Officially His

35.4K 1.3K 655
                                    

"KAILAN KA ba mag-aasawa?"  

If there's a question in the world that I really don't expect to hear after what happened to me last year, that's it. Hindi ko inaasahang itatanong 'yan ni Mommy na parang kampanteng-kampante siya that I will have a husband sooner than expected.

"Wala pa bang nagpo-propose sa 'yo?"

And if there's another question that I don't know how to answer, like . . . how did you say so, Mom? That's it.

"Mom, are you sure about me having a husband?"

My mother's 62nd birthday was last week, and she absolutely enjoyed the chocolate cake na naabutan ko pag-uwi galing work. Ang dami tuloy cake sa bahay kasi bumili pa 'ko ng mocha para kay Daddy. And she really wished for me to have a man in my life after I broke up with Justin a year ago. I questioned why she had to wish for me. Sana for good health na lang nila ni Daddy. Sabi naman niya, happy na raw sila ni Daddy kaya happiness ko naman daw ang gusto niyang makita. E malay ko bang malakas siya kay Lord.

One year ko ring in-enjoy ang pagiging single, and last night was unexpected talaga after I read The F— Buddies' excerpt.

"Saglit!" Sabay kaming napahinto ni Daddy sa pagsubo nang pandilatan ni Mommy ang kamay kong papasubo ng bacon. Imbis na maisubo ko ang kinakain ko, bigla niyang inagaw ang kamay ko at sumambulat sa hangin yung bacon habang tinititigang maigi yung singsing na nakasuot sa 'kin.

"DADDY!"

"Mom—aray!" Halos masubsob ako sa mesa kasi kung makahatak si Mommy sa kamay ko, parang hindi nakadikit sa katawan ko yung hinahatak niya.

Hindi naman sa nagmamalaki, pero kasi, nag-propose lang naman si Gregory Troye sa 'kin last night. Or si Vincent Gregorio, actually speaking.

After a year na halos kabisaduhin ko sa utak ko araw-araw yung apology speech ko kasi akala ko, galit si Vincent sa 'kin, malaman-laman ko lang na kaya pala siya hindi nagpapakita sa 'kin e dahil tinatapos niya yung The F— Buddies nang di ko alam. At kaya niya ayaw ipaalam, kasi yung marriage proposal niya, nasa libro mismo nakalagay.

Nakakakilig na nakakahiya! Buong novel, dedicated sa 'kin! At ako pala yung nasa book cover na siya mismo ang kumuha noong book fair, panay pa ang lait ko! Letsugas lang. At pumunta pala siya that day! He even had his book signing unannounced sa ibang room at hindi sa hall ng GFP! Nakakainis talaga siya, as in!

"Anak! Diamond ring! Diyos ko, Lord, ang bait mo talaga sa 'kin!" Pinupog ako ng halik ni Mommy pagkatapos niyang magpasalamat kay Papa God nang bonggang-bongga.

Yeah, it was a diamond ring na mataas ang carat. Napakagalante ni Vincent. Parang ang hirap paniwalaang nag-e-exist pala talaga siya, tapos ako ang mapalad na napili. Ganda ko rin e, 'no?

"'Nak, kailan mo natanggap 'yan?" usisa ni Daddy. Natigilan tuloy si Mommy at doon lang siya nag-react.

"Oo nga, Eunice. Matagal na ba 'yan? Bakit di mo sinasabi?"

"Mom . . ." Napakamot tuloy ako ng ulo sa sinabi ni Mommy. "Kagabi lang kasi—"

"Hi, Mommy! Hi, Daddy! Papasok na po ako!"

Ang nice naman talaga ng timing, oo! Naka-on cue?

"O, nandito na yata," sabi pa ni Daddy. At bago pa 'ko makapagtanong tungkol sa sinabi niya, sumulpot na si Vincent sa pinto ng kusina at nakangiting binati kami.

"Good morning po!"

"O! 'Nak, kain ka," aya ni Daddy.

Tumawa lang nang mahina si Vincent at inilapag sa mesa yung mga dala niya.

The F- BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon