Chapter 13

4.2K 93 28
                                    


---

What does he mean? Gusto niya ba ng holding hands kami? Dahil sa naisip ay napanguso ako. Di mapigilan ang ngiti lalo na at nakaiwas ng tingin sakin si Aziel, hindi makatingin ng diretso sa mata ko.

Hindi na ako sumagot at inabot na lang ang kamay niya but instead of holding all his fingers, I only reached for his pointing finger at yon ang hinawakan.

Napalingon siya doon at napakagat labi bago sinulyapan ako.

"Isa lang muna, hindi pa tayo." Sabi ko dito bago siya hinila para maglakad na ulit kami.

Hindi naman siya nagsalita pa kaya palihim ko itong sinulyapan. He's wearing a big smile on his face, his ears and neck are red, and he's just looking at the ocean. Minsan ay tinitignan nito ang kamay namin tapos nasipol sipol pa.

Hindi ko mapigilang matuwa dahil sa reaksyon niya. He's a cutie!

Nang makarating sa minimart na tinutukoy niya ay kumuha siya agad ng pushcart using one hand. Ni di niya nga ginalaw ang kamay na hawak ko.

He pushed it using one hand as we look for goods we'll buy. Hindi ko na rin tuloy siya binitawan at kumuha nalang ng pagkain gamit ang isa pang kamay.

Nang matapos ay binayaran na namin ito. Siya lang pala dahil inabot niya na agad ang card sa cashier. Napairap nalang ako kaya natawa siya.

Napanguso ito ng binitawan ko na ang kamay niya. We have to carry our groceries so I have to let go. Kung hindi ay hindi namin madadala lahat.

"Ang init." Sabi ko dahil di na maiwasang mahapdian sa init.

Maybe I was really so used to the weather in Iceland. Hindi na ako sanay sa mainit na lugar.

Napalingon ako kay Aziel nang bigla nitong iangat ang dalang mga plastic, he also went nearer to me.

"What are you doing?" Takang tanong ko dito.

"I don't have an umbrella kaya ito nalang." Sabi nito. That's when I realized he's covering me para hindi ako gaanong bilad sa araw.

"Wag na. Bilisan mo nalang." Sabi ko dito at even hold his wrist using my free hand to pull him.

I ran to our villa. Maging siya ay tumatakbo na rin dahil sa hila ko. Natawa pa ako kaya napatawa rin siya. Hindi namin alam ang nakakatawa pero ganon pa rin ang nangyari.

Medyo malayo pa iyon. If he'll do it until we reach the villa, mangangalay lang siya.

Nang makarating doon ay pareho kaming hinihingal habang ipinapatong ang mga dala sa lamesa dito sa kubo.

"Grabe, anong oras na yung exercise natin Ellie." Sabi nito kaya napataas kilay ako.

"What exercise?" Nagtataka kong sabi.

"Hays, wala Ellie. Manhid ka na nga, slow ka pa. Tsk. Tsk." Umiiling iling na sabi nito kaya sinamaan ko siya ng tingin. Napatawa naman siya sa reaksyon ko.

"Even Amara said that!" Inis na sabi ko dito.

"Because it's true." Sabi nito at inabot na naman ang pisngi ko para pisilin iyon. "Damn, bakit ang cute mo." Parang nanggigigil na sabi nito kaya sinamaan ko ulit siya ng tingin.

I reached for his hands on my cheeks and put it down on the table. Binigatan ko pa iyong kamay ko at priness doon ang kamay niya. He licked his lips as he glanced at me before at our hands.

"Hindi masakit, Ellie." Nang aasar na sabi nito kaya kinurot ko nalang ang kamay niya. "Aray!"

"Hindi pala ah." Sabi ko dito kaya natawa siya.

A Hiraeth Dilemma (T.R.A.V.E.L SERIES # 3) Where stories live. Discover now