4. The Project

70.8K 1.5K 291
                                    

"Bad mood ka yata?"

Iyan ang pambungad na pambungad sa akin ni Boss Armie pagpasok niya sa cubicle slash mini office ko.

Kung all-black palagi ang theme ko, para naman siyang walking rainbow kasi never ko siyang nakitang nagsuot ng plain-colored theme mula sa buhok hanggang damit at footwear. At mukha siyang colorful marshmallow ngayon.

"I'm not, boss," katwiran ko na lang at nagdadabog na ibinaba sa mesa ang three-page feedback para sa pinatse-checkup niyang published book for almost-near nationwide releasing.

"Masakit ba sa ulo yung book?" tanong niya habang nakangiwi.

Ang totoo, naiinis ako roon sa new guy na wala akong idea at kay Justin. Pero sige, para valid ang reason dahil masyadong personal ang issue ko, ibunton natin ang sisi sa librong masakit naman talaga sa ulo basahin.

"They're going to release a headache again." Halos panggigilan ko ang salita ko. "First chapter pa lang, may plot error na. Romance 'yan, right? Ang simple-simple na nga lang ng outline, hindi pa napanindigan! Bakit hinayaan nilang ganiyan na hindi developed ang plot and characters? Minadali ba?"

Napasandal sa hamba ng glass wall si Boss Armie habang naghihimas ng sentido. "Kailangan nilang umabot sa printing."

"Na naman? Binigyan ng mahabang oras si Christina para ayusin yung novel niya, di ba? Inasa na naman kanino?"

"Niz, walang puwedeng mag-ghostwrite sa kanila. Alam mo naman ang process sa kanila, di ba?"

"E di sana, nag-hire muna ng manuscript critic o kaya beta reader bago ipinasa sa editorial. Ni hindi man lang nag-provide ng feedback. Kung ano ang maisulat, 'yon na lang. Sana ginawan din ng paraan ni author. Story niya 'to, dapat alam niya kung ano'ng dapat gawin. Boss, dapat pinaa-attend muna ng workshop 'yang mga 'yan kung hindi kayang mag-take ng creative writing. Kahit alamin man lang yung basic!"

"I'll tell Oliver about this," sabi ni Boss Armie at kinuha na ang document sa table ko. "Wala na rin naman na silang choice. Ire-release na."

Hindi na ako umimik. That was the point e. Ire-release na. For distribution na at ilang araw na lang 'yon. 'Tapos kapag nakita na naman ng mga buyer yung book, sasabihin na naman, low quality. Sila ang sumisira ng pangalan nila.

"Anyway, have you seen Vincent? He's our new member and your new editorial associate."

"Vincent who? The new guy?"

"Yes. Do you like him? Si Karen ang pumili sa kanya. Galing siya sa kabilang publishing house." May inilapag na bagong folder si Boss Armie sa table ko na sinulyapan ko lang.

"Bakit lumipat dito?" tanong ko.

"Ask Karen. Writer naman siya. He knows what he's doing. He's on your level, don't worry." Saka niya ako kinindatan.

"What's this, Boss?" tanong ko habang itinataas ang folder na inilagay niya sa table ko.

"That's our new project."

"Sino'ng author?"

"Ask Vincent. He knows."

Tinaasan ko lang ng kilay ang sinabi ni Boss Armie bago siya umalis. At ako pa ang magtatanong sa bagong dating? Ako ang dapat unang nakakaalam ng projects namin 'tapos wala akong alam? Ibang klase, ha.

Binasa ko pa ang front page para malaman kung tungkol saan ang project.

"The F— Buddies?"

What's this? Erotica? At bakit walang author? Joke ba 'to?

Ipinatawag ko yung bagong member ng team. Nakangiti lang siya nang dere-deretsong umupo sa upuang katapat ng mesa ko kahit hindi ko pa inaalok.

May manners ba 'tong taong 'to?

The F- BuddiesWhere stories live. Discover now