.4K 571
                                    

I know some stories do this changing-of-aura shiz to heighten the tension between two opposing forces, but I didn't expect na kaya pala 'yong gawin ni Vincent dahil lang ayoko siyang sundin sa gusto niya. From playful side, naging serious mode na siya. And he looked at me straight in the eye habang naghihintay ng sasabihin ko.

E ano pa nga ba'ng magagawa ko? I told him what needs to be told.

Justin and I met during our college years. Mas matanda lang si Justin nang two years sa akin at freshman ako noong nanligaw siya. Graduating naman siya ng college noon. I wasn't sure if isa ako sa napagtripang freshie ng mga tropa niya before kaya ako ang napili para pormahan niya. I already expected na dare iyon kasi nga they wanted to hit on some new studes before they graduate. Nataon lang na nalaman kong iba pala dapat ang popormahan niya. Siya lang ang pumilit na ako ang ligawan kasi pansinin daw ako (sabi niya). But I doubt that.

First boyfriend ko si Justin. Nanligaw siya nang three days lang tapos sinagot ko agad pero binawi ko rin. Sabi ko, para lang matapos na ang dare nila ng tropa niya at manalo siya. He won naman kasi nga I said yes 'tapos hindi na siya nagparamdam after that.

I thought that was the end of our story, pero working na siya sa telecom company as chat support noong nag-chat siya ulit sa akin para manligaw nang seryoso. No more dare that time, free will na. Graduating na nga ako at nag-o-OJT sa company nila mismo bilang taga-photocopy, taga-file, at tagabili ng meryenda ng mga employee. I didn't see the relation of my course sa pagbili ng meryenda kaya sinubukan kong i-connect. Ako ang nagbenta ng meryendang binibili ko lang dati na ginawa ko ring subject for my final thesis and business plan. Doon ko nga lang din nalaman na nasa iisang kompanya lang pala kami at isa pala siya sa umo-order ng ginagawa ko.

Pagka-graduate ko, we started dating. 22 na ako noon. Nagpakilala naman siya sa parents ko after two years. Naging official kami noong 24 na ako. Though, I didn't get a chance to meet his parents and whole family kasi nasa Canada, aside kay Jericho na nakausap ko lang noong nag-swimming sila sa Dasma at sapilitan akong isinama ni Justin.

Doon sa swimming ko rin nakilala si Shanaya—na, I think, hindi pa sila ni Jericho that time. Sobrang ganda niya kasi talaga. And noong nagtabi kami, para lang akong younger sister niya 'tapos hanggang kili-kili lang niya ang height ko. Ang kinis pa ng balat niya. Makinis din naman ang akin, pero kasi yung balat niya, parang times three na makinis. Parang walang balahibo. 'Tapos sobrang slim niya kahit matangkad siya. Ang aura niya, pang-beauty queen talaga. Naka-chin up siya palagi at ang ganda ng posture kahit tumatambay lang sa gilid ng cottage. Tipong kapag mukha kang isinumpa ng kapalaran, mahihiya ka na lang tumabi sa kanya.

She hugged Justin more than she should every time na nagjo-joke siya 'tapos waley. Si Justin ang sumasalo for her. Kahit ang tawa niya, ang ganda rin, unlike my laugh na tunog tiyanak. Super close sila and never kong nakita si Justin na sobrang saya kapag magkasama kami—doon lang talaga sa kanila. Kaya nagtago ako somewhere sa dulo ng resort, doon sa may tindahan ng mga pagkain 'tapos mag-isa akong uminom ng Yakult kasi hindi talaga ako umiinom ng alak. Nagalit si Justin sa akin, kasi akala niya, umuwi na akong mag-isa. Hanap daw sila nang hanap sa akin, akala nawawala na ako.

Kaya mula noon, hindi na ako sumama sa mga lakad nila ng mga kaibigan niya kasi sobrang na-o-OP ako.

"Wait!" pagputol ni GT sa mga sinasabi ko. "Babe, ang sabi ko, love story mo, hindi mga drama mo. Hindi nakaka-in love ang story mo at ng boyfriend mo."

Inirapan ko lang siya bago ko pinagkrus ang mga braso ko. "Ano'ng sasabihin ko sa iyo e kapag lumalabas lang naman kami ni Justin, madalas, kain-lakad lang. Sa bahay ko naman, natutulog lang siya."

"'Yon na ang quality time n'yo?"

"Oo."

Hindi siya agad nagsalita. Tiningnan lang niya ako nang walang pahiwatig 'tapos kinuha niya ang phone niya.

The F- BuddiesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant