30. So Real, So Good

29.7K 1K 205
                                    

Honestly speaking, I have never attempted to stay in a motel, ever in my entire life. Other hotels, yes, kapag vacation, but not motels. Ang hindi ko lang malaman kay GT, sa dinami-rami ng hotel sa Pilipinas na puwedeng pagdalhan sa akin, sa motel pa.

Hindi naman sa sinasabi kong cheap sa ganitong lugar kasi may two-star rating naman, pero kasi . . . motel? For real?

Pumunta kami somewhere in Madre Ignacia. Sumaglit kami ng bisita sa Luneta. He said we'd look around, observe, 'tapos umalis din kami. Hindi naman sobrang layo ng Luneta sa Manila Zoo. Kasabayan namin ang mga jeep papuntang Harrison Plaza.

Gusto ko ngang aluking mag-Heritage o kaya Okada Manila. Gastos ko pa. Pero wala e, motel ang nais.

Pagka-park namin sa loob, dumeretso kami sa front office. Medyo weird, kasi ang alam ko, dapat nasa loob ng building ang front office, pero para lang 'yong building na naka-separate sa mga room.

"One executive suite, please," narinig kong sinabi ni GT habang nililibot ko ng tingin ang paligid.

Para kaming nasa compound na mukhang village na Japanese-themed casa. Red and yellow naman talaga ang color combo nitong motel, pero mas na-feel ko lang na Japanese place nga ang napasukan namin dahil sa mga lantern na nakasampay sa ibabaw namin hanggang sa main building nila for rooms. 'Tapos yang structure pa ng buildings, ang lakas maka-Japan.

"May ID po si ma'am?"

"Para saan?" tanong ko agad kasi si GT naman ang nagla-log, hindi naman ako.

"Bawal po kasi ang minor kapag wala pong ibang kasama, ma'am."

Wow, ha? Alam ko namang pang-minor ang height ko, pero gano'n ba ako ka-mukhang minor tingnan para hingan ako ng identification?

"Babe, ID," pakiusap na lang ni GT. Agad ang irap ko. As if namang may magagawa akong iba.

Kinuha ko sa bag ang wallet ko at naglabas ng UMID para ipakita sa babaeng kausap ni GT.

"Okay, ma'am, thank you," sabi pa ng receptionist. Pagkaplastik-plastik ng ngiti, ang sarap hampasin ng Chinese bamboo. Mataray ko pang binawi ang ID ko habang minamata ang babaeng mukhang model ng Kojic.

But on the other hand, I understand din naman kasi possible ang child trafficking ngayon, lalo na sa lugar na 'to ng Manila. Who knows. 'Yon nga lang, hindi ako child!

May inabot na card and key kay GT na may nakalagay na 405, probably our room number, saka niya ako pinauna para hanapin ang kuwarto. We headed to this building sa gilid ng front office. May entrance papasok slash paakyat sa upper floors.

Obviously fourth floor, fifth door. Wala ba silang elevator? Ang kitid pa ng hagdan. Nilingon ko pa ang likuran ko kung nakasunod si GT. Nakasunod naman siya.

Pagtapak ko sa fourth floor, red and gold ang theme ng dingding. Parang hallway na Alice in Wonderland's Red Queen inspired.

If I were to write an action story, magandang setting ang ganitong hallway for a fight scene. Similar sa fight scene sa Raid movie. Sana lang talaga, action na lang ang genre na isusulat namin. How I wish talaga.

"Babe, problem?"

Masyado akong na-amaze sa lugar. First time ko, okay?

Nilakad ko na ang daan at tiningnan isa-isa ang pinto hanggang sa makaabot kami sa 405.

Sinusian ko ang pinto at bumungad sa amin ang madilim na loob. Kinapa ko ang kanang gilid para sa switch ng ilaw.

Pagbukas, may pinto na naman sa harap namin. Never pa akong nakapasok sa executive suite ng hotels, puro kasi standard room. Si Kuya Pat, malamang. Kasi naman, sa hotel siya nag-OJT. Hindi ko alam na marami palang pinto sa executive suite. Bongga. Baka puro pinto lang ang makita ko, ha?

The F- BuddiesWhere stories live. Discover now