Chapter 4

5.6K 106 91
                                    


---

It's Monday morning and we're awake as early as now. The sun is not even showing.

Today's our first day traveling. We decided to just go on a drive to the Golden Circle. Maraming pwedeng puntahan doon.

Hindi na kami makapag hike dahil ayaw ni Kalen so maybe next time nalang. Sa vacation maybe. I just hope wala kaming summer classes. Tatlo ang lugar na pwedeng puntahan sa circle na iyon. The Thingvellir National Park, the Geysir Geothermal Area, and the Gullfoss waterfall.

"Ready na kayo?" Tanong ni Kalen ng maabutan kami sa sala. Siya na lang ang hinihintay. May hawak pa itong susi sa kamay at backpack sa likod.

"Yeah." Tamad na sagot ni Agezho.

"Palitan tayo mag drive, Kalen." Suggest ni Drake na tinanguan naman ni Kalen.

"Tara na. It's a long drive." Aya ni Kalen kaya nagtayuan na kami.

Ang mga gamit namin ay nakalagay na sa pinakalikod. Tapos bago yun ay ang mga pagkain. Malaki ang van pero di namin maiwasang magtabi tabi nalang sa loob dahil puno ng gamit sa likod. Dalawang seats in occupy namin.

Magkakaharap kami. Ako at si Amara magkatabi, habang si Agezho at Aziel naman ang magkatabi. Kami ni Aziel ay parehas nasa gilid ng bintana. Si Drake ay sa unahan naupo dahil palitan sila ni Kalen pag napagod ito.

"Someone play a song." Sabi ni Kalen.

"Ako. Ako na!" Sabi ni Aziel at tinaas pa ang kamay na parang bata.

"Oh shit. No." Pigil ni Drake na para bang ayaw marinig ang mga kanta ni Aziel.

"Bro, bago na playlist ko." Sabi nito at kumindat pa kay Drake.

Wala nang nagawa si Drake nung lumuhod sa gitna namin ni Amara si Aziel at tinanaw silang nasa unahan. Inabot nito ang speaker para maka connect siya doon.

"Chill lang." Suggest ko kaya nilingon ako nito.

Napakagat labi ito bago tumango at naghanap ulit ng songs sa cellphone.

"Tapos ka na Aziel? Balik na doon, ang sikip eh!" Reklamo ni Amara kaya nilingon siya nito.

"Hindi pa. Sandali, atat na atat eh."

Napailing nalang ako sakanilang dalawa. Mukhang mag aaway na naman. Si Amara ang hilig makibangayan sa mga lalaki, jusko. Ako napapagod sa kanya kasi hindi rin siya titigilan ng mga ito.

Ako kasi pag nang aasar sila, tinitignan ko lang ng masama, titigil na. Or minsan tinataasan ko ng kamay na para bang susuntukin ko sila.

Masakit daw ako mamalo kaya napapatigil talaga sila. Natatawa nga ko kasi parang nahahawa na rin sakin si Amara. Nagiging sadista na. Kawawa naman ang mga lalaki pero ginusto nila yan, asar pa.

"Tagal mo." Sabi ni Amara at lumipat sa upuan ni Aziel.

"Hoy, ako jan sa may bintana eh." Parang bata na maktol ni Aziel. Ugh sabi na, wala na naman tong tigil.

"May bintana naman jan." Sabi ni Amara bago sumandal sa bintana sa tabi niya at nagpanggap na tulala. Na para bang emo siya.

Baliw talaga!

"Ayan na. Ayan na." Sabi ni Aziel nang magsimula ng tumunog ang speaker.

Umayos na rin ito ng upo sa tabi ko.

"Ellie oh." Abot nito sa phone niya kaya napakunot noo ako. "Ikaw na pumili ng song."

Inabot ko naman ito at nag scroll sa spotify niya. In fairness, magaganda nasa playlist niya huh. Hindi bagay sa kanya. Joke.

A Hiraeth Dilemma (T.R.A.V.E.L SERIES # 3) Место, где живут истории. Откройте их для себя