26. Brainstorming

31.7K 1.1K 126
                                    

Boss Ayen knew how I work. Ako ang nampe-pressure sa tao at hindi ibang tao ang nampe-pressure sa akin. Kaya nga nakaka-bad-trip talaga na halos kontrolin ako ni GT sa halos lahat ng ginagawa ko as if I were a kid who needs intensive care or else I would fuck everything up.

Wala pang six nang maghanda ako ng breakfast. A little talk with Dad and Mom, and hindi na sila nagtanong kung si Justin na naman ba ang kasama ko today. Instead, I received a "Susunduin ka ba ulit ng boss mo, 'nak?"

"Yes, Dad," I answered in my most tiring tone. "Baka whole day akong wala today. May ira-rush kaming research."

"Tama lang 'yan, para hindi ka laging nakakulong sa bahay mo, Eunice. Bihira ka lang madampian ng init ng araw."

I wasn't sure if they were supporting me with my so-called new job or what. Nevertheless, it was favorable sa part ko.

Nakarinig kami ng busina sa labas ng bahay then a loud shout saying "Papasok na po ako, Daddy!"

Hindi ko talaga alam kung saan kumukuha ng kapal ng mukha 'to si GT e. Iba rin!

May bakod at gate ang bahay ng parents ko, but not the kind of fence na pang-maximum security compound. Four feet tall lang at planks pa. Kayang-kayang talunin ng kahit sinong magnanakaw. But exclusive naman kasi ang subdivision namin kaya display lang ang bakod. Ang bahay kasi mismo ang maraming lock. Sa tagal na naming nakatira dito, never pa kaming na-akyat-bahay—aside from my occasional attempt to get some food from my parent's kitchen. Ako lang yata ang akyat-bahay sa subdivision namin. Anyway, alam na agad ni Vincent na nasa dining room kami. May dala siyang pancakes at isang box ng green tea.

"Good morning, Daddy! Good morning, Mommy!"

Ang cringe tingnan na nakiki-parents siya sa parents ko. Wala ba siyang magulang?

"Dad, ako na lang po ang mag-uuwi kay Eunice mamayang gabi. May research kaming gagawin sa E. Rodriguez. I'll update you po, you have my number naman." Then he smiled as if he were their son asking for permission na sumama sa kaibigan niya.

"Sige, hijo, no problem," sagot ni Daddy.

"Kapagka pinasakit ni Eunice ang ulo mo, magsabi ka agad, ha?" dagdag pa ni Mommy. "Ako papalo diyan para magtanda."

Really? It took Justin a lot of time to get my parents' approval to let me go out with him. 'Tapos si GT, tamang ngiti lang, oo na agad? May gayuma bang pinainom ito sa parents ko para makuha ang loob nila?

Seven sharp, umalis na kami ng bahay. GT was wearing this folded long-sleeved navy blue button-down shirt, black pants na paired sa black leather shoes, and a nice wristwatch. He looked like a real boss. And . . . yeah, I was wearing a T-shirt na may One Piece print sa harap, and jeans, plus white runners, and backpack. Mukha lang akong papasok sa school, kulang na lang ng ID.

Seven in the morning wasn't a good time to travel kung may pasok ka nang maaga. But in our case, wala namang issue roon aside sa aksaya sa gas ang traffic lalo na sa kahabaan ng Fairlane.

At mukhang hindi pa nagbe-breakfast si GT dahil doon na siya sa kotse kumain. Tahimik lang siya, himala. Hindi siya maingay, walang dinadaldal. O baka dahil kumakain siya. But I doubt that. E kahit pa puno ang bibig niya, kaya pa rin niyang magkuwento e.

Nakabukas naman ang music player niya, tumutugtog ang isang OPM song. Ilang OPM lang ang alam ko, and I wasn't familiar sa naririnig ko.

"Parang isang panaginip ang muling mapagbigyan. Tayo'y muling magkasama, ang dati ay balewala . . ."

Parang ang lungkot ng kanta para sa umaga.

"O kaytagal kitang hinintay. O kay tagalkitang hinintay . . ."

The F- BuddiesΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα