49. Book Review

25.5K 1.1K 410
                                    

Someone asked me before kung ano'ng pinagkaiba ng aayusin ang sarili sa hahanapin ang sarili. Reason lang ba ang hahanapin ang sarili para maghanap ng iba? Dahilan lang ba 'yon para makaalis sa ayaw mo nang relasyon?

Broken ako after ng breakup namin ni Justin. Or sige, let's say na even before that, broken na ako. Then, I remembered GT. Sinabi niyang kapag broken ka, ayusin mo ang sarili mo. Kaya kang tulungan ng ibang tao pero sarili mo lang din ang makakatulong sa 'yo sa dulo. And he was right.

After ng nangyari sa akin, nagalit sina Daddy kay Justin. They even called him and confronted him. Justin said sorry a hundred times, pero wala naman na silang magagawa e. Nagalit si Mommy, sobra pa sa dapat kasi botong-boto siya sa ex ko. Sinabi pa niyang sana, ako na lang ang nabuntis. Pero wala e. Tapos na. Nangyari na. Unfriend ang ginawa sa akin ni Justin sa FB. Ayaw raw ng babae niyang nakikita ako sa wall ng boyfriend niya. It had been a year after that happened. Overly attached yung Myra kay Justin. Masyado raw guwapo at malandi kaya mabilis mapagdudahan.

Now? He couldn't go to parties and nights out anymore. Bantay-sarado siya ng babaeng ipinagpalit niya sa akin. Gusto pala niya ng sinasakal, sana nilagyan ko na lang siya ng belt sa leeg. At mukhang kinarma yata. Wala akong nabalitaang nanganak yung babae pagkatapos ng isang taon. Kung nakunan ba o ipinalaglag, who knows.

I fixed myself by accepting all my flaws. I picked up all my shattered pieces. Tinanggap kong wala na si Justin. At hindi naging madali ang acceptance. Kasi kasabay n'on, tinanggap ko rin ang katotohanang wala na rin si GT.

Later on, natanggap ko ring hindi kailangang maging dependent sa kanila para lang masabing kompleto ako. Na hindi lang pala love life ang solusyon kapag kulang ka o sirang-sira ka na. Hindi lang din naman kasi jowa ang taong nagmamahal sa akin. Nandiyan ang family ko, nandiyan ang DCE. Sobra pa nga sila, kung tutuusin.

November noong tanggapin ko ang contract sa Dream Catchers. Officially and legally, editor in chief na ako at isa sa department heads, so I needed to go to the office regularly. I told Mom and Dad about that and happy naman sila.

Akala ko, happy sila na may regular na akong trabaho. 'Yon pala, happy sila kasi hindi na ako bitter sa buhay. And most of all, hindi na ako tambay.

I enjoyed working sa office. Kinaibigan ko silang lahat and I tried to remove that impression na masungit ako. I talked to them, madalas na lumalabas kami to eat out. I could almost forget all the pressure at work kasi umuuwi akong satisfied. Then I realized, may point naman pala ang ginagawa ni Justin before kaya palagi niyang inuuna ang friends niya. Masaya kasi pala talaga silang kasama. At tama siya—ngayon ko lang iyon naintindihan.

I even bought dresses na rin gaya ng promise ko kay GT—in case na bigla siyang bumalik, matutuwa siya sa akin kasi hindi na ako naka-T-shirt lagi. Saka mas tipid sa labahin compared sa shirt and pedal pusher. Sabi nga rin ng mga nakakausap ko saka laging bumabati sa akin, ang cute ko rin daw kapag naka-dress, so why not?

Ang dami ngang nagtatanong kung puwedeng manligaw, pero nagso-sorry na lang ako kasi ayoko—o kasi nire-reserve ko ang sarili ko para sa isang mahalagang tao.

Lost souls will never understand the meaning of being lost until they find themselves happy with something they really love. And GT was right. He was indeed right when he asked what it was that I really love.

Akala ko dati, si Justin ang silver lining ko sa buhay. Pero noong nawala siya, after four years, biglang lumiwanag ang lahat. Gumaan ang lahat. Na kaya ko nang matulog nang hindi nag-aalala. Nang hindi nalulungkot. Nang hindi na bitter.

All this time, ang pinili ko pala ang mali. Kaya noong nabigyan ako ng chance para piliin ang tama, naging okay na ang lahat. At sobrang satisfied ako na nahanap ko ang sarili ko sa trabahong mahal ko—sa lugar na perfectly fit ako. Na kaya kong magtrabaho para dito kahit hindi ako bayaran, kasi alam ko, dito ako masaya. Na every second na ilalaan ko sa passion ko, alam kong worth it. Na kahit tinalikuran ko na sila noon, nabalikan ko pa rin sila because they were my home. And all roads, no matter how far I go, lead me back home.

The F- BuddiesWhere stories live. Discover now