11. Marupok

42.4K 1.1K 558
                                    

Kinuha ni Richard ang pulsuhan ni Amy subalit tinabig lang nito ang kanyang kamay. Larawan ng pighati ang nakaukit sa kanyang mga mata habang nanghihingi ng pabor sa pagkakataon.

"Uuwi na tayo, sa ayaw o sa gusto mo."

"Richard, wala na tayong uuwian." Tumalikod si Amy upang bumalik sa casang pinanggalingan. "At higit sa lahat, wala nang tayo. Pag-aari na ako ng iba bago ka pa dumating sa buhay ko, sana isipin mo iyan!"

Kinagat ni Richard ang labi at hinigit ang braso ni Amy upang katagpuin ang nanunubig na mata ng minamahal. "Pag-aari ka ng iba?" Tumawa nang mapait ang lalaki. "Pero asawa na kita." Marahas niyang inilapit ang kabiyak upang harapin siya nito. "Asawa kita, narinig mo?" Tiningnan niya nang deretso, mata sa mata, si Amy nang may poot at pagmamakaawa. "Asawa kita at akin ka na! Wala akong pakialam kung sinong demonyo pa ang nagmamay-ari sa iyo noon pero akin ka na ngayon! Simula nang ikasal tayo, kadikit na ng pangalan mo ang apelyido ko! At hangga't pangalan ko ang ginagamit mo! Akin ka lang hanggang sa araw ng kamatayan mo!"



"Bakla! Naloloka ako!"

Punyeta. Sino ba 'yang maingay na 'yan?

Kaya nga ako nagkulong dito sa toilet cubicle e para tahimik ang mundo ko at nakakapag-type ako ng entry ko nang matiwasay 'tapos may maingay?

"'Te, bunganga mo, 'te!" saway pa ng isa. Letse, sino ba 'tong mga 'to? Me-memo-han ko talaga 'to.

"Baks! Nag-backout daw si Boss Niz as judge doon sa writing contest ni Sir GT!"

Itutuloy ko na sana ang pagta-type ko sa phone kaso narinig ko ang pangalan ko.

"Kinalaman mo roon, 'te?"

"Baks, kinuha akong judge ni Boss Karen! Kaloka!"

"'La! Sana all."

"Anong 'Sana all' ka diyan? 'Te, sabi niya, sasali raw si Boss Niz. Anonymous entry niya, uy! Hanapin daw namin. Putang ina, bakla, baka i-bash ako n'on sa FB kapag hindi ko napili ang entry niya!"

"Gagi, 'te, good luck hahaha!"

"'Ina mo, baks, magre-resign ako kapag binash niya talaga ako, sinasabi ko sa 'yo."

"Grabe, resign agad, 'te? GG?"

"Wala pa akong nababasang gawa ni Boss Niz, bakla! Nagsusulat ba siya? Akala ko, editor lang siya."

"'Te, writer 'yon dati. May copy nga ako ng libro niya."

"Hindi nga? Hindi ko alam! Pabasa nga. Kinakabahan talaga ako, bakla. Bigay mo agad bukas, ha! Bukas din kasi siya magpapasa. 'Tapos kapag—"

Hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya at lumabas na ako sa cubicle kung nasaan ako nakatago. Tiningnan ko ang nag-uusap. Mga specialist pala ni Boss Armie. Kulang na lang, humiwalay ang panga ng isa pagkakita sa akin habang masama ang tingin ko sa kanya.

"Pakilakasan, ha? Hindi pa rinig ng buong Metro Manila," sermon ko sabay irap sa kanila.

Ayoko talaga ng tsismisan sa restroom bilang disturbance ng current action dahil sobrang gasgas ng eavesdropping-sa-restroom scene para mag-reveal ng something shocking. Pero bakit naman kasi talaga ang daming tsismisang nabubuo sa restroom? May scientific explanation ba rito sa phenomenon na ito?

Pagtapak ko ulit sa floor ng office, ang ganda na ng sinag ng sunset sa glass window 'tapos ang lamig pa gawa ng hangin at air con. Yung office namin, parang nagta-transform bilang dating area. Rooftop garden feels. Siguro, kung hindi nakuha ng Dream Catchers itong skyview, malamang na SB o kaya Coffee Bean ang kukuha nito dahil sa ambience.

The F- BuddiesWhere stories live. Discover now