32. Walwalan Time

30.5K 1K 228
                                    

Five in the afternoon wasn't the best time to travel to Manila. It would take us at least an hour or two to survive the supposed-to-be fifteen-minute drive starting from UN Avenue up to España Tower.

GT didn't care to talk while driving. Medyo weird kasi nga nasanay akong maingay siya. Hindi na tuloy ako sigurado kung malalim lang ba ang iniisip niya o nagpo-formulate siya ng scene sa utak. Ang weird ng ganitong moment niya. Parang may DID.

Well, sa case naman kasi niya, I understand naman. Walang pinipiling oras ang ideas. Kahit nasa kalagitnaan ng gabi, kapag nakaisip ng puwedeng isulat, magsusulat at magsusulat talaga.

Nasa Maceda na kami nang mag-check ako ng phone. I was expecting for Justin's message pero wala, kahit na dapat e kanina pa siya nag-text dahil four naman ang labas nila sa work.

Eunice:

Love, nag-OT ba kayo?

While waiting for his reply, I checked my FB account at ang unang-unang bumungad sa newsfeed ko ay yung post ni GT. Halos lumuwa ang mata ko kasi ako ang nasa picture kahit hindi ako naka-tag!

Or . . . hindi naman halatang ako kasi nakatalikod ako habang nagta-type. Ito yung naka-Indian sit ako sa kama, nakataas sa magkabilang balikat ang magkabilang manggas na parang naghahanap ng away, at magulong nakapusod ang buhok.

Ito yung matapos niya akong "parusahan" kasi nga ang kulit ko "raw," so I typed the emotions immediately habang fresh pa ang shock ko sa katawan. Utos niya e.

Hindi ko alam kung matatawa ako o sisimangot sa caption.

Got a long list of ex-lovers, they'll tell you I'm insane.

But I've got a blank space, baby, and I'll write your name.

− Taylor Swift.

Ako na yang hindi nakapagsulat. Ang daya.

She took my hea—writing pace LMAO

#SoCleanSoGood

#INeedCharactersName

#MagsusulatOrNot

#CuteNiya

#LightsOff

Bakit ang hilig ni GT sa sobrang daming hashtag?

Nag-check ako ng comments.

Kuya Beans Baket May Motel Line?

kyaaaah! add mo na ko kyaaaahhhh!

Kuya beans kelan tayo magdedate?

kuya beans may gf ka na ba pag wala ako nalang!

Idol Beans ako nalang! sana ako nalang ulet! charot! pa add nako kuya

Nag-haha react na lang ako 'tapos nag-scroll down at nakita ko na naman ang isa niyang post after ng ilang page updates.

"Sana bukas paggising mo, mahal mo na ako."

Tse! Kalalaking tao, ang drama. Pero grabe ang comments. Ang nakakainis, nagdagsaan ang mga isda sa pain niya.

Grabe, wala pang three hours ang post, naka-four thousand comments na at sobrang dami ng share and reactions. Peymus.

Vincent! Mahal Na Kita Kahit Di Pa Ko Natutulog!

Kuya Beans ako ba to?

AYLABYU KOYA BEANS ❤❤

Kuyaaaa ❤❤

The F- BuddiesOnde histórias criam vida. Descubra agora