Chapter 12

4.2K 76 26
                                    


---

But before that, I gave them their gifts first. Binigyan rin naman nila ako, I received a simple necklace from Kalen, it's a dot. Kay Drake ay isang plain bracelet that looks customized, it has no design other than the light writing of Ellie.

Si Agezho ay may iba pa rin palang regalo samin bukod sa flowers and wines kanina. Mine's a bracelet again from him, it's also plain lang, may naka laylay lang na maliit na circle with an E. Kay Amara naman ay isang dior handbag.

A compass necklace from Aziel ang nakuha ko. Siya pa nga ang nagsuot noon sakin eh. He also gave me hair clips that has diamonds on them. Also, a hair tie that matches his. Corny pero it made me smile.

My gifts to them are just simple. A watch to the three boys and for Amara, a gold bracelet.

I heard a knock on my door while I'm packing my stuffs kaya sumigaw nalang akong it's not locked.

Agad nakita ng mata ko si Aziel ng bumukas ang pinto. He's now wearing a plain white shirt and a black jogging pants. His hair is in a man bun.

"You're already packing?" Nagtataka nitong tanong.

"Yeah, I'm leaving in three days." Sabi ko at ipinagpatuloy na ang ginagawa.

Lumapit naman ito at naupo sa higaan ko, leaving the door open though.

"You're so advanced." Sabi nito.

"Para ready na."

"Who are you with?" Nakangusong sabi nito kaya nilingon ko siya.

"I don't know. Hindi ata pwede si Amara eh." Sabi ko. Kumunot naman ang noo niya.

"You're going there alone?" Nagtataka nitong sabi.

"No. Maghahanap pa ng kasama." Sagot ko.

He also reached for some of my clothes and helped fold it. Napanguso ako ng makitang mas maayos ang pagkakatupi niya.

"Ako nalang." Sabi nito kaya napaawang ang labi ko at napalingon agad sa mukha niya. Nakakagat labi ito na para bang nahihiya siya, hindi niya rin kayang salubungin ang mata ko.

"Wala ka bang gagawin?" Mahinahon kong sabi, making sure I won't be disturbing anything.

"Wala bukod sa planong sundan ka sana." Sabi nito kaya napakunot ang noo ko.

"Anong sundan?" Nagtataka kong tanong.

"Wala, Ellie." Sabi nito, ngayon ay may ngiti na sa labi. "Sama ako ah. Walang bawian."

Napangiti naman ako dahil sa pagkasabi niya non, parang bata.

"Then go pack your things already." Sabi ko.

I'm sitting at the floor, sa harap ko ang maleta ko while he's just beside where I am. Dahil katabi ko lang naman ang bed.

"Pagkatapos mo." Sabi nito kaya napaangat ang kilay ko. Nang makita niya ang reaksyon ko ay napaiwas siya ng tingin at tinuon nalang ang atensyon sa tinutuping damit ko. "I'll help you first."

"Fine."

Ganon nga ang nangyari. He helped me pack my things first before he packed his.

"Ellie." Tawag nito bago lumabas ng room ko kaya nilingon ko siya. "Here."

May inabot ito saking something white kaya napakunot noo ako, nagtataka kung ano iyon. And it looks familiar too.

"What's that?"

"Secret." Nahihiyang inabot nito sakin ang hawak.

I surveyed it when I touched it. It really looks familiar. It's a white envelope!

A Hiraeth Dilemma (T.R.A.V.E.L SERIES # 3) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora